Chapter 29: Dance
"Pupunta ka ba mamaya?"
Nahinto ako sa pag papaikot ng lapis sa daliri ko nang sumulpot si Alisterille sa harapan ko. I was busy reviewing the design that Leon gave me.
Sisimulan na kasi ang pag papatayo ng mga bahay para sa palibreng pabahay project na tinatrabaho namin ngayon. Abala pa kasi ang lahat sa nalalapit na kasal ni Calista at Acheron. Sa susunod na araw na iyon. Si Alisterille naman ay kanina pa ako kinukumbinsi na lumabas ng kwarto para daw samahan ko silang mag saya sa labas.
May engagement party sila ni Hades mamayang gabi kaya narito kami ngayong mag pipinsan sa Casa Al Juaréz. And some of our friends too. Sa Hacienda Silvero gaganapin ang party nila pero nagkayayaan silang mag langoy muna rito.
"I'm not sure yet. Busy ako." pagbibiro ko.
Tumawa ako nang ngumuso siya at padabog na naupo sa gilid ng kama ko.
"Come on! kaya nga tayo nandito para mag saya pero trabaho pa rin ang inaatupag mo!" pagmamaktol niya.
"Ali, ganito rin ang mangyayari sayo kapag nag simula ka ng pumasok sa Casa Al Juaréz." ngumisi ako.
Nabanggit niya kasi sa akin na balak raw siyang gawing Vice president ng Casa Al Juaréz. Iyon daw ang gusto ng father ni Hades. Mabuti na rin iyon dahil may pagkakaabalahan na rin siya.
"Nakakainis ka naman! naroon na silang lahat sa labas! hinihintay nila tayo, mamaya ka na mag trabaho!" hindi na maipinta ang mukha niya ngayon.
Humalakhak ako lalo bago ibinaba ang lapis sa lamesa. Si Hestia ang kasama ko sa kwarto pero nasa labas na silang lahat. Nag paiwan kasi ako.
"Fine, fine. Mauna ka na roon. Susunod ako. Hinihintay ka na ni Hades." tumayo ako at lumapit sa kaniya.
Hinatak ko siya sa kaniyang mga kamay at nang makatayo rin siya ay hinawakan ko na ang magkabila niyang balikat. Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko.
"Susunod ka, ah?" pinanliitan niya ako ng mga mata, nagbabanta.
Ngumiwi ako at tumango sa kaniya.
Nang makalabas siya ay tuluyan kong sinarado ang pintuan ko. Napailing pa ako bago dumiretso sa maleta kung saan ko nilagay ang mga baon kong damit.
Gusto kasi nilang makapag langoy pero dahil wala ako roon ay hindi sila matuloy. Para namang ikamamatay nila na wala ako.
Paano pala kung mawala ako, ano na lang ang mangyayari sa buhay nila?
Dahil nakaligo naman na ako kanina, nag palit na lang ako ng damit pang langoy.
Everyone's is invited. Even Catalina kasama si Alistair. I met her earlier pero hindi kami gaanong nakapag usap dahil nag simula siyang umiyak at hinanap agad ang nanay.
I wore my red triangle bikini. Tinali ko rin sa bewang ko ang triangle scarf na ibinigay sa akin ni Hestia kanina dahil may sobra daw siyang dala.
I also wore my waterproof makeup para kapag maglalangoy ako ay hindi mag mumukhang maputla ang mukha ko.
After preparing myself, inilagay ko sa ulo ko ang sunglasses ko bago tuluyang lumabas ng kwarto na ang tangging dala ay telepono at wallet.
Lumabas ako ng hotel building at dumiretso sa seaside kung nasaan ang cottage na nirentahan nila.
Naabutan ko ang mga pinsan ko doon na naglalaro ng volleyball. Even Adonis, Achellus were there. Yorick and Raya, too pero nasa loob lang sila ng cottage at tila may sariling mundo. Si Alistair ay buhat ni Eros dahil ang nanay niya ay abala sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Teen FictionSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...