"buti naman at naisipan mo pang umuwi"
Halos tumalon ako sa gulat nang pagbukas ko nang pintuan ng apartment ko ay si Imye agad ang bungad.
Nakakrus ang dalawang braso niya sa dibdib at nakataas ang kilay. Basa pa ang buhok niya kaya mukang kakaligo niya lang.
"pumunta kaming tagaytay saglit" naghubad ako ng sapatos ko at nilagay iyon sa shoe rock bago lumapit kay Imye at humalik sa pisngi niya.
"nagdate kayo?! Kakakilala niyo lang ah" sinamaan ko agad siya ng tingin at nilampasan siya. Kinuha ko yung cellphone ko na nasa lamesa na mukang si Imye yung nagdala. Naiwan ko to sa bar eh.
"maliligo lang ako" tumango lang siya sakin at dumiritso sa kusina.
I stayed for almost 20 minutes inside the restroom. Kada galing ako sa bar, sinisigurado kong naliligo ako pagkauwi para naman kahit papano ay malinis akong tignan. Mas lalo lang akong mandidiri sa sarili ko kapag hindi ako naligo.
Pagkalabas ko ng banyo ay naghahain na si Imye ng makakain sa mesa. Mag-uumaga narin kasi.
Nagbihis muna ako ng pambahay na hoodie at pajama bago umupo sa lamesa. Pagkatapos nitong kainan ay matutulog na kami.
"may iniisip ka?" pasubo na sana ako sa pangalawang kutsara ko ng kanin nang magtanong si Imye na humihigop ng sabaw.
"tungkol sa trabaho, hindi nako tatanggap ng customer, serving nalang yung gagawin ko" tumigil siya sa kakahigop ng sabaw at tinignan ako sa mata bago nginitian.
"mabuti yun, ako rin" para kaming tangang nag-ngingitian sa isa't-isa habang kumakain.
Pagkatapos naman namin ay nag-away agad kami kung sino ang maghuhugas. Sa huli ay ako naman ang gumawa.
"bababa ang sweldo niyo kapag servings nalang ang gagawin niyo" walang interes ang paraan ng pagkakasabi ni Raylie nun pero hindi naman namin pinansin.
"bahala na, basta servings nalang yung gagawin namin. Ayaw na namin maging entertainer" pabalang na tumango ang bakla at iniwan kami sa loob ng dressing room.
Sabay naming kinuha ang name tag namin ni Imye at sinyot iyon bago lumabas ng dressing room. Dumiritso agad kami sa counter ng bar para tumulong.
"sa table six ibigay mo tong isang bucket ng beer" walang kibong sinunid ko ang utos ng isa sa mga kasamahan namin at naglakad papunta sa table six.
Ang daming tao lalo na sa dance floor. Amoy alak at siksikan ang loob kaya kailangan ko pang mag'excuse' yung iba kasi ay lasing na.
"one bucket of beer maam" ngumiti kaagad sa akin ang babaeng nagorder pagkalapag ko ng beer.
"thank you" matamis na ngumiti ang babae kaya nginitian ko rin ito pabalik bago naglakad paalis.
Si Imye ay tumutulong sa bartender na nasa counter kaya hindi kami makapag-usap. Strikto yung bartender eh.
"hi!" halos maibato ko ang tray na hawak ko ng may bulong sa tenga ko. Paglingon ko ay si Marcus na nakangiti.
"ba't kaba nanggugulat!" sinamaan ko pa siya ng tingin na tinawanan niya lang.
"where's your friend?" tinignan ko pa muna siya bago tinuro ang puwesto ni Imye. Ngumiti naman agad siya ng makita ang babae. "thanks, oh and by the way, I'm with Dlane"
"oh tapos?" halata sa mukha ko na waka akong interes pero tumawa lang siya at nagkibit balikat.
"just saying" ngumiti pa siya sakin bago naglakad papunta sa puwesto ni Imye.
Sunod-sunod na ang utos ng kasamahan kong kaibigan ni Raylie kaya sunod-sunod din ang trabaho ko. Tagautos lang ata papel nitong babaeng to.
Nang mag-ala una na ng madaling araw ay nagbreak muna kami ni Imye. Lumabas kami ng bar at nagpahangin saglit. Kumain narin kami ng cup noodles sa malapit na 7-eleven .
"ikaw magbayad, naiwan ko wallet ko" tumango ako sa kanya at nag-abot ng bayad sa cashier.
Sa labas kami na lamesa umupo para naman mahanganan kami habang kumakain. Nag-away pa kami ni Imye dahil gusto niya sa loob.
Nagkwentuhan kami ng kung ano-anng bagay habang kumakain. Tinawanan ko pa siya dahi napaso ng sabaw yung dila niya.
Pahigop na rin sana ako ng sabaw ng noodles nang may humintong sasakyan sa harap namin. .
"hi!" naunang bumaba si Marcus na agad tumabi kay Imye at sumunod naman si Dlane na pumasok sa loob. May bibilhin ata. "break niyo?"
"hindi halata?" tumawa lang ang lalaki at ganun din si Imye. Parang magjowa lang. "nililigawan mo kaibigan ko?"
"puwede?" malokong ngumiti ang lalaki na inirapan ko lang.
Nagulat naman agad kami nang lumabas na si Dlane at may dalang sandwich. Dumiritso siya sa kabilang table at doon umupo. Nakatalikod pa sa direksiyon namin.
"wag niyo siyang pansinin, mahal laway niyan" tumawa pa si Marcus na agad namang tumigil nang sulyapan siya ng kaibigan.
"tara na" nauna akong tumayo at sunod naman si Imye. Niligpit ko muna yung basura namin at tinapon sa trash bin.
"sama!" nauuna ng lakad si Marcus na nakaakbay pa kay Imye. Nasa likod naman ako at si... Dlane.
"did you treat your bruise?" napatingin ako sa katabing lalaki na nasa palapulsuhan kong nay kulay violet na pasa ang atensyon.
"hindi naman na kailangan, mawawala rin naman to" sinubukan ko pang itago yun pero hinawakan niya at hinaplos.
"use this" may nilapag siyang bruise ointment sa palad ko at tumingin sakin. "better keep those bruises who comes from a happy memory than those from devastating ones"
And for the second time, I feel loved...
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...