Chapter 13: Avoid
Dumating ang mga lalaki at isa-isa na kaming sinundo. Tulad ng napag usapan, kay Adonis ako sumabay. Hindi pa kami nakatakas na dalawa sa pang-aasar nila.
"I'm sorry about that, Adi. Gano'n lang talaga ang mga pinsan ko." paumanhin ko nang makasakay na ng sasakyan niya.
Nauna kasi kaming nag paalam kaya kami ngayon ang nasa unahan. Kasunod naman namin ang mga pinsan ko sa likuran.
He chuckled as he held the steering wheel.
"Ayos lang. Ang saya nga kasama ng mga pinsan mo, eh. Parang gusto ko tuloy mag paampon sa pamilya niyo."
Natawa ako sa sinabi niya.
Hindi naging tahimik ang biyahe namin dahil panay ang kwento niya. Nakangiti naman ako habang pinapakinggan siya.
"Ang galing mo kanina! akala ko nga mawawalan ako ng boses kaka-cheer ng pangalan mo. I was so shocked when the announcer announced that you are a black belter." ngumisi siya at nilingon ako sandali bago ulit itinuon ang atensyon sa daan.
"Well, I joined the taekwondo competition when I was in elementary and high school. Nag quit ako nung kailangan kong umuwi ng Florida. I want to pursue volleyball and learn new experiences so yeah." I shrugged.
"Wow. You're so talented." namamangha niyang sabi.
"Not really." I giggled.
"What about basketball? tuturuan kita." lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi.
Tumaas ang mga kilay ko. Sounds interesting.
"Isasama kita minsan kapag may laro kami. Katuwaan lang."
"Sure. Just text me when." pag payag ko.
Hindi natigil ang usapan naming dalawa habang nasa biyahe. Kami ang unang nakarating sa club na sinasabi ni Leon. Hinintay pa namin sandali ang mga pinsan ko hanggang sa bumaba na rin sila sa kani-kanilang sasakyan.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng club na iyon. May nakahanda na pa lang puwesto para sa amin kaya naupo na lang kami doon.
Ngumiti ako at nag pasalamat nang alalayan akong maupo ni Adonis sa tabi ni Alisterille bago siya maupo sa tabi ko. Umangat lang ang tingin ko nang maupo si Achellus sa harapan ko. Huling naupo si Fiona sa tabi niya.
Bakit kailangang sa harapan ko pa talaga sila maupo?
Palihim akong huminga ng malalim nang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko. Hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin dahil nag simula na si Adonis na kausapin ako.
Mukhang ayos naman na silang dalawa ni Achellus dahil nakikita ko na sila minsan na magkasama at magkausap.
Nag simula na kaming uminom at magkatuwaan habang nagkukwentuhan. Ayoko sanang uminom ulit ng marami dahil baka magalit na naman si papa sa akin pero dahil kasama ko naman ang mga pinsan ko ay gusto kong sulitin ang gabing ito.
Bahagya akong sumasayaw habang nakaupo dahil sa nakaka enganyong kanta. Ang mga lalaki kong pinsan ay nasa dance floor na para makapag hanap ng babae. Ngumiwi na lang ako nang matanaw si Rajiah na nakahawak na sa bewang ng isang babaeng maiksi ang buhok. Si Valerian ay naroon rin, nakahawak sa bewang ng mga babaeng nasa magkabilang gilid niya.
Umiling ako. Kinuha ko ang wine glass ko at ininom na ang alak na sinalin kanina ni Adonis para sa akin. He's busy talking with Hestia now, talking about business staff. Hindi ko sila masabayan kaya hinayaan ko muna silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Teen FictionSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...