02

295 7 4
                                    

Chapter 02: Mad


"Good morning, Batangas!" nakangiti kong bati bago umunat.



Napayakap ako pag tapos sa sarili dahil sa naramdamang lamig ng pang umagang hangin. Lumabas ako ng balkonahe ng kwarto ko dahil maaga akong nagising kanina.



Isang araw na akong nakakulong sa kwartong ito. Hindi ako makalabas dahil sa paa ko pero ngayon ay medyo bumuti na rin ang lagay nito. Tulad ng sinabi ni Loid, hindi naman iyon serious injury kaya mabilis akong naka recover.



Ang ngiti sa labi ko ay agad nag laho nang mapatingin ako sa baba. Napairap pa ako nang makita si Achellus doon na nag didilig ng mga halaman.



Speaking of the devil.



Hanggang dibdib ko naman ang railings ng balcony kaya naman ipinatong ko ang isa kong siko doon bago pumangalumbaba at pinanood siya.



Napangisi agad ako nang may maisip na kalokohan.



"Good morning, Achellus Antonio!" I called, teasing him.



Kumaway rin ako para matawag ang atensyon niya.


Nilingon niya ang paligid para siguro hanapin ako. Kunwari ko ulit siyang kinawayan nang sa wakas ay mahanap ako ng mga mata niya. Natawa ako nang sumama na naman ang timpla ng mukha niya.



"Can you get me some tulips, please?" turo ko doon sa mga tulips na nakatanim sa gilid. "Bring them here in my room."



Payback time. 



"Hindi ba pwedeng iutos mo na lang sa iba? marami pa akong gagawin." sagot niya na ikinataas ng kilay ko.



"Wow, disobeying the request from the daughter of your boss, huh? does my father know about this attitude of yours? tsaka, aren't you going to babysit me?" I smirked.



Nakita ko pa ang pag buka ng bibig niya bago alisin ang tingin niya sa akin. Hindi ko iyon narinig dahil malamang ay ibinulong niya lang iyon sa sarili niya. Padabog niya pang inilapag ang hose na hawak niya bago dumiretso sa taniman kung saan nakatanim ang iba't ibang uri ng halaman at bulaklak.



Mama and loves flowers kaya kahit saan ka lumingon rito ay makakakita ka ng iba't ibang klase ng bulaklak. I don't like them, actually. I just wanted to tease him for what he did last time.



It's all his fault for making me annoyed like that.



Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang pinapanood siyang pumitas ng mga bulaklak. Itinaas niya pa iyon at ipinakita sa akin nang matapos. Sumenyas na lang ako sa kaniya na dalahin na niya rito sa taas. Natawa pa ako ulit nang makita ko ang pag taas baba ng balikat niya dahil sa pag buntong hiningang ginawa.



Nawala na siya sa paningin ko kaya naman agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at inayos pa ang sarili ko.



Alam kong maganda na ako pero mabuti na yung siguradong maayos ako sa paningin niya.



Para akong tuta na nag aabang sa pintuan hanggang sa dumating ang amo niya.



I just wanted to get my revenge! kapag nag patuloy pa rin ang malamig niyang trato sa akin ay hindi ako titigil na kulitin siya hanggang sa makuha ko ang buo niyang atensyon.



Agad nag ningning ang mga mata ko nang may kumatok na sa pintuan. Agad ko iyong binuksan para salubungin siya.



"Good morning, Ach--"



Natigilan ako at agad napasimangot nang imbis na si Achellus ang makita ko doon ay kasumpa sumpang si Charles ang nakita ko.



What the fuck? anong ginagawa ng lalaking iyan rito?

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon