24

257 8 0
                                    

Chapter 24: Experiences



"Is everything ready?" tanong ni mama habang inaasikaso ang mga maleta at gamit na dadalahin namin bukas sa flight.



Ilang araw na ang nakakalipas simula nung ma discharged ako sa ospital. Maayos na rin ang mga paa at kamay ko. Nagagawa ko na ulit makapag lakad pero hindi pa rin natatanggal ang bandage na nasa ulo ko.



Bukas na ang flight namin para sa Florida. Alisterille throw a party for me kaya kailangan kong pumunta sa condo kung saan nananatili si Adonis ngayon dahil roon gaganapin ang maliit na farewell party para sa akin.



Natawa na lang ako dahil sa mga pakulo nila. Para namang hindi na ako babalik kung makaasta sila.



Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Wala ng bakas ng mga sugat na makikita sa aking mukha.



The images of what happened inside the accident that night was still haunting me. Sa gabi ay magigising na lang ako nang nag hahabol ng hininga at umiiyak sa tuwing napanaginipan ko ang pagkahulog ko sa bangin na iyon. Kung paano ako nagawang barilin ng sarili kong ama.



My doctor warned me that the accident could affect my brain. Some images from the incident could have triggered my memories. It was traumatizing. It keep haunting me at night or every time I was trying to rest.



Kailangan kong umalis. Kung mananatili ako rito ay lalo ko lang maalala ang mga pangyayaring iyon. I need to go to a place where no one can remind me of the images of that accident.



Mariin akong pumikit nang marinig ko sa aking utak ang tunog ng putok ng baril nung gabing iyon, ang mga busina ng sasakyan at kung paano nahulog sa bangin ang sinasakyan ko.



Damn it. Just get out of my head already.



Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nag mulat ako ng tingin para maayos ang sarili pero nakita na ako ni Mama. Pinamuuhan ako ng luha nang mag tama ang paningin naming dalawa sa salamin.



Malungkot siyang tumingin sa akin bago ako nilapitan.



"Are you still seeing and hearing them?" nag-aalala niyang tanong.



Nilingon ko siya. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko nang haplusin nuya ang aking pisngi. Niyakap ko siya at isinubsob ang aking mukha sa kaniyang tiyan. Niyakap naman niya ako pabalik habang hinahaplos ang aking likod para tumahan.



"Mom, I'm scared." my voice broke as I cried hard.



"Hush now, Solana." narinig ko na rin ang hikbi niya. "I'm now here. I won't let anyone hurt you ever again. Even your father. I'll protect you, I promise you that." she assured me.



Tumango ako.



Namamaga ang mga mata ko nang tulungan niya akong tanggalin ang bandage na nasa aking ulo para palitan iyon ng panibago.



Nalibang ang sarili ko nang yayain ako ni mama na mag bake ng cake at cupcakes na pwede ko ring dalahin mamayang gabi para sa farewell party.



Paniguradong mag iinom lang kami roon kaya hindi ko masyadong dinamihan ang ginawa kong cupcakes.



Dahil hindi ako makapag biyahe mag isa, dahil na rin siguro sa takot na maalala ko ang mga alaalang iyon habang nasa daan ako ay susunduin ako ni Adonis at siya ang mag dadala sa akin sa kaniyang condo. Masyadong delikado sa akin para mag maneho mag-isa.



Nakangiti kong kinuhaan ng litrato ang mga nagawa kong cupcakes at sinend iyon sa group chat namin. Excited pa naman ako nung sabihin ko na ako ang nag bake ng mga iyon. Ang ngiti sa labi ko ay agad nawala nang makita ko ang notification.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon