15

263 4 13
                                    

Chapter 15: Letting go



Hindi ako makagalaw.



Parang nawala ang lakas ko nang maramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko. Parang nagkabuhol buhol ang salita sa isip ko at hindi ko alam kung paano pa ako aakto.



Gusto ko siyang itulak palayo dahil may parte sa akin na galit ako dahil sa ginawa niya pero masyado akong nanghihina.



Dahil mulat ang mga mata ko ay nakita ko ang marahang pag mulat ng mga mata niya bago dahan dahang inilayo ang kaniyang mukha sa akin.



Inihawak niya ang kamay niya sa table habang ang isa ay gumapang sa backrest ng upuang kinaroroonan ko.



Napakurap ako kasabay ang pag lunok dahil nanuyo bigla ang lalamunan ko.



I clenched my fist. Ilalapit pa sana ulit niya sa akin ang mukha niya pero natigil siya nang marinig namin ang boses ni Adonis at Hades na nagtatawanan sa labas. Tumagos ang mga mata niya sa likuran ko kaya pati ako ay napalingon rin doon.



Halata ang gulat sa mukha ni Alisterille at Hades nang makita kaming dalawa ni Achellus sa loob. Ganoon rin si Calista. Si Acheron ay nakangisi habang si Adonis ay nagtataka sa nangyayari.



"Uh, what's... happening here?" Alisterille blinked twice.



Lumayo sa akin si Achellus.



Walang sali salitang lumabas siya ng dressing room. Balak pa sana nila akong paulanan ng tanong pero hindi ko na sila binigyan ng pagkakataon.



Nilapag ko ang mga gamit ko sa table, maski ang kinakain ko bago tumakbo rin palabas para mahabol si Achellus.



Nang makapasok siya sa isang tent ay sumunod ako sa kaniya. Hinintay ko pa na makaalis ang iilang staff organizers bago ako tuluyang pumasok ng tent. Wala ng ibang tao maliban sa aming dalawa. Mukhang dito sila nag re-rehears kanina.



Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya hinarap niya ako pero dala na rin ng emusyon ay mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.



Hindi niya iyon inaasahan kaya matagal pa bago siya nakabawi. Kunot noo niya akong nilingon.



Pinamuuhan ako ng luha. Luha na hindi ko malaman at maintindihan kung para saan at anong dahilan.



Hindi ko maintindihan ang sarili kong nararamdaman.



"Bakit mo ako hinalikan? para saan 'yon?" nanginginig ang boses ko. Hindi ko na inalintana ang mga luha kong nag unahan na sa pagtulo.



Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako.



"Bakit mo sabi ako hinalikan!" hindi ko na maiwasang sumigaw.



Lumapit ako sa kaniya at hinampas ang mga balikat niya dahil ayaw niya akong bigyan ng sagot pero mabilis niyang nahuli ang mga kamay ko.



"Tangina..." nanghihina akong tumitig sa kaniya. "Do you know how hard it was for me to forget you? to avoid you and try to convince myself that I can find someone else better than you after you rejected me several times and pushed me away like I was a stray dog!" I cried. "Sobrang hirap dahil ang sakit mong mahalin! I was trying to move on, tapos ngayon, lalapitan mo ako at bigla na lang hahalikan na parang wla lang?" patuloy ko.



Lalo akong naiyak dahil hindi pa rin siya umiimik pero nanatili siyang nakatitig sa akin at nakahawak sa nga kamay ko. Pinilit kong huwag pagtuunan ng pansin ang mga mata niyang punong puno ng sakit na tila ba nahihirapan siyang makita akong ganito o nag iilusyon lang ako dahil nasasaktan na naman ako.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon