ONE

3.9K 74 3
                                    

=DIANA DANE DY=

Halos magkandasubsob na ako kakamadali para hindi lang ma-late sa family dinner. Tuwing linggo ay may dinner sa mansion at dapat lahat ay naroon since lahat kami ay may kanya-kanya ng tirahan. Ayaw ni daddy nang nali-late. Mahigpit siya pagdating sa oras.

Kung bakit ba kasi ako naipit sa traffic kanina?

Nagmamadali akong naglakad na kulang na lang bitbitin ang heels. Nang makarating ay dumiretso na ako sa dining area at hindi na pinansin kung sino ang mga naroon. Agad lumapit kay daddy at mommy para humalik.

"Sorry, I'm late."

Five minutes akong late, so I need to apologize. I heard Daddy sigh and ordered me to sit.

"You're not," sagot ni Dave...my brother next to me. Nang tingnan ko ang upuan sa tabi niya na pinagitnaan nila ni Dale ay wala pa si Dylan.

"Ow."

Lihim akong napangiti dahil mukhang sa loko malilipat ang atensyon ni daddy mamaya at hindi sa pagka-late ko. Natanggal ang lahat ng kaba ko sa dibdib.

"Dad, can we eat?" iritang tanong ni Daze, our youngest na katabi ko ngayon sa right side ko.

Our position is like this. On the top is Dad, sitting on her right side is Mom, me, and Daze, on her left is Dave, Dylan, and Dale.

"Not, until your brother arrives," Dad answered.

"Anong oras pa 'yon? Baka nga hindi pa nakaalis 'yon ng condo niya." Halata sa boses ni Daze na gusto na niyang kumain.

Amongst the five of us, Dylan and Daze is the headache at silang dalawa lang din ang easy lang kung makasagot kay daddy.

"I'll call him," presenta ko.

"No need, he's here," Dave said at tumingin sa pintuan.

"Yow, wazzap, Dy Familia," bati ng gago. Humawak pa ito sa balikat ng dalawa naming kapatid na lalaki bago umupo sa pwesto niya.

"Ang tagal mo, kuya," Daze complained. "Kanina pa ako nagugutom."

"Sorry na agad, Dandelion Daze. Alam mo naman si kuya, masyadong guapo kaya ayaw pakawalan ng mga chicka babes."

"Let's eat," daddy ordered at aktong kukuha na sana sina Dylan at Daze ng pagkain nang magsalita ulit si Daddy. "Lead the prayer, Damon."

"Huh?" tanong ni Dylan na agad binaba ang kutsara.

"You're late, so lead the prayer."

Siniko ko si Daze ng humagikgik siya sa gilid ko. Everyone closed their eyes and we held each other's hands.

"Dear God, thank you sa pagkain, amen," sabi ni Dylan nang biglang magsalita si daddy.

"And?"

"At sana mabusog kami, amen ulit."

"Damon," saway ni daddy.

"Ano nga kasunod noon, Dale?" bulong niya kay Dale pero narinig naman namin.

"'Yong ano...sana magbigay lakas at enerhiya ang pagkain sa ating katawan," bulong ni Dale sa kanya.

"Ang haba naman...sana more energy ang food para more happy, amen ulit dear God."

"Dwayne Dale, lead the prayer," utos ni daddy at masamang tumingin kay Dylan.

"Maayos na nga 'yon, eh," reklamo ni Dylan.

"Minus point ka na talaga sa langit, kuya."

"Dear God, thank you for the food that you serve with us. We praise you and offer you this food. Please bless this food that'll fill our empty stomachs. We prayed that this food would give us good health, and the energy our body needs. Amen."

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon