Chapter 26: Home
"Wooh! that was fun!" America laughed as we went back to our table.
Hindi ko matanaw si Matthew at Rec sa paligid. Malamang ay nasa dance floor pa rin ang mga iyon. I smirked when I saw Haze on the counter chitchatting with his two girls. Mukhang nakabingwit na naman siya.
Napailing ako at naupo ulit sa pwesto ko kanina para makapag pahinga sandali. Ilang minuto kaming nakipag sayaw sa mga taong nasa dance floor. Nakakapagod!
Nakailang shot pa muna kaming dalawa ni Nikita bago bumalik yung tatlo sa aming table.
"Everybody, to the desired ending we can't have, cheers!" sigaw ni Matthew at itinaas ang baso niyang may lamang alak.
"Bobo! mali! cheers for Architect Silvero dapat!" binatukan siya ni Haze.
Nagtawanan kami bago sabay-sabay na itinaas ang aming mga baso.
"Cheers for Architect Silvero!" sabi nila. Ngumiti ako bago tumango at ininom ang alak na nasa aking baso.
"Grabe, ang bilis ng araw, 'no? sa susunod na araw, uuwi ka ng Pilipinas at iiwanan mo na kami." ngumuso si America, nag dadrama.
"Mamimiss ka namin, Architect!" ngumuso rin si Rec.
"Totoo, walang halong biro, legit no lies! baka ilang araw pa ang kailanganin ko bago masanay na wala ka na sa team." malungkot na ngumiti si Matthew. Si Haze ay natahimik na.
Malungkot rin ako na maiiwan ko sila rito pero kailangan ko ng umuwi ng Pilipinas.
"Ano ba kayo? uuwi lang ako ng Pilipinas pero hindi ibig sabihin no'n ay kakalimutan ko na kayo." ngumiwi ako sa kanila. "Babalik naman ako rito. Well, I'm not sure yet kung kailan... baka matagalan pa but I promise you guys, babalik ako ara bisitahin kayo."
"Matapos lang talaga ang kontrata ko sa trabaho, hahanapin kita sa Batangas, Architect!" ngumisi si Rec.
"We'll visit you there, too." ngumiti si America sa akin.
Nag tawanan na ulit kami matapos kong ibahin ang usapan. Ginawa nila ang party na ito para mag saya, hindi para mag iyakan dahil sa nalalapit kong pag alis.
Sa susunod na araw na ang balik ko sa Pilipinas kasama si mama. Nakausap ko na rin si Wallace na sa kaniya nga kami sasabay. Nakakahiya man pero mas magandang ideya rin daw iyon sabi ni mama para makaiwas kami sa matagal na proseso.
The project we were working on started after the week the board members approved it. Tulad nga ng plano ko, kay America ko ibinigay ang trabaho. I helped and guide them before I resigned from work.
Nalungkot rin ang iilang kasamahan ko sa opisina pero wala ng salita ang makakapag pabago pa sa isip ko dahil desidido na akong umuwi.
Kailangang naroon ako sa araw ng kasal ng kaibigan at pinsan ko. I can't miss it. Isa ako sa mga nakatunghay sa pagmamahalan nilang dalawa at gusto ko ay naroon rin ako sa araw na itatali na sila sa isa't isa.
Lasing ako at blackout na nang makauwi ako ng bahay. Nagising ako kinabukasan ay nasa kwarto ko na ako. Ang sabi ni Mama ay si America at Matthew raw ang nag hatid sa akin pauwi dahil si Rec at Haze ay blackout na rin.
Dahil mamaya pa naman ang flight, nanatili ako sa bahay mag hapon at nakipag video call kay Alisterille. Ngayon na lang ulit ako nakatawag sa kaniya dahil naging abala ako nitong mga nakaraang araw.
Habang abala siya sa pag kukwento tungkol kay Hades ay abala naman ako sa pag lalagay ng makeup sa aking mukha.
Nagulat ako nang tumawag siya sa akin at ibinalita na nag proposed na daw sa kaniya si Hades. Hindi ko alam na nag kabalikan na pala silang dalawa kaya ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita ko ang post niya sa Instagram tungkol sa engagement nila ni Hades.
BINABASA MO ANG
Beneath The Lies (Silvero Series #02)
JugendliteraturSolana Annasandra Silvero, is the only child of Solomon Immanuel Silvero, the current Mayor of Batangas. She was so spoiled by his family and friends. Whatever she wants, she gets. She loves people's attention but Achellus Antonio Solarez is differe...