Chapter 35: Owned
Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang magpakita pa sa opisina kinabukasan kahit na sariwang sariwa pa rin sa akin ang nangyari kahapon
Kapag magkakasalubong o magkakatinginan kami ni Irina matataranta agad ako.
Wala akong problema sa mga katulad niya. I swear! I love LGBTQ! but I am not really into girls.
I'm straight!
Ayoko sanang umiwas pero hindi ko maiwasang idistansya ko ang sarili sa kaniya. My co-workers saw what she just did. They saw her kissing me! hindi ko alam kung paano ako aakto!
Kung bakit ba naman kasi bigla na lang niya akong hinalikan. Umamin pa siya sa harap ng lahat na gusto niya ako!
All this time, I thought she likes Achellus. What the actual fuck.
Kagat ang labi ay tahimik kong iginala ang paningin ko sa buong meeting room. Lahat sila ay nakikinig kay Leon na ngayon ay nag papaliwanag ng presentation niya sa harapan.
Kulang na lang ay pigilan ko ang hininga ko nang masalubong ko ang mga mata ni Irina. She's watching me but when she saw me looking at her, she looked away. Lumunok ako.
We're having a conference for Leon's project. Ilang araw siyang hindi nakapasok rito sa kompanya at hindi namin alam kung saan siya nag punta.
Nilingon ko si Achellus na ngayon ay tahimik na nakaupo sa unahang upuan, katabi ni Nikolov. Salubong na salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa isang papel na hawak niya. Nakasandal siya sa kaniyang upuan.
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang mag angat siya bigla ng tingin sa akin na para bang naramdaman niya ang paninitig ko.
"Architect Silvero, is there a problem?" pinamulahan ako ng pisngi sa tanong ni Leon.
Naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Dahil sa kahihiyan ay parang gusto ko na lang mag pakain sa lupa.
Ngumiti at umiling ako kay Leon. Nang tumango siya ay nag patuloy siya sa kaniyang pinapaliwanag.
Umayos ako ng upo nang tumayo si Achellus at nag punta sa harapan nang tawagin siya ni Leon. It's time to present his proposal. Leon and him were working on a new project.
"Sol, are you really feeling well?" bulong ni Wallace sa tabi ko. "You looked pale."
"I'm fine, Wallace. Just focus on the meeting and don't mind me." sabi ko.
Tinitigan niya pa ako sandali bago bumuntong hininga at umiling. Wala rin siyang nagawa kundi ang makinig na lang ulit sa nag sasalita sa harapan.
Tuluyan akong natahimik. Tumayo na si Engineer Solarez para palitan si Leon.
Bumagsak ang mga mata ko sa lamesa at nilaro na lang ang mga papel na nasa harapan ko dahilan hindi ko siya kayang titigan.
Ako ang naunang lumabas ng conference room nang sa wakas ay matapos ang aming meeting. Hindi ako makahinga at naninikip ang dibdib ko at mayamaya ay bigla itong titibok nang mabilis.
"Damn it." iritado kong bulong nang makapasok ako sa elevator patungo sa aming opisina.
Pumikit ako at huminga ng malalim para makalma ang sarili. Ilang beses ko iyong ginawa bago ako tuluyang magtagumpay na kumalma.
Lumabas ako ng elevator at dumiretso sa opisina na parang walang nangyari. Kukuhain ko na ang mga gamit ko at aalis na dahil kailangan ko pang mag tungo sa Isla Silvero. Leon give me his permission kaya naman malaya akong makakaalis.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Teen FictionSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...