16

227 3 15
                                    

Chapter 16: Leaving



"Damn, why are you drowning yourself in alcohol? broken ka ba?" nakangiwing tanong ni Rajiah.



Hindi ko siya pinansin at tinungga na lang ang bote ng mamahaling wine. Lahat kami rito ay kumpleto ngayon. Even the parents of my cousins. Ganito ang ganap namin tuwing mag papasko at mag babagong taon.



Sinubukang agawin sa akin ni Valerian ang bote pero inilayo ko iyon sa kaniya.



"Girl, tanghaling tapat nag papakalasing ka?" pag singit ni Catalina.



Umirap ako at hindi pinansin ang komento ng mga pinsan ko.



Nilingon ko si Alisterille na ngayon at nakadapa sa sofa habang nakangiti at abala sa kaniyang telepono.



Ilang araw na niyang hindi nakakasama si Hades dahil umuwi siya ng france kasama raw ang kaniyang ama. Para siguro doon sila mag diwang ng pasko.



Si Leon at Acheron ay nag babangayan na naman. Wala namang bago dahil lagi silang ganiyan. Daig pa ang aso't pusa. Ngumiwi ako nang matunghayan ang pag batok sa kanila ni Kuya Eros. Nagturuan pa ang dalawa na parang bata.



Hestia is on a single sofa, busy on her phone too and minding her own business.



Si Catalina at itong dalawang mokong na ito ay sinasamahan akong uminom pero paunti-unti lang ang kanila. Hindi tulad sa akin na nakakadalawag bote na ng red wine.



Paano kasi ay nakita ko si Achellus kanina sa gym kung saan kami nag punta ni Alisterille kaninang umaga. Hindi ko alam kung may galit ba sa akin ang langit dahil lagi ko siyang nakikita sa tuwing iniiwasan ko siya.



Ilang araw ko siyang hindi kinausap. Maski ang tingnan siya ay iniwasan ko at hindi ko ginawa. Nakakarinig lang ako ng balita tungkol sa kaniya kapag nag kukwento si Adonis at Alisterille.



I want to do it this time for real. I'm really moving on. Without using Adonis. Without relying on his help because I can do it myself.



We're still friends now, though.



Humingi ako ng tawad sa kaniya dahil pumayag ako sa plano niya kahit na alam kong hindi iyon tama. But I dated him once, totoong hinangaan ko nga siya. At iyong mga halikan naming dalawa ay nagustuhan ko pero napagtanto kong, it was all nothing but attractions. I do not like him for real because I can't get over with that someone.



Adonis is caring person. He's kind to me. He's taking good care of me. He's treating me special. Pero nagkalinawan na kaming dalawa nang magkausap kami.



Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong hindi niya ako gusto dahil tulad ko, attraction lang rin ang naramdaman niya noong una. We're best friends now and he wasn't regretting about helping me with Achellus pero hanggang doon na lang iyon dahil gusto ko ng tumigil.



Nagulat na lang ako nung malaman ko kay Calista na nag-away pala silang dalawa ni Achellus. He was mad at him for hurting me. Tingin ko naman ay maayos na sila ngayon dahil mag kasama silang dalawa kanina sa gym.



"Raj, I have a question." nilingon ko ang pinsan ko.



Tumaas ang kilay niya sa akin bago ininuman ang baso niyang may alak.



"Bakit ang hilig niyong mga lalaki na manakit ng babae? I mean, does breaking our hearts and seeing us suffering make you guys satisfied?" I smirked, obviously drunk now.



Natawa si Catalina. Ang magkapatid naman na si Valerian at Rajiah ay napakurap sa naging tanong ko.



"Why do you guys always say you like a girl but then hurt her feelings and leave her anyway? mga bobo ba kayo?"

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon