SEVENTEEN

1.7K 48 2
                                    

"One, two, three, spin!" sigaw ni Wallace. Umikot si Dylan at sinipa ang kamay ni Wallace. "One two three, uppercut." Sumuntok si Dylan mula ibaba pataas."

Bumibilang nang bumibilang si Wallace habang sumusuntok si Dylan sa kamay niya at ang pang-apat ay ibang galaw na.

Pinagpapawisan na sila pareho. Lalo na si Dylan dahil siya ang malikot habang si Wallace ay nakatayo lang habang naghihintay ng suntok ni Dylan.

"Time-out!" sigaw ni Dylan.

Tumigil siya at tumingin sa akin kaya napatingin rin si Wallace. Ngumiti ako sa kanila at ngumiti si Wallace pabalik pero si Dylan hindi ako pinansin. Bumaba siya ng ring at naglakad habang tinatanggal ang gloves at dumiretso sa ref. Si Wallace naman ay binaba ang pad na hawak niya at saka naglakad palapit sa akin.

"Hi," sabay naming bati.

"Hey!" tawag ni Dylan sa amin kaya napatingin kami sa kanya.

Tumingin siya sa mga nandito at kaya pati kami ay napatingin rin. Agad kong nakuha ang gusto niyang mangyari at mukhang ganoon din si Wallace.

"My space," bulong niya at hindi na ako pinansin.

May sariling kwarto sina Cluster at Wallace rito. Ganoon din si Dylan bukod sa opisina. Nandito ako dahil may dinala akong papeles kay Cluster at alam ni Dylan 'yon. And since nandito na rin lang naman ako at alam naman na ni Dylan ang tungkol sa amin ni Wallace ay makikipag-usap na ako sa kanya. Susulitin ko na.

Lumabas si Wallace ng private gym kaya sumunod na rin ako. Sa kabilang side kasi ang kwarto nila paglabas dito. Opposite sa opisina nila.

"Kalandian," bulong ni Dylan nang mapatapat ako sa kanya. Pero imbes na mahiya o mainis ay napangiti pa ako habang siya napapailing. Gusto ko lang siyang asarin. "Cluster! Ihanda mo nga yong colt45 caliber ko!" sigaw niya.

"Hey," saway ko.

"Bakit? Aalis ako may problema ka? Masyado kang palakape kaya nerbyosa."

"Tss!"

Sinong hindi nenerbyosin kung nakita mo na paano siya magalit. Hindi lang basta nakita, natikman mo pa.

Hindi ko na pinansin si Dylan at lumabas na ako ng gym. Mamaya topakin na naman siya. Nang makalabas ako ay tumingin muna ako sa paligid to make sure no one can see me. Nang masigurong wala, ay dahan-dahan kong inikot ang doorknob.

"Wallace...?" But someone pulled at hinila ako papunta sa kama. Maliit lang naman ang kwarto na ito, sakto lang sa pang-isang kama pero may bedside table. Para lang talaga pahingahan. "Hey." Nagulat ako nang bigla siyang dumagan sa'kin at hinalikan ako.

"Shit! I miss you so much, Diana."

Naging mapusok ang halik ni Wallace sa akin at aaminin kong konti pa ay baka hindi na ako makapagpigil.

"Wallace, wait..." Nanghihina kong saway. "Nasa labas lang sila. Not here, please." Agad naman siyang tumigil habang naghahabol ng hininga.

"Don't worry, Diana. I just want to kiss you." He kissed me again. This time ay mabagal na. May kasamang pagnamnam sa labi ko. Ang sarap humalik ni Wallace. Mapusok man o mabagal ay kakaiba ang kiliti na dala sa akin. "Ang sarap mo talagang halikan, Diana. Nakakabaliw kang lasapin."

Naglakbay na ang kamay niya sa katawan ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mukhang mauuwi na talaga ito sa kung saan man patungo. Nag-iinit na ako at alam kong kahit siya ay hindi na rin kayang magpigil.

Fine. Hindi ko na talaga kaya. Bahala na kung anong isipin ng iba pero hindi talaga kayang tanggihan ng katawan si Wallace.

"Ituloy na natin, Wallace. Ang hirap magpigil." I saw him smile. Kunwari pa siyang walang mangyayari pero mukha naman 'yon talaga ang intensyon niya.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon