It was like a scene in a movie na kami yung bida. The way he stares at me shows something, I wasn't aware of.
"bumalik na tayo?" sinubukan kong tumawa pero nakatitig parin siya. "oii late na tayo"
I was about to turn my back when he suddenly pull me. Napaharap ako sa kanya at napaiwas ng tingin dahil sa titig niya.
He's like saying something through his eyes. Ang titig niyang puno ng emosyon at nakasentro lang sakin.
"I..." bumuntong hininga siya at humakbang papalapit sakin. "like you"
Halos makalbo na ata tong ulo ko dahil kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko. I wasn't expecting that!
"ayos ka lang Rina?" naangat ko agad yung tingin ko at inayos yung buhok ko nang magsalita si miss Stella.
"opo, ayos lang ako" tumango-tango pako at pilit na ngumiti. Hindi naman siya nagtanong ulit at umupo nalang sa table niya. Humilig nalang ako sa mesa at tinago yung ulo ko.
"you, there's something going on with you two right?" naangat ko ulit yung ulo ko nang magsalita ulit si miss Stella. Nasa computer niya pa yung atensyon niya. "you're dating?"
"hindi!" hindi ko sadyang napalakas yung boses ko dahilan para lumingon siya sakin. "hindi po, wala pong namamagitan samin" umiling-iling pako pero tumawa lang siya.
"okay" nagkibit balikat siya at binalik yung atensyon niya sa computer niya. "timplahan mo na siya ng tea, wag na muna coffee"
Tumayo ako at dumiritso sa pantry. Hindi ko alam kung anong tea yung gusto niya pero bahala na, yun nalang camomile tea.
"tsaa" nilapag ko agad sa mesa ni Dlane yung mug at tumalikod agad para umalis.
"Rina..." hinarap ko agad siya at tinuro siya.
"wag mo muna ako kausapin" inis akong tumalikod at maglalakad na sana nang magsalita ulit siya.
"I don't drink camomile tea" hinarap ko ulit siya at kinunotan ng noo.
"bakit? Ano lang bang iniinom mo?" bumuntong hininga siya at tinanggal ang eye glasses na suot niya.
"I need lemon tea" tumango ako sa kanya at kinuha yung tsaa.
"ang arte mo" lumabas agad ako ng opisina niya at binigay nalang kay miss Stella yung camomile tea bago pumunta sa pantry at ginawan siya ng lemon tea. "ito na" nilapag ko agad sa mesa niya at umalis.
Buong araw nasa table lang ako at nasa computer ko yung atensyon ko. Kapag may meeting ay hindi ako sumasama, ayos lang naman kay miss Stella.
"hindi ka sasama? Last meeting nato ng CEO" tumango lang ako.
"hindi napo" ngumiti siya sakin at pumasok sa opisina ni Dlane.
Binalik ko agad sa computer ko yung tingin ko at tinuloy yung ginagawa ko. Games lang naman yun.
Naangat lang ulit yung tingin ko nang sabay silang lamabas. Nasa likod si miss Stella at nauuna naman si Dlane na sumulyap pa sakin.
"you won't come?" napatitig ako saglit sa kanya bago tumango. Hindi naman siya nagsalita pa at umalis na sila.
Halos dalawang oras silang nawala kaya dalawang oras din akong bored. Dahil wala naman akong magawa ay nagphoto copy nalang ako nung documents na nasa table ni miss Stella.
Inayos ko narin yung table ko at nilinisan. Tinapon ko yung mga basura at nagarrange ng mga documents.
"hi!" nauntog pako sa mesa ko nang may nagsalita bigla. Pagtingin ko ay si Imye at Marcus. "sorry"
"sakit ng ulo ko" hinimas ko pa yung ulo ko at inis na tinignan si Imye. "ba't kaba nandito?"
"sumama lang ako kay Marcus" ngumiti siya sakin at sumandal sa table ko.
"wala si Dlane, nasa meeting" nagaayos parin ako ng table ko habang kausap sila. "maghintay muna kayo sa loob kung gusto niyo"
"hindi na, pakibigay nalang to sa kanya" naglapag si Marcus sa table ko ng envelop at ngumiti. "may pupuntahan pa kami eh"
Hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na silang dalawa. Nakaakbay pa si Marcus sa balikat ni Imye. Magjowa na guro tong dalawa.
"may pinabibigay po si Marcus" hindi paman nakakapasok si Dlane sa opisina niya ay nagsalita nako. "ito"
Inabot ko sa kanya yung envelop na tinanggap naman niya agad at isang beses na tumango. "thanks"
Hindi ko alam ang isasagot kaya peke akong ngumiti na nawala naman agad pagtalikod niya.
"oh, nagphoto copy ka?" napunta kay miss Stella yung atensyon ko at tumango. "thank you, puwede kanang umuwi"
"okay po" niligpit ko agad yung gamit ko at ngumiti. "una napo ako"
Umalis agad ako para umuwi. Kinuha ko pa yung payong ko sa bag ko dahil umulan bigla. Patawid na sana ako ng kalsada nang may humintong sasakyan sa harap ko kaya napaatras ako.
"you should wait for me before going home" nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Dlane na binaba yung bintana.
"at bakit naman?" inis ko siyang tinignan.
Mariin siyang pumikit at bumuntong hininga. "let's have a date"
![](https://img.wattpad.com/cover/315447653-288-k430142.jpg)
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...