"dito nalang ako, matulog ka agad"
Ngumiti ako kay Imye at niyakap siya. Nasa harap na kasi kami ng pintuan ng apartment niya at sakin naman ay nasa unahan pa.
"ikaw rin matulog ka agad, good night" niyakap niya ako pabalik at binaitawan bago pumasok sa loob.
Pagkarating ko sa apartment ko ay dumiritso agad ako sa banyo at naligo ulit. Magaala singko na ng umaga pero sa trabaho na meron kami, ang umaga ay gabi at ang gabi ay umaga.
"tanginang gripo to" hinampas ko ang gripo na nasa loob ng banyo dahil huminto bigla yung tubig. Bumalik din naman agad nung hinampas ko.
Halos isang oras ata akong nanatili sa loob ng banyo at kinuskos ang buong katawan ko dahil pakiramdam ko ang dumi ko.
Pagkatapos ng halos isang oras ay saka palang ako lumabas nang nakatapis ng tuwalya at nakabalot ang buhok.
Nabihis ako ng damit at nagsuot lang ng tshirt at pajama. Nagtoast muna ako ng tinapay at kinain yun bago natulog. Pagkagising ko, gabi na.
"mukang serving lang yung gagawin natin ngayon sa bar. Hindi tumawag si Raylie eh" nakaupo sa harapan ko si Imye na kakagising lang din at dumiritso dito para kumain.
"mabuti narin yun, nakakapagod din yung trabaho natin" walang interes kong nginunguya yung pagkain sa bibig ko habang nakatingin sa kawalan.
"ayos kalang?" nabalik lang ako sa katinuan nang magsalita si Imye.
Maliit akong ngumiti sa kanya at tumango. "ayos lang, may iniisip lang"
"tungkol ba sa trabaho? Sinaktan ka ba ng costumer natin kahapon?" maliit ang ngumiti kay Imye dahil tumayo pa talaga siya at tinignan ako ng maiigi.
"hindi, naisip ko lang kung...hindi tayo iniwan sa ampunan nga mga magulang natin, mararanas ko kaga lahat ng to?"
"Rina..." kita ang pag-aalala sa mga mata ni Imye nang magsimulang tumulo yung luha ko.
"galit na galit ako sa mga magulang ko, hinding-hindi ko sila mapapatawad" pinilit kong ngumiti kahit may luha sa mata. "tama na nga, maliligo nako baka malate tayo at mapagalitan pa tayo ni Raylie"
Tumayo ako bitbit yung pinagkainan ko at nilagay iyon sa lababo bago kumuha ng tuwalya at dumiritso sa banyo para maligo.
Halos kalahating oras akong nanatili sa loob ng banyo bago napagpasyahang lumabas. Paglabas ko ay siya ring pagpasok ni Imye na mukang galing sa apartment niya.
"kung pagod kana, puwede namang umayaw kana sa trabaho natin" nakatapis parin ako nang nilingon ko si Imye na nagsusuklay ng buhok niya sa harap ng salamin.
Maliit lang akong ngumiti at bumuntong hininga bago naghanap ng maisusuot. Sa huli ay isang itim na mini skirt at tube ang isunuot ko na pinatungan ko ng puting cardigan.
Sabay kaming lumabas ng apartment ni Imye at siya narin yung pumara ng taxi. Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas at walang imik. Noong dumating naman kami ay dumiritso lang ako common dressung room ng lahat.
"oh nandito na pala kayo, servings lang yung gagawin niyo" tumango ako kay Raylie at kinuha yung name tag ko para maisuot ko na at makapagtrabaho na.
Amoy ng alak at maraming tao ang loob ng bar. Malalaki, mababae, matatanda, o bata, lahat meron. May iba pang customer na may nakakandong na entertainer sa hita.
"two margarita please" pilit ko na sanang ngingitian ang customer na umupo sa counter pero nawala agad ang ngiti ko nang mamukhaan ang dalawang lalaki.
Ngumiti sakin yung lalaking si Marcus habang yung lalaki naman na customer ko kahapon ay walang interes na nakatitig lang sakin.
Pagkatapos kong ibigay ang order nila ay inasikaso ko muna yung ibang costumers. May bar tender naman pero hindi naman niya kayang iserve lahat kaya tinulungan ko na, hindi ngalang ako marunong maghalo-halo ng kung aning inumin.
"Rina right?" tinitigan ko lang si Marcus na nakangiti na ngasyon sakin habang hawak ang baso ng alak.
"may kailangan kayo sir?" walang reaksyon ko siyang tinanong na sinuklian niya lang ng ngiti.
"uhm, I wanna offer a job, wanna apply?" ngumiti sakin ang lalaki at uminom sa baso na hawak niya.
"hindi po ako interesado" maliit akong ngumiti na agad din namang nawala. "may kailangan pa po kayo?" namamanghang tumingin sa akin ang lalaki at hindi sumagot kaya tinalikuran ko na sila.
"she's fucking hard to get bro" rinig ko pang bulong niya sa kasama niyang kanina pa ako tinitignan...
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...