"press mo to para maphoto copy"
Tumango ako kay Stella, trainer ko at secretary ni Dlane, at sinunod ang utos niya. Agad namang lumabas yung papel mula sa machine.
"uhm, what if naubusan ng bondpaper?" bahagyang napangiti sakin si Stella dahil sa tanong ko.
Kumuha siya ng bondpaper at binuksan yung machine. May mga sinabi siya kung paano magrefill na agad ko namang nilista sa notes ko.
Unang araw palang ng trabaho ay mahirap na. I was hired as Dlane's secretary's assistant. Hindi ko naman sakop lahat at yung mga magagaan na trabaho lang.
"don't worry, nandito naman ako kaya puwede kang magtanong sakin anytime" ngumiti ako kay Stella at tumango.
I wasn't aware na may ari pala ng isang malaking kompanya si Dlane. I thought normal na lalaki lang siya na may trabaho. Akala ko simple lang yung buhay niya, hindi pala.
When I first came here yesterday, nagulat ako dahil halos lahat ng tao yumuko para kay Dlane, yun pala ay dahil siya yung CEO.
"get me a coffee" napatingin agad ako kaya miss Stella nung tumunog ang intercom.
"ipagtimpla mo siya ng kape, make sure na black coffee ah" tumayo agad ako sa upuan ko at tumango sa kanya.
Dumiritso agad ako sa maliit na pantry para magtimpla ng kape. Nahirapan pako sa paghahanap nung black coffee dahil halos instant coffee lahat ng nandito.
Dalawang kape yung tinimpla ko dahil para kay miss Stella yung isa. Kanina pa kasi siya nakaharap sa computer niya.
"coffee po" napangiti agad ang babae nang inilapag ko sa harap niya ang mug.
Matapos kong ibigay ang kape ay kumatok agad ako sa pintuan ni Dlane bago pumasok. Nadatnan ko pang siyang may pinipirmahang mga papeles.
Nakasuot siya ng glasses at nakasabit sa upuan niya yung coat niya, bale nakaputing polo nalang siya. Nakataas pa yung sleeves hanggang siko niya.
"kape niyo po" nilapag ko agad sa may gilid na parte ng table niya dahil baka mabasa yung mga documents niya.
"stop using po, it's sounds weird" mahina akong tumawa at bahagyang yumuko bago lumabas ng opisina niya.
The whole morning ay nandoon lang ako sa table ko. Si miss Stella kasi ay sumasama sa mga meeting ni Dlane. Sa susunod nalang daw ako sasama sa kanila kaya naiwan akong magisa.
Out of boredom, nagphoto copy nalang ako ng mga documents na kailangan ng other copy. Nahirapan pako sa machine pero kalaunan ay nagamit ko narin ng maayos.
"pano ba to?" napakamot pako sa kilay ko dahil nalito ako sa ayos ng documents.
"woah, Dlane looks like he's obsessed with you" napaangat agad ang tingin ko at nakita si Marcus na nakangisi. "pati dito dinala ka eh"
"nasa meeting pa siya" tinignan ko yung relo ko at chineck yung oras. "hintay ka ng mga 20 minutes, pabalik nayun"
"how's Imye?" wala sa kanya ang atensyon ko dahil nasa ginagawa ko pero mukang wala siyang pake basta makausap niya lang ako.
"kasama kayo diba?" ngumiti lang siya at tumango. "may tanong ako, anong full name ni Dlane?"
"wait what?!" nanlaki pa yung mata niya habang natatawa na para bang ako yung pinakatangang tao sa mundo.
"full name niya" tumawa ulit siya at humawak sa tiyan niya.
"you're really unbelievable" tumatawa parin siya habang nakasandal sa mesa ko. "you really don't know?"
"magtatanong bako kung alam ko?" nakangisi na siya ngayon kahit na nakakunot na yung noo ko at halatang naiinis nako.
"why don't you ask him?" inirapan ko lang siya at binalik yung atensyon ko sa ginagawa ko.
Ilang minuto na ata siyang nakasandal sa mesa ko pero hindi parin siya umaalis. May mga kinukwento pa siyang hindi naman maganda.
Nang matapos ko nang ayusin yung pagkakasunod-sunod ng papeles ay nilagay ko na sa table ni miss Stella. Sakto namang pagtayo ko ay ang pagdating nila.
"why are you here?" kita sa mukha ni Dlane na wala siyang interes sa kaibigan na nakangisi lang at nagkibit balikat.
"anong full name mo?" napunta ang tingin nilan mg tatlo sakin nang magsalita ako. They looked at me like I just ask the stupidest question in human kind. "kailangan sa document na pinapagawa ni miss Stella. Hindi ko alam full name mo eh"
"uhm, Rina puwede namang ako nalang yung tanungin mo" alanganin pang ngumiti sakin si miss Stella at sumulyap kay Dlane.
"you're flirting pero hindi alam yung full name?" tinikom agad ni Marcus ang bibig niya ng tignan ko siya ng walang interes.
"give me a pen and a paper" sinunod ko agad ang utos ni Dlane at binigyan siyang sticky note at ballpen.
May sinulat siya doon na kung ano. Tumingin pa siya sakin at umiling bago humakbang papalapit at dinikit sa noo ko yung sticky note. "I didn't know you have this cute side"
Tangina...
YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...