"anong ginagawa niyo dito?"
Ngumiti si Marcus kay Imye at binigay dito ang suot na coat. Umupo kami sa sofa habang wala parin akong imik.
"someone I know, suddenly misses someone who works here" makahulugang ngumiti si Marcus at uminom ng alak nasa mesa.
Wala parin akong imik habang nakaupo sa tabi ni Imye. Nagulat nalang ako ng akbayan ako ng babae at hinaplos ang balikat ko.
"yung mga lalaki kanina?" nakangising nagkibit balikat lang si Marcus at sinulyapan ang kasama niyang kanina pa tahimik.
Napunta naman agad kay Imye ang atensyon ko ng bahagya niya akong tapikin sa balikat. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "ayos kalang?"
"oo" tumango lang ako at pinaglaruan ang mga kamay ko nasa hita ko. "puwede bang umuwi na tayo?"
Hindi ko paman naririnig ang sagot ni Imye nang bigla akong hilahin patayo Dlane.
Isinabit niya sa balikat ko ang coat na suot niya at hinila ako palabas ng kwarto. Dumiritso agad kami sa labas ng bar at pinapasok niya ako sa sasakyan.
"wear your seatbelt" sinulyapan ko muna siya bago sinunod ang utos niya.
Buong byahe ay tahimik lang kami. Nakasandal lang ako sa bintana at nasa labas ang tingin.
Hindi ko alam pero pumikit lang ako at pagmulat ko nasa tabing dagat na kami. Mukang nakatulog ata ako.
"wear the coat, malamig sa labas" naunang bumaba ng sasakyan si Dlane. Sumunod naman agad ako habang suot parin ang coat niya.
Malamig na hangin at tunog ng alon yung bumungad sakin. Gabi na at hindi na kita ang dagat at hindi naman masyadong maliwanag yung buwan.
"stay here, I'll get something" hindi paman ako nakakasagot ay umalis na ang lalaki.
Napagod ako sa kakatayo kaya umupo ako sa buhangin. Tumingin ako sa malayo at maliit na napangiti. Minsan lang ako makapunta sa tabing dagat kaya susulitin ko na.
"here, eat this" napalingon ako sa gilid ko nang mag-abot siya ng cup noodles.
May dala pa siyang handy na thermos at isa pang cup noodles na para sa kanya rin.
"salamat" hindi siya sumagot at tumingin lang sa malayo.
Nagsimula nakong kumain dahil maganda yung noodles kapag mainit pa. Malamig din kasi yung hangin kaya ansarap humigop ng mainit na sabaw.
Sobrang tahimik namin at tunog lang ng paghigop namin ang maririnig pero hindi naman awkward. Mahal lang talaga siguro yung laway ng lalaking to.
"salamat dito" sinulyapan niya lang ako at bahagyang tumango.
"did they...hurt you?" napatitig ako sa kanya pero nasa pulsuhan ko yung atensyon niya.
"wala lang naman to" itatago ko na sana ang pasa ko nang bigla niya haplusin yun.
"you shouldn't do this to yourself" nagtama ang titig naming dalawa at bahagya niyang hinaplos ang pasa ko. "you don't desderve it"
"wala namang choice eh, ito lang yung alam kong trabaho. Kung mag-aapply naman ako, wala rin namang tatanggap kasi nga ganito ako" malungkot akong ngumiti sa kanya at binawi akong kamay ko.
"apply to me" mahina akong natawa sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.
"para namang ang close natin" mahina parin akong tunatawa bago tumayo mula sa pagkakaupo. "ihatid muna ako pauwi, ikaw nagdala sakin dito eh"
Tumayo rin naman siya at nagpagpag. Sabay kaming naglakad pabalik sa sasakyan at pumasok doon.
"seatbelt" sinunod ko yung sinabi niya at sinuot yung seatbelt ko.
Buong byahe ay tahimik na ulit kami. Hindi naman awkward para sakin o baka para sakin lang. Nakasandal lang sa bintana ang ulo ko at nasa labas yung tingin.
"puwede kong iopen yung bintana?" sumalyap siya sakin at tumango kaya inopen ko na.
Ang lamig ng hangin at tumama pa sa mukha ko. Di ko mapigilang ngumiti at ipikit ang mga mata ko. Ngayon lang ata ako naging masaya sa simpleng bagay.
Hindi pa ata ako nakuntento kaya nilabas ko yung kamay ko at hinayaang matamaan ng hangin.
"you might hurt yourself" sinulyapan ko lang si Dlane na palipat-lipat yung tingin sakin at sa harap.
"ayos lang naman, ngayon lang" umiling lang siya at bahagyang ngumiti.
Buong biyahe ata ay nakangiti ako. Ang lamig kasi ng hangin at ang sarap sa pakiramdam. Ang dali ko pa namang sumaya.
"we're here" tumingin ako sa labas at nakitang nandito na kami sa harap ng apartment ko.
"salamat sa kanina, nagenjoy ako kahit saglit lang" ngumiti ako sa kanya at tinanggal na ang seatbelt ko.
Palabas na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Maliit siyang ngumiti sa akin at hinaplos ang pasa ko kanina sa palapulsuhan.
"for me, you are pleasing to see"
Swear to god, it was the most comforting word I've ever heard...
AN: sorry po sa mga typos and grammatical errors, iiedit ko po to if may time
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...