THIRTY-TWO

2K 56 7
                                    

"Take care of yourself, Dane"

I smiled and hugged Cooper tightly. I am here at the airport to drop him off. Ngayon na kasi ang alis niya pabalik ng Canada dahil tapos na ang dapat niyang ayusin. Ang dalawang linggo sana niyang pananatili ay umabot ng mahigit isang buwan.

"If you need help just call me, and I am willing to come back for you," he added.

"Thank you, Cooper." Naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. "I'm sorry," I added.

"Don't say sorry, Dane. I understand. All I want right now is for you to be happy." Saka siya humiwalay at tinitigan ako. "Basta kahit anong mangyari, kahit nasa malayo ako, tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong, ok?"

"I am so blessed to have you. Kung pwede lang na ikaw na lang ulit ang mahalin ko ay ginawa ko na."

"Shh!" He wiped my tears. "Don't cry. I hate seeing you cry."

"Cooper, thank you for loving me."

"I won't get tired of loving you, Dane. Hindi ako mapapagod at hindi ako magsasawa. Sorry kung hindi ako sapat para ipaglaban mo. Sorry kung hindi ako buo at ang laki ng kulang sa akin. Siguro kung kagaya ako ng lalaking mahal mo na straight ay hindi sana tayo nagkahiwalay. Hindi ka sana napunta sa kanya at hindi ka nasasaktan ng ganyan ngayon dahil kahit anong mangyari ay hindi kita bibitawan at ipaglalaban kita hanggang dulo. Sorry, Dane. Dahil sa kakulangan ko nasasaktan ka."

"Wala kang kasalanan."

"I love you so much, Dane. Buong buo ang pagmamahal ko sa'yo kahit kulang ang pagkatao ko."

"I just love you as a friend now, Cooper. Hindi ko na kayang ibalik sa'yo ang dati kong pagmamahal bilang kahati ng puso mo. I am sorry, too. Pinilit ko naman na mabalik sa'yo ang nararamdaman ko, but I failed."

"Hindi na ba talaga pwede, Dane? Kahit konting pag-asa lang. Kahit konting pagmamahal lang. Kahit subukan lang natin at baka sakali mabuo ulit ang pagmamahal mo sa akin. Pwede ba?"

Sobra na akong naaawa kay Cooper. Pero hindi ko siya pwedeng pagbigyan o paasahin dahil lang sa awa. Mas masasaktan ko siya kapag ganoon dahil sa totoo lang...umaasa pa rin akong babalikan ako ni Wallace kahit malabo na.

"I want, but I can't. Lalo na at alam kong masasaktan lang kita. Cooper, hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko. Hindi ko na kayang ibalik ang dati."

"I get it, and he's goddamn lucky but a bastard as well for wasting you."

"I wish you all happiness."

"But I will be happier with you."

"I'm sorry." I hugged him and felt him hug me back. "I'm sorry, Cooper."

"I love you, Dane. I love you so much." Humiwalay siya sa akin at saka pinunasan ang luha. "Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ng kagaya ng pagmamahal ko sa'yo. Dahil hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang pinapangarap ko."

"I'm sorry for hurting you."

"Don't say sorry. Alam kong sinubukan mo. Just take care always. Doon ka lang makakabawi sa akin."

Tinawag na ang flight niya kaya bumitaw na siya. I heard his loud sigh tanda na ayaw niyang umalis. Tumango-tango siya at ngumiti saka ako hinawakan sa mukha.

"Gotta go."

"Take care and call me when you arrive." He just pouted and looked at me.

Tumango-tangong nag-iwas ng tingin pero maya-maya ay hinila ako para muling yakapin ng mahigpit. Wala akong naririnig na kahit ano mula sa kanya. Mahigpit lang yakap niya sa akin kaya hinaplos ko ang likod niya. Ramdam ko ang kagustuhan niyang makuha ako ulit. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat hagod niya sa akin. Ramdan kong ayaw niyang umalis at ang kagustuhang manatili sa tabi ko.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon