"isa sa mga kaibigan ng may-ari nitong bar ang pagsisilbihan niyo kaya umayos kayo"
Kagaya ng nakasanayan, maikli na namang damit ang suot namin ni Imye. May VIP costumer na naman kaming pagsisilbihan na hindi namin puwedeng tanggihan.
Halos magiisang linggo narin simula noong huling punta dito nila Marcus. Nabagot siguro dito kaya sa iba naman.
"nagagree ba sila na walang sexual intercourse?" tinanong ko si Raylie na inaayos ngayon ang dress ni Imye.
"basta pagsilbihan niyo nalang, nung last VIP costumer natin pumayag naman kayong may intercourse" nakakunot ang noo ko dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko. "wag na maarte at magkakapera rin naman kayo"
"oo at hindi lang yung isasagot mo Raylie, nag-agree ba sila?" halata na sa boses ko ang inis pero umismid lang ang bakla.
"oo na, nag-agree na. Puntahan niyo na okay" sasagutin ko pa sana siya nang pigilan ako ni Imye.
Bumuntong hininga ako bago nagpahatak kay Imye palabas ng dressing room ko. Tinapik niya ng bahagya ang balikat ko para pakalmahin ako at nginitian ako.
"tapusin nalang natin to agad, hmm?" tumango ako sa kanya at ngumiti naman siya sakin.
Bastos.
Kung ilalarawan ang mga lalaking nakapaligid sa amin ngayon, ang salitang 'bastos' ang unang papasok sa isip ko.
Haplos doon at haplos dito. May mga halik pa silang ginagawa na nakakapandiri, pero wala kaming magagawa dahil pinasok namin ito.
"kailangan napo naming umalis sir, tapos napo ang oras ng service namin sa inyo" tumayo na kami ni Imye at aalis na sana nang bigla akong hilahin ng matandang lalaki na kanina pa nanghihipo sakin.
"mamaya na, upo ka muna" lasing na ngumiti sakin ang matanda kahit na pilit kong binabawi ang kamay ko.
"bitiwan niyo po ako sir" pilit kong hinihila ang kamay ko pero tila wala itong epekto.
"mamaya na sabi eh!" nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ako ng matanda dahilan para mapaupo ako sa hita nito.
Nagsimula itong humalik sa akin na pilit kong iniiwasan. Sinusubukan kong tumayo pero sobrang lakas ng matanda kaya wala itong epekto.
Si Imye naman ay binabastos narin ng ibang lalaki na kasama nitong matanda. Wala kaming magawa dahil tatlo silang lalaki at dalawa lang kami. Tanging pagpupumiglas at pagiwas lang ang kaya naming gawin.
"tama na sabi eh!" hindi sadyang naitualk ko ang kamay ng matanda kaya nasagi nito ang baso at nabasag.
Agad namang pumasok si Raylie na may kasamang organizers ng bar din. Tumayo agad kami ni Imye at lumapit sa likod ng bakla.
"anong nangyari?" galit na tumingin sa akin ang matanda at tumayo.
"those prostitute of yours keeps on saying no! Eh binabayaran ko naman!" dinuro pa kami ng matanda at galit na tinignan ako.
"I'm really sorry sir, pagsasabihan ko po itong mga babae nato" sinenyasan agad kami ni Raylie na lumabas sa kwartong iyon na agad din naman naming sinunod.
Nauuna ng lakad si Raylie at yung organizer na babae habang nasa likod kami. Nakayuko kaming dalawa ni Imye dahil alam naman naming magpapagalitan ulit.
"mamili kayo, babalik kayo doon at pagsisilbihan niyo sila o tatanggalin ko kaya sa trabaho. Kaag nawalan kayo ng trabaho, hindi na kayo makakahanap ng iba dahil bayarang babae kayo!" bahagya napaatras si Imye nang itulak siya ni Raylie.
Dahil sa inis ay mariin akong napapikit at kinagat ang labi ko. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng damit ahabang nagpipigil ng galit.
"nagpapakantot kayo sa kung sino-sinong lalaki! Sa tingin niyo may rerespeto sa inyo?!" sasagutin ko na sana ang bakla ng biglang humakbang paatras si Imye dahilan para mapunta sa kanya yung tingin ko.
"bumalik na tayo doon" gulat ko siyang tinignan habang namumuo ang luha sa mga mata.
"Imye..." malungkot siyang ngumiti sa akin at nagbagsakan ang luha niya.
"tama siya Rina, kahit anong gawin natin, bayarang babae lang tayo" gulat parin ang nasa mukha ko habang nakatingin sa kanya.
Ito ang unang beses na hindi ako sumang-ayon sa sinabi ni Imye.
"balik na! Iyak-iyak pa eh" umismid pa si Raylie sa amin at umirap.
Pagak ang natawa at napabuntong hininga. Left with no choice, bumalik kami doon.
"wala ka na bang respeto sa sarili mo?" natigil sa paglalakad si Imye nang magsalita ako. "sa ating dalawa, ikaw yung nagsabi na lahat ng tao deserve respetuhin kasi bawat isa sa atin may rason kung bakit natin nagawa ang bawat kilos natin"
"eh bakit, alam ba ng lahat yung rason natin kung ba't tayo nandito? Kahit anong gawin natin, kahit saan tayo magapply, walang tatanggap sa isang bayarang babae katulad natin!" tumutula ang luha niya sa mukha habang nakatingin sakin sa mata.
"pero hindi natin gusto dito eh!" hindi siya sumagot sa akin at niyakap lang ako habang umiiyak ako.
"pumasok na tayo, hmm?" pilit siyang ngumiti kahit na halatang ayaw niya.
Nakayuko kaming pumasok sa loob ng kwarto at hinanda ang sarili para gumawad ng isang pekeng ngiti.
"you okay?" gulat akong nag-angat ng tingin ng biglang may yumakap kay Imye.
It was Marcus with someone who owns such a dazzling eyes-
Dlane.
AN: it's getting exciting! And for the fourth time, salamat po sa pagbabasa at sa vote!
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...