23

252 8 13
                                    

Chapter 23: Leave me alone

Minulat ko ang aking mga mata pero wala pa rin akong makita kundi ang madilim na paligid.



What just happened? am I alive? did I survive?



Where am I, then? I want to go home. I want to see everyone. I want to know what happened to my father. I want to know if my mother was safe. I want to apologize to Achellus and his family even though it won't change everything.



Ginala ko ang paningin ko sa paligid pero para akong bulag at nangangapa sa dilim.



Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko magawang makapag salita. Hindi ko maibuka ang mga bibig ko at tangging isip ko lang ang nakakausap ko.



Wala akong ibang nakikita kundi ang madilim na paligid. Huminto ako sa paglalakad at kumunot pa ang noo nang matanaw ko ang munting liwanag sa kalayuan.



Is anyone there?



Lumapit ako roon.



Habang palapit ako rito ay unti-unti kong napapagtanto kung ano ito. It was a door. I don't know what's behind it. Puro liwanag ang nakikita ko at nakakasilaw iyon.



Natigilan ako nang marinig ko ang mga pamilyar na boses na nangaggaling sa likod ng pintuan.



It sounds familiar. Do I know the owner of those voices?



Tumuloy ako.



Mas lalong nasaktan ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag nang makahinto ako sa harapan ng pintuan. Huminga ako ng malalim at tahimik na pumasok roon.



Ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina ay agad nawala nang makita ko ang isang malawak na lupain at ang dagat sa hindi kalayuan.



Nilingon ko ang likuran ko para tingnan ang pintuang pinasukan ko kanina pero wala na iyon ngayon doon. Nagtaka ako pero hindi ko na inisip pa dahil ayoko nang bumalik sa madilim na lugar na iyon.



That dark place scares me and gives me uncomfortable feelings.



Doon ko lang napagtanto kung anong suot ko.



It was a long gown. Pinaghalong kulay puti at abo ang tela na para bang galing ako sa isang pagdiriwang ng kung saan. Ang buhok ko ay nakalugay. Bahagya itong gumagalaw sa tuwing iihip ang malamig na hangin. Naka paa ako kaya nararamdaman ko ang mainit na damuhan at lupa.



Huni ng mga ibon, ihip ng hangin at tunog ng maliliit na alon ng dagat ang tanggi kong maririnig.



Ngumiti ako at tinahak ang nagtataasang mga damo para mapuntahan ko ang dagat sa paglagpas nito.



Tumakbo ako sa damuhan habang dinadama ang hangin.



Tuloy ay gusto ko na lang na manatili rito habang buhay. Magaan ang loob ko at parang wala akong problemang kinakaharap. Sobrang ginhawa sa kalooban. Pakiramdam ko ay malaya ako.



I feel like I can do everything here even though I am just alone. Well, I don't mind living here alone.



I want to escape from everything. I want to stay here.



Huminto ako sa pag takbo nang sa wakas ay makalapit ako sa dagat. Mas lalong gumanda ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang tubig na yumakap na sa aking mga talampakan. Ang laylayan ng suot ko ay nabasa na rin.



Pumikit ako at huminga ng malalim, dinadama ang preskong hangin na humahaplos sa aking mga balat. Nang mag mulat ulit ako ng mga mata ay tinanaw ko ang araw sa dulo ng karagatan na ngayon ay papalubog na.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon