"ayoko"
I wasn't supposed to say those words but it suddenly came out. My mouth says no but my heart says otherwise.
"what?" halata sa mukha niya ang gulat at pagtataka.
"ayokong makipagdate sayo" lumingon ako sa paligid at binalik sa kanya ang tingin ko. "Dlane, magkaiba tayo, mula ulo hanggang paa hindi tayo magkapareho"
"opposites attract Rina" naibaba niya ang isang kamay na nakapatong sa manibela.
"pero hindi sa lahat ng bagay. Kapag ba binaligtad mo yung takip ng bote, masasara mo ba ng maayos?" nagiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. "boss kita at emplayado moko, galing ka sa mundong puno ng karangyaan habang galing naman ako sa mundong puno ng karahasan"
"then live in my world" inis siyang napasuklay sa buhok niya at malambot na tumingin sakin.
Pagak akong tumawa at tumingin sa kanya. "pero hindi ganun kadali yun Dlane. Malakas ang ulan kaya magdahan-dahan ka sa pagmamaneho"
Walang lingon akong naglakad paalis at tumawid ng kalsada na sakto namang may taxi na kakababa lang ng pasahero. Agad akong sumakay doon.
Nakita ko pang nakatigil parin ang sasakyan niya sa tabi ng kalsada at hindi parin umaandar. Kahit noong bago pa siya mawala sa panangin ko ay hindi parin umaandar ang sasakyan niya.
"paki-cancel nga yung meeting nato" tumango ako kay miss Stella at sinunod ang utos niya. "it's the first time the CEO is late"
"baka may emergency lang po" napalingon sakin si miss Stella at maliit na napangiti bago binalik sa cellphone niya yung atensyon.
It's past eight in the morning and two of Dlane's meeting were cancelled dahil wala parin siya. Tinatawagan na siya kanina pa pero hindi parin sumasagot.
"try to call him using your phone" natigil ako sa pagtataype at napatitig kay miss Stella. "baka kasi sumagot siya knowing na ikaw yung tumatawag"
"itatry kopo" tumango siya at ngumiti. Kinua ko yung cellphone ko at tinawagan si Dlane.
It took awhile pero sumagot naman siya. His voice sounds wierd na para bang hindi maganda yung pakiramdam niya.
"Mr. CEO, papasok ho ba kayo ngayon?" hindi paman ako nakakapagsalita ay nauna na agad si miss Stella. Ni loud speaker ko narin yumg tawag para marinig naming dalawa. "ikaka-cancel ko po sana yung meetings niyo ngayon"
"yeah, cancel everything. I'm not gonna go there" hindi paman kami nakakasagot ay pinatay niya agad ang tawag.
"seems like he's not feeling well" napabuntong hininga si miss Stella at napailing.
Umupo siya sa table niya at may tinawagan para icancel yung meetings. Ako naman ay tumulong narin.
Tatlong tao yung tinawagan ko bago ako natigil. Si miss Stella naman ay katawagan yung private doctor ni Dlane.
"miss Stella, may kasama...naman siya ngayom diba?" napalingon si miss Stella sakin matapos ibaba yung tawag at ngumiti.
"gusto mo bang pumunta?" napatitig ako saglit sa kanya at umiling.
"hindi napo. Pupunta po kayo?" tumango siya at inayos yung gamit niya.
"puwede ka nang umuwi, ako nang bahala sa lahat" ngumiti siya sakin at tumayo. "mag-ingat ka sa paguwi at kung gusto mo, mas mabuti kung pupuntahan mo siya"
Nauna siyang makaalis sakin habang nakaupo parin ako. Napabuntong hininga ako at mariin na napapikit.
Kakasabi ko lang na ayokong makipagdate sa kanya kahapon, parang ang kapal naman ng mukha ko kung magpapakita ako sa kanya.
"he'll be okay" napabuntong hininga ulit ako bago nag-ayos ng gamit para umalis.
Dumiritso agad ako sa sakayan at pumara agad ng taxi. Nagisip pako saglit kung saan ako pupunta pero sa huli ay umuwi nalang ako.
Wala si Imye dahil nasa trabaho payun. Magisa lang ako sa apartment ko at walang kasama. Sinubukan kong libangin ang sarili ko pero hindi ko talaga makalimutan si Dlane.
"baliw kana!" sinampal ko pa yung sarili ko at napaigik rin dahil sa sakit. "puwede ko naman siyang itext diba?"
Sinabutan ko yung sarili ko dahil hindi ko na alam yung gagawin. Nakagat ko yung labi ko bago kinuha yung cellphone ko.
Napabuntong hininga ako bago nagtype ng message para kay Dlane. Isang 'kamusta' lang naman.
To: CEO
ayos lang naman yung pakiramdam mo diba?Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang hinihintay yung reply niya. Ilang minuto pa yung nagdaan pero wala parin.
To: CEO
Ayos kalang ba? Uminom kana ng gamot?Inis akong napasuklay sa buhok ko nang wala parin siyang reply.
To: CEO
magreply ka nga!Halata yung inis sa mukha ko habang nakatitig sa screen na para bang may kasalanan ito.
Tangina naman kasi!
Napaayos agad ako ng upo nang umilaw yung phone ko. Agad kong pinindot yung message pero nawala agad yung ngiti ko at napabuntong hininga.
From: CEO
If you are just here, I would be the happiest even if you rejected meAnd the last thing I know, nakasakay nako ng taxi papunta sa kanya...
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...