Chapter 30: Beneath the lies
After dancing with him, I quietly went back on my chair. Parang wala na akong balak na tumayo at makipag usap pa ulit sa kahit kanino.
I feel like I'm floating and my mind isn't working.
Wala sa sariling kinuha ko ang champagne at ininom ang laman nito nang diretso.
Because of that dance, all the memories of my yesterdays and feelings that I thought was gone started flashing on my head again. Para silang nakawala sa hawla dahilan para gumaan ang pakiramdam ko pero hindi pa rin nawawala roon ang pangangamba.
Wala pa rin ako sa sarili nang matapos ang engagement party ni Alisterille at Hades. Hindi ko na nga nagawang makapag paalam ng maayos kay Wallace dahil nauna akong pumasok sa loob ng mansyon at dumiretso sa kwartong tinutuluyan ko. Dahil wala akong balak na umuwi ay doon ako matutulog. Mom will surely understand me.
Para akong nanlalambot habang nagbibihis at nililinisan ang sarili. The way Achellus looked at me while he was dancing with me keep popping on my damn head.
Iritado akong pumikit at ibinagsak ang sarili sa kama. Kinuha ko ang isang puting unan at itinakip iyon sa likuran ng aking ulo.
Dahil sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko ay mabilis akong nakatulog. Wala akong pasok kinabukasan kaya tanghali na nang magising ako. I decided to ride a horse inside Hacienda Silvero while they were busy eating their lunch. Busog ako dahil hinatiran ako ni Leon ng makakain kanina sa kwarto.
Mabilis lang rin lumipas ang araw hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang kasal ni Acheron at Calista.
Kahapon pa ako hindi makatulog nang maayos dahil sa sobrang excited na makita si Calista na suot ang wedding gown na talagang pinagawa niya pa sa sikat na fashion designer. Pinaghandaan talaga nila ito at gumastos pa ng malaking halaga.
Natawa ako habang inililigpit ang mga gamit pang makeup na ginamit ko kanina nang mag simula na namang humagulgol si Alisterille sa harapan ni Calista. She's busy looking at herself in the big mirror in front of her pero hindi siya makapag focus dahil kay Alisterille. Sobrang saya niya raw kasi na ikakasal na siya kay Acheron. Calista were just laughing at her. Hindi siya makaiyak dahil nakaayos na siya.
Hinihintay na lang namin ang oras ng kasal. Mayamaya ay pupunta na kami sa simbahan. Naroon na sina Lola Amelia, Acheron and Calista's family. Naroon na rin ang mga pinsan namin at doon na lang kami magkikita-kita. Kaming dalawa kasi ni Alisterille ang maghahatid kay Calista sa altar kung saan naghihintay si Acheron.
We know it's supposed to be her family pero dahil pangarap naming dalawa ni Alisterille na maihatid si Calista sa altar ay pinagbigyan nila kami.
Sage green ang color theme ng kanilang kasal kaya naman sage green color rin ang suot naming gown.
Si Alisterille ang ginawa niyang maid of honor habang si Hades naman ang best man ni Acheron.
We took a picture first and posted it on my Instagram story, tagging them.
May mga media mamaya sa simbahan kaya paniguradong masisilaw na naman ang mga mata ko dahil sa ilaw ng mga camera nila. Acheron is a model from a big agency. It's normal for him na habulin siya ng media lalo na at mainit ang kasal na gaganapin nila sa mata ng mga journalist and magazine writer.
I was wearing a sage green off shoulder gown. Hanggang sa paa ang laylayan nito kaya sumasayad sa sahig ang tela sa tuwing naglalakad ako.
When the time finally came, sumakay na kami sa sasakyang puti na maghahatid sa amin sa simbahan. Pinagigitnaan naming dalawa ni Alisterille si Calista.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
Teen FictionSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...