Chapter 09: Fool
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang basang bimpo na dumadampi sa noo at leeg ko kinaumagahan.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Nang makita ang pinaka bata naming katulong sa mansyon na abalang pinupunasan ako gamit ang basang bimpo na iyon ay napabangon agad ako sa gulat.
Napaingit ako at napahawak sa aking ulo nang maramdaman ko ang pagkirot nito.
"Shit. My head hurts." bulong ko habang mariing nakapikit.
"M-Ma'am, mahiga po muna kayo para makapag pahinga pa."
Natigilan ako nang marinig ang boses niya. Nilingon ko si Frida Solarez. Maski siya ay nagulat dahil sa biglaan kong pag lingon.
Kumunot ang noo ko at iginala ang paningin sa paligid.
I'm not inside the Villa. Or our mansion. Puro dingding na gawa sa kahoy ang bumalot sa paningin ko. Ang mga kagamitan ay puro antique at may mga bago rin at moderno.
Huminto ang mga mata ko sa isang picture frame na nakasabit sa kahoy na dingding.
It's Achellus and his family picture frame.
I'm in his... place?
Kung bakit ako narito ay hindi ko na maalala. Hindi ko matandaan kung anong nangyari kagabi matapos kong umiyak at mag makaawa sa kaniyang huwag na paglaruan ang damdamin ko.
Napatingin ako sa bintanang nasa gilid lang ng kamang kinaroroonan ko ngayon nang marinig ko ang mahinang alon ng dagat. Natanaw ko ang malawak na tubig sa kalayuan.
So he brings me to his place, huh?
I panicked when I remembered I was with my cousins last night. Hinagilap ko ang telepono ko at nakita iyon sa mababang lamesa na nasa gilid lang ng kama.
"I called Hades last night. He probably informed them about you."
Nahinto ako sa pag babalak na tawagan si Alisterille para ipaalam sa kanila kung nasaan ako nang mapaangat ako ng tingin sa pintuan ng kwarto kung nasaan kami ngayon ni frida.
Bumukas ito at iniluwa si Achellus dala ang isang tray kung saan may nakalagay na isang mangko ng lugaw at isang baso ng gatas. May isang bote rin na inumin pang pawala ng hangover.
Nag iwas ako ng tingin nang mag tama ang paningin naming dalawa.
"Frida, ako na ang bahala rito. Bumalik ka na sa baba."
Ikinagulat ko ang nadatnan. Ngumiti siya sa kaniyang kapatid. He even rubbed her hair before kissing her forehead. Frida smiled innocently and nodded.
Nag paalam pa nga ito sa akin bago siya tuluyang lumabas ng kwarto dala ang stainless na palanggana kung saan nakalagay ang tubig at ginamit niyang bimpo kanina.
Gumalaw ako nang maupo si Achellus sa gilid ng kama at ipinatong ang tray sa mababang lamesa na nasa gilid ng kama.
Nakaramdam agad ako ng gutom nang maamoy ko ang banggo ng lugaw na dala niya pero hindi ako nag pahalata.
Tinaas ko ang noo ko nang lingunin niya ako. Napirmi tuloy ang mga mata ko sa kaniya.
He's only wearing a white shirt and maong pants pero ang gwapo at desente niya pa ring
tingnan.
"Pasensya na, maliit lang ang bahay namin." pag hingi niya ng tawad.
Ikinagulat ko iyon. Hindi ko alam kung anong magiging sagot ko sa kaniya. Ako pa tuloy ang nahiya.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Novela JuvenilSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...