Chapter 33: In denial
Ilang minuto pa akong natulala sa telepono ko habang nakatitig sa kaniyang reply, hindi pa rin makapaniwala na narito rin siya at talagang sinundan pa ako!
Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang isiping iyon. Hindi ko siya nireplayan dahil wala akong balak na sabihin sa kaniya kung saang hotel ako mag papalipas ng gabi.
Hinayaan ko ang telepono ko sa kama at pumasok na sa loob ng banyo para makaligo at makapag bihis. Marami akong gustong puntahan na lugar rito sa Paris. Marami akong gustong subukan kaya imbis na ubusin ang oras ko sa pakikipag palitan ng reply sa kaniya ay inihanda ko na lang ang sarili ko.
I wore my coffee color long coat with a white spaghetti top inside of it. I partnered them with my black leather skirt and half-black boots. Nag suot rin ako ng brown beret hat. Lumabas na rin ako ng hotel matapos kong makapag breakfast.
Nakasabit sa leeg ko ang camera ko. Naisipan ko kasing dalahin iyon dahil alam kong marami akong makukuhang litrato rito. Dala rin ang sling bag ko ay nilibot ko ang bawat daan. Sa tuwing may madadaanan akong store ay hihinto ako at sinusubukan ang kanilang products. Mas nag tagal ako sa isang french food store. Sobrang sarap ng pagkain nila kaya lahat iyon ay sinubukan ko.
I also socialized with them! ang saya nilang kausap at kasama kaya naman hindi ko naramdamang mag isa lang ako. Minsan ay kukuhaan nila ako ng litrato o kaya ay isasama ko sila sa groupie. It's fun spending my time with them!
Nang makaramdam ako ng pagod ay doon ko lang naisipan na mag punta sa isang art materials shop. Bumili ako ng magagamit kong pang paint. Nang makumpleto ang kailangan ko ay bumili rin ako ng coffee at pastry. Then I rented a bike and went for a ride around the town. I just stopped when I found a park.
Bumaba ako ng bike at itinabi iyon sa gilid ko tsaka ako naupo sa ilalim ng malaking puno bago inilatag ang mga art materials na nabili ko kanina. Pati na rin ang camera kasama ang pagkain at inumin. Malinis naman ang Bermuda grass kaya malaya akong nakakaupo rito.
I took a picture of them before posting it on my Instagram kasama ang mga picture na nakuha ko kanina. I also tagged the name of the park in the location. I must suggest this place to them if they wanted to visit Paris soon!
Sobrang ganda dito!
Ikinalma ko muna ang sarili bago iginala ang paningin sa paligid. Nang makakuha ako ng ideya kung anong ipi-paint ko ay ngumiti ako at nag simula na.
I painted the scenery right in front of me. The park where I was. I can see the top of the Eiffel Tower from here hidden behind the trees. It took me hours to perfect it but when I finished it, I titled it "Breathtaking scenery in the romantic city of Paris." and then I put my name and signature on it.
Ngumiti ako at tinitigan ang painting na ginawa ko. May madadagdag na naman ako sa art collection ko sa kwarto.
I have a separated room where I display all my paintings, sketch and drawings. Kasama na rin ang ilang plates na gawa ko noon. Doon ako nag papalipas ng oras kapag gusto kong mapag-isa.
I sighed before facing the scenery in front of me again. Nakakagana pala talagang mag painting kapag nasa harapan mo na mismo ang pagbabasehan mo. Ibang iba sa pakiramdam kapag nakikita mismo ng mga mata mo ang ganda ng tanawin. Lalawak at lalawak talaga ang emahinasyon mo.
Pigeons caught my attention. They landed right in front of me. Lumapit sila sa akin kaya naman binigyan ko sila ng kaunting tinapay na kinakain ko kanina. Hindi na naalis ang ngiti sa labi ko habang pinapanood silang kainin ito.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Dla nastolatkówSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...