19

224 4 9
                                    

Chapter 19: Run away


Minulat ko ang mga mata ko nang umihip ang malakas na pang hapong hangin kasabay ang pag huni ng mga ibon sa himpapawid. Bumungad sa akin ang imahe ng puti at asul na kalangitan.



Nawala ang kapayapaang iniingatan ko nang mapatili ako at mapabangon sa duyang hinihigaan ko nang umuga ito. Sinamaan ko ng tingin si Calista na ngayon ay tumatawa na, kasunod si Alisterille na may dalang tatlong bote ng beer.



"Why are you alone here? nag pi-feeling nasa music video ka na naman, 'no?" nginisan ako ni Calista nang makaupo siya sa batong nasa harapan ko. Ganoon rin si Alisterille.



Nasa tabing dagat kasi ako at balak sanang makapag pahinga para mawala ang mga isiping gumugulo sa utak ko.



"Why are you here?" tanong ko pabalik at nahiga ulit sa duyang sinadya kong ikabit sa dalawang puno ng niyog.



Mataas at tirik pa rin ang araw kaya pinili ko sa may lilim para hindi masunog ang balat ko.



Inabot sa akin ng pinsan ko ang isang bote ng beer bago abutan ang kaibigan.



"Ngayon na ang alis ni Achellus. Talagang wala kang balak na puntahan siya, ah? you give up on him?" ngumiwi si Calista bago ininuman ang alak.



Ngumiwi ako at uminom na lang rin.



"Dapat lang 'no! he hurts her feelings! not only once, but many fucking times! magdusa siya ngayon."



Natawa ako sa pinsan ko nang ibato niya ang napulot niyang bato sa buhangin.



Malaki ang galit niya kay Achellus dahil sa akin. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya pero hindi na niya kailangan pang alalahanin ako dahil kaya ko naman ang sarili ko.



"Mukhang nagsisisi naman na yung tao. Balita ko nga, hindi na sila nag-uusap ni Fiona."



Tumaas ang kilay ko nang makita ang palihim na pag lingon sa akin ni Calista na para bang tinitingnan niya kung ano ang magiging reaksyon ko.



Ano naman ngayon kung hindi na sila nag uusap na dalawa? labas na ako roon.



Umirap ako at hindi pinansin ang kaibigan ko.



Tinantanan lang nila akong dalawa nang magkayayaan na kaming umuwi. May dala akong kabayo kaya nauna na akong umalis sa kanila pero imbis na dumiretso ako pauwi ay naisipan kong mag palipas muna ng oras sa talon na ngayon ko na lang ulit mapupuntahan.



Pakiramdam ko ay ang daming nangyari sa loob lang ng maiksing panahon.



Tinali ko ang kabayo sa punong kahoy na naroon bago hinubad ang mga sapatos ko para makalusong sa tubig.



Maingat akong sumakay ng balsa at naupo roon, binalewala ang tubig na unti-unti nang kumakapit sa damit at balat ko. Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin sa mataas na bato kung saan nanggagaling ang tubig na bumabagsak paibaba.



It's been a while since I came here. Noong unang punta ko pa yata rito ay yung tumakas ako ng mansyon at sinundan ako ni Achellus.



I couldn't believe that I will meet him again after that day. And I didn't know that I will fall for him.



"I knew I could find you here."



Nahinto ang paglalaro ko sa mga paa ko sa ilalim ng tubig. Ang ngiting suot ng mga labi ko ay nawala nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likuran ko.



Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang boses niya.



Bahagyang kumunot ang noo ko.

Beneath The Lies (Silvero Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon