SEVEN

2.4K 51 3
                                    

Nagising ako dahil nararamdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. When I opened my eyes, I saw Wallace smiling at me habang naka-squat sa gilid ng kama. This is not the first time na bumilis ng ganito ang tibok ng puso ko dahil dahil sa ngiti niya. Pero laging parang bago sa akin ito at parang hindi pa rin ako sanay.

"Hi," I greeted him at nginitian siya pabalik.

"I'll be leaving later dahil may usapan kami ng kapatid mo. I made soup for you to at least lessen your hang over. Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Konti."

Dahan-dahan akong bumangon at inalalayan niya ako.

"Just take a quick shower para gumaan ang pakiramdam mo," he said na may kasamang haplos sa ulo ko. "How's your feeling down there?"

Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Shemay naman, oh. Para akong naging teenager bigla sa sobrang kilig.

"A little bit of sore, but keri naman."

"I placed you a warm water down there after our first while you were sleeping. Hindi mo na alam kasi nakatulog ka agad. Anyway, I'll prepare the soup. Maligo ka na muna bago lumabas para ang gumaan pakiramdam mo."

Tumayo na siya nang bigla kong hawakan ang kamay niya.

"Wallace..."

Napalingon siya sa akin na may pagtataka. "Yes? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.

"No, nothing. I just wanna say thank you for making me happy. I've never been happy like this before, Wallace."

"Diana..."

"Don't worry. Hindi naman kita pinu-push na panagutan ako at malinaw sa akin ang sinabi mong no commitment, fuck buddies for short. As I said, let's enjoy the ride. I don't want to push you, Wallace. I know my limits. Masaya lang ako kasi nagawa ko ang gusto ko."

"I don't want you to get hurt, Diana. Lalo na kung ako ang dahilan. Not because I'm afraid of Dylan because I'm not. But because you did not deserve it."

"I am happy, right now. 'Yon ang mahalaga sa akin ngayon."

"Then, I am glad that I make you happy. Pero kapag nararamdaman mo nang nasasaktan ka na, please tell me. Alam ko kung paano masaktan ang Dy. Hindi ka naman magiging kagaya ni Dylan, 'di ba?"

"No, malayo, malabo. Magkapatid lang kami, pero magkaiba kami."

"Good to hear that. Sige na, mag-shower ka na para makakain na tayo."

He left the room kaya tumungo na rin ako sa banyo. While taking a shower ay hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Ang saya ng kaarawan ko dahil lalaking mahal ko ang kasama ko kagabi bago ito matapos at hanggang ngayon.

This is the first time that I felt like this. Never in my entire life have I experienced this kind of happiness. I may have been happy in the past because of the achievements and appreciation that I received.

Pero walang-wala ang happiness na iyon sa nararamdaman ko ngayon. Happiness na hinding-hindi ko maipagpapalit sa kahit ano.

I know this wouldn't last that long, and I am aware of that. Soon, matatapos din ito. Pwedeng kapag nalaman ng kapatid ko, pwede kapag nagsawa siya, o kaya ay makahanap na siya ng talagang mamahalin niya na. But, whatever it is...I will be happy with the outcome. Dahil minsan sa buhay ko ay naramdaman kong maging totoong masaya. At maging totoo sa sarili ko.

Maging masaya dahil nagawa ko ang kagustuhan ko hindi dahil sa kagustuhan ng iba para sa akin. Hindi para ma-please sila kundi ang sarili ko mismo. Hindi dahil iyon ang gusto nila kundi dahil iyon ang kagustuhan ko. Kaya kung ma-fail ako dito at masaktan sa kalokohan kong ito ay maluwag sa puso ko itong tatanggapin. Iiyak pero ngingiti.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon