07

208 7 15
                                    

Chapter 07: Distracted

Hindi mawala ang pagkamangha ko habang pumapalaot kami. Nakangiti ako habang hinahayaang nakalubog ang palad ko sa kulay asul at napakalinaw na tubig dagat.

Marahan akong tumayo sa bangka matapos kong punasan ang kamay ko gamit ang malinis na tuwalyang nakita ko.

Kinuha ko ulit ang camera ko at inabala ang sarili sa pagkuha ng litrato sa paligid. Sobrang ganda ng tanawin.

Nilingon ko ang gawi kung nasaan si Achellus. Naroon siya sa harapan at inaayos ang kulay puting lambat. Kinuhaan ko ulit siya ng litrato.

May narinig akong isang bangka na papalapit kaya napalingon rin ako doon. Nang makita ko ang iilang lalaking sakay nito ay ngumiti ako.

"Hello! good morning!" kumaway ako sa kanila.

Natawa ako nang kawayan rin nila ako at binati pabalik bago nila lagpasan ang bangka na sinasakyan namin.

"Do you even know them?" rinig kong tanong ni Achellus.

"No. I don't know them." I giggled.

Napangiwi siya at inilingan ako. Natawa tuloy ako at nag patuloy na lang sa pagkuha ng mga litrato.

Huminto ang bangka na sinasakyan namin nang makalayo na kami sa dalampasigan. Tingin ko ay nasa malayong parte na rin kami ng dagat dahil hindi ko na matanaw ang isla na pinanggalingan namin kanina.

Tahimik at nakangiti kong pinanood si Achellus na ihagis ang lambat sa tubig. Nang maayos niya iyon ay hinarap niya ako.

"Dito ka lang." sabi niya.

My eyes widened in amazement as he suddenly removed his shirt. I even tried to hold my chest, convinced that I was about to have a heart attack.

Nagtagal ang mga mata ko sa kaniyang makisig na katawan.

Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago tuluyang tumalon sa tubig. Napatayo ako at sinundan siya ng tingin. Noong una ay natatanaw ko pa ang anino niya pero kalaunan ay nawala rin iyon.

Natahimik ang buong paligid. Tangging mga huni ng ibon, tunog ng hangin at tunog ng alon lang ang maririnig. Nilingon ko ang lambat na itinapon niya kanina sa dagat. Gumagalaw na ito, senyales na may mga isda nang nahuli.

I want to swim too.

Maingat kong nilapag ang camera ko sa inuupuan ko kanina. Tsaka ako bumuwelo at tumalon rin sa tubig. Kahit papaano ay marunong naman akong lumangoy pero dahil namali ako ng talon ay tumama ang buto ng binti ko sa dulo ng bangka kaya mali ang naging bagsak ko sa tubig.

Sinubukan kong mag kumawag para makaahon pero hindi ko magawa dahil masyadong masakit ang idinulot nito sa binti ko. Lumubog ulit ako sa ilalim ng tubig at doon ay natanaw ko ang anino ni Achellus na papalapit sa akin. Hindi rin nag tagal ay nahawakan na niya ang bewang ko at naahon na ako.

Hinihingal ako nang makakuha ako ulit ng hangin.

"What the fuck, Solana!?" galit niyang sabi.

Naubo ako bago hinilamusan ang mukha ko. Napirmi ang mga kamay ko sa kaniyang balikat at dibdib. Natigilan lang ako nang mapagtantong nakadikit ang katawan ko sa kaniya.

Lumunok ako. May mga sinasabi siya sa akin at tila galit na galit pero hindi ko iyon magawang intindihin dahil ang tangging nasa isip ko lang ngayon ay ang mga kamay niya sa bewang ko. Inaalalayaan ako para hindi ako lumubog ulit.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon