04

208 4 26
                                    

Chapter 04: Doesn't care


"Welcome to the BNU volleyball team, First years! we're glad to have you here as one of our team." pumalakpak ang volleyball coach nang matapos niyang maipaliwanag sa amin ang lahat. 


Magkakaroon kami ng practice sa susunod na araw dahil sa nalalapit na sport festival. Hindi ako nagsisisi na sumali ako sa volleyball team dahil kasama ko naman si Calista pero hindi ko maiwasang bumusangot habang nakatitig sa babaeng nasa harapan. Katabi ng coach. 



It's her. The girl I saw earlier with Achellus. Is she his girlfriend or something? are they fling? Oh, well. parang wala naman sa bokabolaryo niya ang mag hanap ng ka fling. 



Ipinatawag kaming mga bagong miyembro ng volleyball team para maipaliwanag na sa amin ang lahat. Para na rin magkalinawan pero parang mas natuon sa babaeng iyon ang buo kong atensyon.



She's the team captain. Fiona Altamirano. I can't believe it. 



Makakatanggap ako ng utos mula sa kaniya? oh, please. I'd rather die. 



Napairap ako sa kawalan. 



Natapos ang meeting naming iyon sa pagpapakilala ng mga miyembro. Isang beses rin kaming nag practice kanina para malaman niya kung saan kami mailalagay kapag maglalaro na sa loob ng court.



"Tara! may practice match ngayon sina Acheron. He'll be there since he's one of the Black mamba basketball team." hinigit ako ni Calista at nginisisan.



Hindi ko na kailangan pang mag tanong kung sino ang tinutukoy niya. Sa tinginan niya pa lang ay alam ko na kung sino iyon.



So he's also a basketball player, huh? meron pa bang bagay riyan na hindi niya kayang gawin? he's so talented.



Napangiwi ako at umiling bago mag pahila sa kaniya. Kinita pa namin si Alisterille at niyaya rin siya na sumama sa aming dalawa. Mukhang gulat pa siya pero wala ring nagawa kundi ang sumama na lang dahil sa kagustuhan ng kaibigan.



Pagkarating namin sa isang Gazebo ay naabutan namin si Acheron kasama ang dalawa niyang kaibigan. Adonis and Achellus. I don't know where is their leader. Ang sabi sa akin ni Calista kanina ay si Hades Aljuarez ang team captain ng basketball team rito sa BNU.



Well, that guy is hot. He looks so perfect. Hindi na ako magtataka kung sa susunod na araw ay mababalitaan ko na lang na baliw na rin ang pinsan ko sa kaniya.



Indenial lang ang isang iyon at ayaw aminin ang nararamdaman dahil hindi kayang lunukin ng pride niya.



Lumapit si Cali at Alisterille kay Acheron habang ako ay natuon agad ang mga mata kay Achellus na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga gamit sa loob ng bag niya.



Napaayos at napadiretso agad ako ng tayo nang mag tama ang paningin naming dalawa. I rolled my eyes on him when I remembered what happened earlier.



Stupid old man.



"Gatorade?"



Nawala ang atensyon ko kay Achellus nang mapalingon ako kay Adonis, nakangising inaabutan ako ng Gatorade.



"Thanks." ngumiti ako bago iyon tanggapin. "You're Adonis, right?" tanong ko.



Mukhang ikinabigla niya pa iyon pero tumango rin siya.



"Adonis Zachary. Azy for short but I prefer Adi." natawa siya.



Ngumiti ulit ako at ilang sandali na tinitigan siya na ngayon ay nakalapit na ulit sa pinsan ko dahil kinausap siya nito. Doon ko lang napansin ang kakaibang kulay ng kaniyang mga mata.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon