"Ace, stop!" I screamed when I saw Ace holding the mantle on the table. She looked at me and smiled. "Don't do that, you young brat!" I shouted at pigil ang hiningang nakatingin sa kanya. Nakatayo kasi siya sa tabi ng lamesa kung saan may limang babasaging ninja figurine. Kapag hinablot niya ito ay babagsak ang mga ninja, at for sure ay mababasag ito. Dad bought them in Hong Kong at mahirap itong hanapin.
"Wowo!"
Ace ran as fast as she could when she saw dad, at dahil nasa kamay niya ang dulo ng mantle ay natangay niya ito at isa-isang bumagsak ang mga kalbong ninja.
Napapikit na lang ako nang marinig ang pagkabasag ng mga ito.
'RIP, Shaolin Ninja, that cost millions each.'
"Hello, my little Alas," Dad greeted her at kinarga agad si Ace. Kabababa niya lang galing sa taas ng mansion.
"Dad, I'm sorry about your collections. I'll ask Wallace to look the same and..."
"It's ok, Diana. Ace doesn't know what she is doing. Right, my little Alas?"
Ok fine, naniniwala na talaga akong bias ang grandparents kapag apo na ang pinag-uusapan.
"Wowo, yabyab."
"I love you too, little Alas."
"I'll clean..."
"What are you doing, Diana? Let the helpers clean up that mess."
Nandito kami ngayon sa mansion para sa family dinner. Nasa loob kami kanina at naisipan kung sundan si Lileth sa kusina pero nakita kong tumakbo si Ace kaya hinabol ko.
"Hi!" Wallace greeted us. He came to me and kissed me, saka tumingin kay Ace. Galing siya sa gym kasama si Dylan na kararating lang din. "Hi, baby," bati niya sa anak namin.
"Hi, Dad," bati niya kay Wallace.
"Hi! Ikaw lang ba?" Dad asked him.
"Dylan's outside. Inubos lang ang sigarilyo."
"Dada."
Ngumuso lang si Ace sa ama pero hindi nagpakarga. Mas humigpit pa ang yakap nito sa lolo niya nang biglang dumating si Dylan. "Yow, baby Ace, come to tito pogi."
"No!" sigaw ni Ace at yumakap lalo sa lolo.
"Eh, 'di wag, huwag ka na lalapit sa akin kahit kailan at hindi ka na kabilang sa mga kampon ko."
"No!" But Ace screamed louder.
"Oo na, no na nga. Hindi naman kita pinipilit."
Mas yumakap pa si Ace sa lolo ng husto.
"Mas mayaman pa ako riyan sa lolo mo, Ace, baka akala mo."
"No!"
"Puro ka na lang no, mag-yes ka naman."
"Dylan, inaaway mo ang anak ko," I said.
"Ako nga inaaway, eh. Napakamaldita mana sa tiyahin. Tamu nga, bata pa lang may ugali na," reklamo niya pero dinilaan lang siya ni Ace.
"Where's everyone, Diana?" dad asked kaya sa kanya natuon ang atensyon namin.
"Nasa garden, dad," sagot ko.
"Puntahan ko na sila," Dylan said at nauna nang umalis.
"I'll go with them too. Let's go, my little Alas." Dad left us habang karga-karga si Ace.
Naiwanan kami ni Wallace dito sa sala habang nakatayo.
"How's your day?" I asked Wallace at inayos ang kwelyo ng suot niya.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, binigay niya ang sarili sa kanya. Higit pa roon, inalok niya si Wallace ng isang kasunduan-partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ngunit s...