THIRTY-FOUR

1.8K 59 4
                                    

=DIANA DANE DY=

Nagbasa ako ng mukha para makaramdam ng konting ginhawa. Simula kasi nang magbuntis ako pakiramdam ko ay mainit na ang katawan at mukha ko lagi. The doctor gave me advice to at least take a shower three times a day kapag may time. Kapag wala ay kahit basain lang ang mukha o ibang exposed skin.

Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. My baby girl is five months old now. Kung hindi sana sumuko si Wallace at nilaban ako, o kaya hindi siya umalis ng bansa ay baka nasabi ko pa sa kanya ang tungkol sa anak namin. But he chose to leave me despite my giving him assurance that no matter what happened, I would stay.

Pero hindi ko siya masisisi dahil tama naman siya na kahit anong paliwanag niya ay hindi ko siya maiintindihan, dahil wala ako sa posisyon niya. Kagaya ng kahit ano pang klaseng assurance ang ibigay ko sa kanya ay hindi niya matatanggap, dahil siya mismo ay may pinaniniwalaan na.

I am sad...yes, kasi ang pangarap ko noon ay maging ina sa anak ng lalaking mahal ko and that is Wallace. Naging ina nga ako hindi naman buo ang pamilya ko. But its ok, at least, anak pa rin ito ng lalaking mahal ko, ng lalaking pinangarap ko.

My family accepted my fate. Galit si daddy nang una kong sabihin ang pagbubuntis ko pero nang makita ang ultrasound ng apo niya ay pinabalik ako sa mansion at nag-hire pa ng nurse para alagaan ako.

Kinabahan ako nang una kong malaman na buntis ako. Nagka-trauma ako sa nangyari kay Yara but Keisha, my doctor, assured me na walang dapat ipag-alala dahil sobrang healthy ni baby at ganoon din ako.

Dylan told me na pauwi na si Wallace this month. Kaya ako nandito sa gym ay para magpatulong sa kanya na makaalis na agad ng bansa. I am planning to leave the country so Wallace can't see me. Ayokong maabutan niya ako at baka makita pa niya na buntis ako. Ayokong mapilitan siya na bumalik sa akin dahil lang may anak kami. Kahit pa sinabi niyang mahal niya ako ay iba pa rin ang kusang-loob na pagbalik dahil iyon ang gusto niya hindi dahil napilitan lang.

But honestly, I miss him. Thankful na lang talaga ako at may baby na ako sa tiyan dahil sa kanya napo-focus ang atensyon ko. Kung wala, baka nilamon na akong sobrang kalungkutan dahil sa pagkawala ni Wallace. Ayoko rin naman kasing magtanong kay Dylan about him dahil alam kung wala ring sasabihing matino ang isang 'yon.

I am thinking too much kaya lumabas na ako ng banyo. Nang bumalik ako ay nakarinig ako ng pag-uusap nila at nabanggit pa ang pangalan ko. Mukhang nagmamadali si Dylan dahil pinapasundo na ako kay Daze sa banyo.

"I'm here, sorry, at natagalan."

Napahinto ako at panandaliang natulala nang makita ko ang lalaking nakaupo sa tapat ni Daze. Hindi ako nakakurap nang magtama ang paningin namin. Sobra akong nagulat at hindi ko inaasahan na makikita ko siya. Napahawak ako sa tiyan ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin.

Akala ko ba nasa ibang bansa pa siya? Bakit hindi ako sinabihan ni Dylan na darating siya ngayon?

Napalunok na ako nang kumunot ang noo niya at tumingin sa tiyan ko. What the fuck! Mapapatay ko talaga 'tong si Dylan dahil hindi sinabi sa akin na nandito na si Wallace. Ipapasunog ko talaga kay Maggie itong gym niya. Kaso pinsan pala 'yon ni Wallace, pero shit talaga. Ano ngayon ang gagawin ko?

Ok, fine, marupok talaga ako dahil aminado ako na gusto ko nang tumalon sa tuwa nang makita siya. Gusto ko siyang yakapin at halikan at sabihin na 'Putangina mo, magkakaanak na tayo.'

"Ate, ano'ng ginagawa mo riyan? Bawal sa buntis ang nakatayo at baka mag-slide 'yang pamangkin ko." Daze called me kaya ako napapitlag ako.

Naglakad ako palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Daze na katapat ni Wallace.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon