Chapter 06: In love
Wala ako sa sarili nang magising kinaumagahan. Naabutan ko si Adonis na nakayuko sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
He's sleeping. Mukha binantayan niya ako habang wala akong malay.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. I wasn't inside the hospital. I'm in a clean room.
I think this is his place because I saw his picture frames on the cabinet.
Natigilan ako nang maalala ang nangyari kagabi. Pinamuuhan ulit ako ng luha nang isa-isang pumasok sa isip ko kung paano haplusin ng manyakis na iyon ang hita ko.
Nag papasalamat pa rin ako na iyon ang lang ang nahawakan niya sa katawan ko at hindi umabot sa ibang parte but then, what happened last night still traumatized me.
I almost raped.
Masuwerte ako at dumating si Adonis kagabi. Hindi ko alam kung paano niya ako nasundan roon pero nag papasalamat ako na dumating siya kaya hindi natuloy ng manyak na iyon ang binabalak niya.
Gumapang ang galit at pandidiri sa buong katawan ko. Sa sobrang galit ko ay kusa ng tumulo sa mga pisngi ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Humigpit ang hawak ko sa kumot na nakatakip sa katawan ko.
"Solana."
Napalingon ako kay Adonis nang bigla siyang mag salita. Dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko napansing nagising na pala siya.
Napatayo siya, hindi malaman kung hahawakan niya ba ako o ano dahil natatakot siya. Sa huli ay napahinga na lang siya ng malalim.
"You're at my place. Hindi ko alam kung paano kita iuuwi matapos ang nangyari kagabi kaya dito kita dinala." paliwanag niya. "Are you feeling well? do you want something to eat or drink?"
Pinalis ko ang mga luha ko at nag iwas ng tingin.
"I'm not hungry and thank you for helping me last night. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling hindi ka dumating." wala sa sariling sabi ko.
"Wala 'yon. Luckily, I was there because of my cousin. Aalis na sana ako pero nakita kitang lumabas ng mansyon na umiiyak kaya sinundan ko ang taxi na sinakyan mo. I am so sorry about what happened, Solana."
Umiling ako.
"Wala kang kasalanan kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad."
It was all my fault. Naging pabaya ako at hindi ko tinansya ang Taxi na sinakyan ko dahil sa kagustuhan kong makaalis na agad sa lugar na iyon.
Hindi siya nakapag salita kaya nag patuloy ako.
"Did you tell anyone about what happened?" nilingon ko siya.
Mababakas na ngayon ang takot, pag-aalala at galit sa kaniyang mga mata. Hindi ko iyon nakayanan kaya iniiwas ko ulit ang mga mata ko.
"Wala akong pinagsabihan. Ayokong malaman ng iba ang nangyari sayo kagabi at hindi na rin naman kailangan pang malaman iyon ng iba." mababakas ang galit sa tono ng boses niya.
Napalunok ako. Kahit papaano ay nakampante ako na walang nakakaalam ng nangyari maliban sa aming dalawa.
Ayokong makarating iyon sa pamilya ko dahil lalo lang lalaki ang gulo. Mabilis lang rin naman siguro akong makakabawi. I'll forget about what happened and then I'll be fine again living my life normally.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Teen FictionSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...