Lumaki sa bahay ampunan at nawalan ng magulang sa edad na anim na taon.
Sumama sa ibang lalaki ang mama ko at iniwan ako sa papa ko na kalaunan ay iniwan rin ako at sumama sa bago niyang pamilya.
Natigil ako sa pag-aaral dahil nga wala naman akong sapat na pera panggastos. Having no educational background and any work experience, I ended up using my body and forgetting my dignity just to earn money.
"kumain ka na? Nagluto ako ng ulam, share na tayo" nilingon ko si Imye, ang pinakamatalik kong kaibigan, na may hawak nang mangkok at kakapasok lang ng apartment ko.
"tapusin ko lang tong hugasin ko" tumango siya sakin at kumuha ng dalawang plato at hinanda ang lamesa.
Magkatabi lang ang apartment naming dalawa at kung minsan ay pumupunta siya dito sa akin.
Kasamahan ko siya sa bar at isa ring entertainer kagaya ko. Lumaki kami sa parehong bahay ampunan pero mas nauna akong dumating doon. Magsasampung taon narin kasi siya noong dumating siya sa ampunan.
Nagpunas nako ng kamay pagkatapos kong ayusin yung mga hinugasan kong plato at saka naghila ng upuan na kaharap ni Imye.
"dagdagan mo nalang yang kanin mo if kulang pa sayo" maliit lang kasi ang nilagay niyang kanin sa plato ko pero ayos lang naman. Hindi naman malaki ang kain ko.
"tumawag si Raylie, may VIP daw tayong customer mamaya" natigil sa ere ang kamay niya na may hawak na kutsara at isusubo na niya sana.
"palagi nalang ganito" malungkot siyang ngumiti at napabuntong hininga.
Hindi man namin gusto ay wala kaming magagawa. Sa mundo na meron tayo, hindi ka makakasurvive kung wala kang pera. Sa klase ng lipunan na meron tayo, pera ang sagot sa lahat.
"oh, ito suotin mo" tinignan ko ang damit na binigay ni Raylie sakin.
Si Raylie ang tagapamahala sa bar. Ito ang kumo-contact sa amin kapag mayroong costumer. Siya rin ang nagaasikaso sa amin sa tuwing may deal na nagaganap.
"puwede bang iba nalang? Yun nalang long sleeve fitted dress oh" tinuro ko ang tinutukoy kong damit na nakahanger pero marahas na bumuntong hininga ang bakla.
Isang fitted tube dress kasi ang gusto niyang suotin ko. Sobrang ikli nito at halos kulangin na ang tela dahil sa ikli kaya hindi gusto.
"wag na yan, yang bigay ko na ang suotin mo para magustuhan ng customer" napabuntong hininga nalang ako at walang imik na pumasok sa fitting room.
Pagkalabas ko ay suot ko na ang maikling damit na paunti-unti kong inaadjust dahil sobrang ikli. Wala na ang bakla sa loob at ako nalang mag-isa.
Pagkarating namin dito ni Imye ay kanya-kanya na kaming bihis. VIP entertainers kaming dalawa kaya may special treatment. Magkaiba din kami ng dressing room ni Imye kaya ako lang magisa dito.
"tapos ka na?" tinignan ko sa si Raylie sa salamin na kakapasok lang ulit at pinagmasdan ang ayos ko.
"naghihintay na yung customers niyo. Siguraduhin mong sasaya sila sa service niyo maliwanag?" tumango ako sa bakla at napabuntong hininga.
Ito na siguro ang papel ko sa buhay, ang maging isang-
Bayarang babae...
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romans'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...