20

248 5 10
                                    

Chapter 20: Trauma



"Guys, make sure the result is perfect. I'll give it to him later, eh."



Ngumiwi ako habang pinapanood ang pinsan ko na natatarantang inihahanda ang gagamitin sa pagluto dahil gusto niya raw dalahan ng pagkain ang boyfriend niya.



We're helping her to cook for Hades because the last time she cooked, we almost died.



Nag simula kaming tulungan siya na magluto ng adobo dahil iyon daw ang paboritong dish ni Hades. He's busy on his shooting today kaya gusto ni Alisterille na ipagluto siya.



Mabuti na lang at natapos ko na ang plates na ipapasa ko na lang sa professor ko. Iyon kasi ang pangalawang project namin para sa ngayong semester. Tingin ko nga ay mas magiging abala ako dahil pangalawang taon ko na sa kulehiyo.



Tulad ng gustong mangyari ng pinsan ko, niluto niya ang ulam na gusto niyang ihain kay Hades. Siya ang halos gumawa dahil inaalalayan lang namin siya ni Calista.



Nakaupo na ako sa highchair katapat ng counter table habang pinapanood ang pinsan kong ihain sa amin ang iniluto niya. Si Calista ay nasa tabi ko lang.



Tinikman ko ang niluto niya. Si Ali ay nakatayo sa harapan namin at mukhang kabado pa habang hinihintay ang magiging reaksyon namin. Gusto kong matawa pero inuna ko ang pagkain.



Tumaas ang kilay ko nang matikman ko ang niluto niya matapos itong manguya.



"Sarap!" ani Calista.



Ngumiti ako kay Alisterille at tinanguan siya. Nakahinga siya ng maluwag at nag liwanag ang mukha dahil sa naging komento namin.



Nag paalam na ako kinahapunan dahil aalis na rin si Alisterille para puntahan si Hades sa kaniyang unit. Si Calista naman ay pupunta raw sa photoshoot ni Acheron. I can't meet Adonis yet dahil mas abala ang schedule niya ngayon.



Tuwing linggo at tuwing kaya ng schedule ko, sumasama ako sa kaniya tuwing linggo para bisitahin ang mga bata sa bahay ampunan. Minsan ay tumutulong rin kaming mag linis sa simbahan. Bawat araw na lumilipas ay ganoon ang naging takbo ng buhay ko.



Adi's right. I have to entertain myself. Hindi ko kailangang lunurin ang sarili ko sa kalungkutan. Achellus us just in Manila, living their life there peacefully.



He's an engineer now at nag tatrabaho na siya sa isang construction company roon. Iyon ang huling balita ko tungkol sa kaniya ay pagkatapos noon ay wala na.



Minsan ay nakikita ko siyang active sa Instagram pero hindi ko iyon pinagtutuunan ng pansin dahil umiiwas pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon.



Noong nalaman kong aalis siya ay iniwasan at tinataboy ko na siya dahil iyon ang alam kong makatutulong at makakabuti sa akin. Makakalimutan ko ang nararamdaman ko sa kaniya sa oras na hindi ko na siya makita at malayo sa akin so I took that opportunity but I was wrong.



Walang araw na hindi siya pumasok sa isip ko. Walang araw na hindi ko tinanong ang sarili ko kung kumusta na siya at kung ano kaya ang lagay niya roon sa Maynila.



Akala ko tuluyan ko ng makakalimutan itong nararamdaman ko pero mas lalo pa yatang lumalim at lumala.



Some guys in our school tried to court me, tried to flirt and make their moves pero kahit sa kanila ay walang nagwagi. I keep rejecting them because there's only one person who's already inside my heart.



That punk. The fact that he hurts me many times, hindi ko pa rin siya magawang bitawan. Kaunti na lang ay iisipin ko ng ginayuma niya ako kaya ganito ako kabaliw sa kaniya ngayon.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon