Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko at si Wallace ang tumatawag. Hinagis ko lang ito sa gilid ng kama at saka tumayo. Kanina pa ako iyak nang iyak simula ng dumating ako pero kalaunan ay tumigil din ako.
I just realised na wala naman dapat iiyak. As I said, walang kami ni Wallace kaya malaya siyang makipag-sex sa iba. Masakit oo, kasi mahal ko siya pero hindi ko siya mapipigilan at pwedeng pakialam. Nakisawsaw lang ako sa katawan niya na kung tutuusin ay kaya kong gawin sa iba pero dahil mahal ko siya ay hindi ko magawa.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para gumawa ng hapunan. Ayokong idamay ang katawan ko sa sakit ng kalooban ko. Kailangan kong kumain dahil walang mangyayari kung magpapagutom ako. Masakit na nga puso ko, sasakit pa pati katawan ko.
Salad lang ang kinain ko. At habang kumakain ay nag-iisip akong lumabas later. Ang kaso hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung magba-bar o gagala sa mall? Pwede rin akong bumisita sa bahay ng isa sa apat na tukmol, kaso 'wag na lang at baka maiingit pa ako lalo kung maglalandian lang din sila sa harap ko.
Saktong pagtayo ko nang biglang tumunog ang doorbell. I did not expected any visitor maliban sa delivery boy ng mga online shop. Pero ang late naman at gabi na.
Nilapatan ko ang pinto and to my surprised...Wallace is there. "Anong ginagawa mo rito?" nakasingkit ang mata kong tanong sa kanya.
"I called you many times, but you did not answer."
"Ah, may kausap akong importante. May kailangan ka?"
"So, ako hindi importante?"
Magmatigas ka, Dane. Wag puro puso at sayang ang talino.
"Slight. Bakit ka nga pala nandito?"
Nandito pa rin kami sa harap ng pintuan at hindi pa rin siya pinapapasok.
"Diana, let's talk."
"Importante ba 'yan? May lakad kasi ako kasama si Avel."
Shit, hindi ko alam kung bakit iyon din ang nasabi ko. Sa dami nang pwedeng idahilan ay bakit si Avel pa. Though, may usapan naman talaga kami ni Avel pero hindi pa lang ngayon kundi bago siya umalis ng bansa. Pero wala na, nasabi ko na, at hindi ko na pwedeng bawiin. Or should I say...ayokong bawiin.
"What?" He pushed the door at kusa ng pumasok. "Sinong katatagpuin mo?" At pabalibag na sinara ang pinto.
"Bakit ka pumasok?"
"I asked you kung sino ang katatagpuin mo?"
"Si Avel na kaibigan ni Yara, why?"
"Pinaglalaruan mo ba ako?" Nakatiimbagang niyang tanong habang nakatitig sa akin.
"Huh, why would I?" tanong ko.
Hinawakan niya ako sa pulso at nakatitig ng masama sa akin. "Ano'ng pag-uusapan niyo nang gagong iyon?"
"Nothing, ramdom things. Kung ano'ng pwedeng pag-usapan. Buhay-buhay ganoon."
Bakit ba ako natatawa sa loob-loob ko? Honestly, nakakatakot ang titig ni Wallace sa akin pero sa totoo lang ay kinikilig ako imbes na matakot.
"Wala kayong topic?" Parang mas lalo yatang naging halimaw ang mukha niya.
"Why? Kailangan ba may specific topic kapag nakipag-usap ka sa isang tao?"
"So, wala kayong usapan about business or anything. Basta na lang kayo magkikita ganoon ba?"
"Sort of, parang ganoon na nga."
"Are you dating?" Mas lalong kumunot ang noo niya. Konti na lang yata ay maririnig ko na ang paglagutok ng ngipin niya. Kitang-kita ko na kasi gaano kahigpit ang pagtiim ng bagang. Gusto kong matawa sa tuwa. Gusto ko isipin na nagseselos siya pero bahala siya sa buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/315253980-288-k822086.jpg)
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
Ficción GeneralWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, ibinigay niya ang sarili sa lalaki. Higit pa roon, inalok niya ito ng isang kasunduan-ang maging partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ng...