Chapter 14: Kiss
Huminga ako ng malalim at naupo sa batong nasa ilalim ng puno ng mangga para makapag pahinga. Kakatapos ko lang sa trabaho at may pumalit na sa akin dahil sila na raw ang bahalang umasikaso no'n.
Uminom ako ng tubig at tinanaw ang mga pinsan kong papalapit na sa akin. Bumusangot agad ang mukha ko nang makitang kasama rin nila si Achellus.
Alas kwatro na ng hapon kaya hindi na gaanong masakit sa balat ang sikat ng araw.
"Wooh! I'm so tired! I feel like I'm gonna die anytime!" reklamo ni Hestia at naupo sa tabi ko. Si Catalina at Ali ay ganoon rin.
Ang mga lalaki ay nasa kabilang gilid ng punong pinagsisilungan namin.
Uminom ulit ako ng tubig pero dahil kamalas malasang nahagip ng mga mata ko ang naghuhubad na si Achellus ay nabuga ko ito kina Valerian at Rajiah.
"What the fuck, dude!" reklamo nila nang sabay na mapatayo.
Pati ako ay napatayo at agad na humingi ng tawad sa kanilang dalawa. Naubo pa ako bago ulit nilingon si Achellus na ngayon ay wala ng suot pang itaas tulad ng mga pinsan ko at ni Hades.
Holy shit.
Nakita ko ang mabilis na pag lapit ng fiance ni Catalina sa kaniya. Ganoon rin si Ali pero agad niyang tinabig si Hades para matitigan niyang mabuti si Achellus. Si Hestia ay halos mahulog na ang panga.
What's with him?! removing his clothes in front of us so suddenly!
"Tangina, pre! mag damit ka na nga!" binalibag ni Hades ang tuwalya sa kaibigan niya.
"What? naiinitan rin ako. Kayo lang ba ang may karapatang mag tanggal ng damit?" sarkastiko niyang tanong pero ang mga mata niya ay nakatuon sa akin.
Pinanliitan ko siya ng mata.
Akala niya ba maakit niya ako sa paganiyan ganiyan niya?
Asa siya!
Huminga ako ng malalim at hinarap ang mga pinsan ko.
"Nice work today. Babalik na ako ng mansyon." paalam ko.
"Hey! Sol!" rinig kong tawag nila pero hindi ko na sila nilingon pa at nag dire diretso na lang sa paglalakad.
Matapos ang isang araw ay bumalik na ng Maynila ang mga pinsan ko dahil wala ng dahilan para manatili pa sila rito. May mga pasok at sariling buhay rin sila doon kaya kahit gustuhin ko pang mas makasama sila ng matagal ay hindi rin pwede.
Bibisitahin ko na lang siguro sila kapag nagkaroon ako ng oras umuwi ng Maynila.
Nakapangalumbaba ako habang bahagyang tinatapik ang lapis na hawak ko sa lamesang kinaroroonan ko.
Nasa Gazebo ako kasama si Calista at Alisterille dahil may free time kami kaya malaya ang mga estudyante ngayon.
Naipasa ko na ang nauna kong plates na ginagawa ko noon last week at ngayon ay bago naman ang ginagawa ko. Malapit na ang Christmas break pero namomoblema pa rin ako sa plates ko.
Ginala ko ang paningin ko sa buong Field kung nasaan nakatambay ang iilang estudyante. Naagaw lang ni Alisterille ang atensyon ko nang marinig ko na naman ang pag buntong hininga niya.
"Kambing ka ba?" nilingon siya ni Calista na kanina lang ay abala sa paglalagay ng eyeliner.
Napaayos rin tuloy ako ng upo para pagtuunan ng pansin ang pinsan ko na ngayon ay nakabusangot na ang mukha habang tinatanggal ang mga saging sa turon na binili namin kanina. Nang balat na lang ng turon ang natira ay tsaka niya iyon kinain. Ganiyan siya kumain ng turon at sa huli ay ako ang kakain ng sagig na itinabi niya.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Teen FictionSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...