07

82 17 5
                                    

"ba't kasi may pahatid-hatid pang nalalaman"




Nasa tapat na kami ng bar ngayon at papasok na. Yung dalawang lalaki naman ay babalik pa doon sa 7-eleven dahil iniwan nila yung sasakyan nila doon.




"ayos lang naman" pabirong umirap si Imye kay Marcus na tumawa lang.





"umuwi na kayo, magtatrabaho pa kami" hinila ko agad papalapit si Imye sakin dahil nandidiri nako sa pangiti-ngiti niya kay Marcus. "wag mo ngang nilalandi kaibigan ko" sinamaan ko pa ng tingin ang lalaki na ngumisi lang.




Papasok na sana kami sa loob ng bar nang magsalita si Marcus. "nilalandi mo nga kaibigan ko eh"




Sinamaan ko agad ng tingin ang lalaki pero maloko lang itong ngumisi. "oh talaga? Di ako inform" sinamaan ko pa ulit ng tingin ito bago kami pumasok sa loob.




Balik trabaho naman agad kami kahit na madaling araw na. Sanay naman na kami dito kaya balewala nalang. Ganito naman talaga kapag bar.




Serve doon, serve dito. Kahit naman na taga serve nalang kami ng alak ay hindi naman talaga maiiwasan ang mga nambabastos. Yung iba ay lasing lang pero yung iba naman ay dahil bastos talaga sila.




"ayos ka lang? Gusto mo lapitan ko?" umiling ako kay Imye nang inis niyang tignan ang lalaking nambastos sakin kanina nung nagsiserve ako ng alak.




"hayaan mo na, ayos lang ako" ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala.




Halos tatlong oras kaming ganoon lang ginagawa. Tiga serve ng mga order na alak o di kaya'y tumutulong sa bartender.




Noong sumapit na ang alas-kwatro ng umaga ay saka pa kami nakapagpahinga. Naglinis na kasi yung utilities, kami naman ay nasa dressing room para kunin yung gamit namin.




"may customer bukas, sigurado kayong ayaw niyo na? Malaki pa naman yung bayad" nilingon namin si Raylie na kakapasok lang dressing room at nakakrus ang mga braso sa dibdib.




"sigurado na kami" umismid lang ang bakla at bumuntong hininga bago lumabas.




Nagkatinginan naman agad kami ni Imye at sabay na natawa. Mainit talaga kasi yung dugo ng bakla sa amin. Nakikisama lang naman yun sa amin dahil wala naman siyang magagawa.




"halatang may galit satin eh" sabay kaming tumawa habang papalabas ng dressing room.




May nakasalubong pa kaming kasamahan namin na nagpapaalam na. Nagpaalam narin kami sa iba bago lumabas ng bar.




Madilim pa yung paligid pero halatang paaumaga na dahil sa kulay ng langit. May mga tao narin sa kalsada at mga estudyante na papasok na.




"kanina, may inalok si Marcus sakin na trabaho" napunta kay Imye ang atensyon ko habang naglalakad kami nang bigla siyang magsalita. "may ari kasi siya ng isang restaurant at nagoffer siya na puwede daw akong magwaitress doon"




"ba't hindi mo tanggapin? Sayang yung chance" alanganin siyang ngumiti sakin at nagbuntong hininga. "mas maayos yun kesa sa trabaho natin ngayon"




"paano ka?" huminto ako sa paglalakad at nginitian siya.




"sa tingin mo ako parin yung batang Rina? Baka nakakalimutan mong mas nauna akong makaranas ng kamalasan kesa sayo? Mas matanda ka kesa sakin pero mas nauna akong malasin" tumawa pa ako pero nahinto rin naman ng seryoso niya akong tinitigan.




"kaya nga nag-aalala ako sayo, masyado kapang bata pero andami mo nang napagdaanan" hinaplos niya yung buhok ko kaya umiwas ako ng tingin at umarteng hindi naiiyak.



"wag kangang OA! Lika na" ako na mismo ang naghila sa kanya para maglakad na ulit kami.





Pitong taon ako nung iniwan ako sa bahay ampunan. Wala akong kaibigan kahit ni unang taon ko doon hanggang sa dumating si Imye.




Sampong taon na siya nung iniwan siya sa ampunan at simula noon, magkasama na kaming dalawa kahit saan.




"last nato, iserve mo sa table twelve" tumango ako sa bartender at naglakad papunta sa direksyon ng table na sinabi.





Magiisang linggo narin simula nung tumigil kami sa pagiging entertainer. Mas maliit yung sahod namin pero ayos nato kesa naman sa nababastos kami at ginagamit.





Magiisang linggo narin simula noong sinabi ni Imye na may inalok na trabaho si Marcus sa kanya at magiisang linggo narin niyang binabalewala yun.





"nahulog na sa account niyo yung sahod niyo" halos lahat kami ay napangiti dahil sa sinabi ni Raylie.




Kakatapos lang naming magtrabaho at pauwi na sana kaso nagannoince si Raylie. Nagngitian pa kami ni Imye dahil sa wakas may sahod na.




"kain tayo sa labas?" nakaangkala ako sa braso niya habang papalabas kami ng bar para umuwi na.




"mauna ka nang umuwi, may pupuntahan pako" nawala agad ang ngiti ko at sumimangit sa kanya. "babawi ako next time, hmm?"




"okay, ingat ka sa lalad mo" ngumiti siya sakin at humalik sa pisngi bago naglakad papunta sa kabilang direksyon.




Tinanaw ko muna siya hanggang mawala siya sa paningin ko dahol lumiko na.



Tumalikod nako at nakayukong naglakad papunta sa sakayan nang biglang may nagsalita.




"wanna eat with me instead?" napaangat ang tingin ko at nadatnan si Dlane nakapamulsa at nakatayo sa gilid ng sasakyan niya.




"anong ginagawa mo dito" imbes na sagutin siya ay tinanong ko na. Maguumaga na kasi tapos wala namang rasin para pumunta siya ng ganitong oras.




"I just thought you're still open" umarte pa siyang nakatingin siya sa bar na sarado na.




Mahina akong tumawa habang nakatingin sa kanya at nakatayo sa harap niya.




"sabi ng VIP customer na alam kung kailan kami nagsasara" tumikhim lang siya at nagiwas ng tingin dahilan para mas lalo akong matawa.




"it's because I can't say I'm missing someone" natigil ako sa pagtawa at ako naman ang nagiwas ng tingin.




It's the first time, I get shy in front of a guy and I think, I'm in trouble...








Mi GustasWhere stories live. Discover now