Kabanata 22: I only had a blue sky

33 1 0
                                    

Kabanata 22: I only had a blue sky

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Zac. He's staring at me with his grey eyes na halos magpawala ng hininga ko. seryoso ba sya na sasamahan nya ako? did I heard it wrong? bumitiw ako sa titigan namin dahil hindi ko nakaya ang bigat nito.

Tumango lang ako kay Zac. ayoko makipagtalo at maslalong hindi ko ata kayang makipagusap sa kanya ngayon. hindi ko mafigure out ang trip nya sa buhay kaya bahala nalang sya sa buhay nya. Wala naman talaga akong balak gumala sa mall pero since sasama ko tong si Zac mabuti pang doon nalang kami pumunta.

magkasabay kaming pumasok ng elevator. I can smell him at sobrang pigil ang ginawa ko para lang hindi sya singhutin. like jeez I sounded like a pervet. napangiwi ako sa naisip ko.

Huminto si Zac sa isang latest model Auddi r8. Namilog ang mata ko at nalaglag ang panga. holy crap! sobrang dashing ng sasakyan nya! hindi ko akalain na ganito kagara ang sasakyan ng katulad ni Zac. oo nga hindi naman sya mukhang mahirap or what but I can't imagine him driving a very flashing car like this. halos makalimutan kong hindi ko pa kayang magdrive ngayon. all I want to do is get inside of this damn car.

"get in" I heard him say.

agad akong pumasok at umupo sa front seat. ang bango ng sasakyan niya! lumunok ako, ayokong magmukhang nakakahiya na hayok na hayok sa magarang sasakyan kaya I acted like a coy. tinatong nya ako kung saan kami pupunta at dali dali kong sinabi na sa pinakamalapit na mall nalang kami.

Magkasama kami ni Zac na pumasok ng mall. medyo lumayo ako kay Zac dahil pinagtitinginan sya ng mga tao. head turner kung baga. ayokong mapagkamalang alalay nya no! actually, wala naman talaga akong specific na pupuntahan dito sa mall ito lang talaga ang unang lugar na pumasok sa isip ko ng sinabi ni Zac na sasama sya. nagwindow shopping ako at nanatiling nasagilid ko si Zac. wala naman syang reklamo at tahimik lang.

Napahinto ako sa isang botique, ito yung may gusto akong bilhin na sapatos. bago ako pumasok sa loob ay binilin ko kay Zac na antayin nalang ako sa labas dahil wala naman akong balak bumili. nakakahiya naman kung isasama ko pa sya.

Pumasok ako at tinignan yung sapatos na nakukursunadahan ko. the color is blue and may print na maliliit na flower, meron ding pirma ng isang sikat na hollywood singer sa loob ng sapatos. kinuha ko ito at sinuri. nalaglag ang panga ko sa presyo. oh my gosh! ang mahal masyado. kulang ang ipon ko sa ngayon baka sa christmas ko pa to mabili.

"we will buy it." napapitlag ako ng may nagsalita sa likod ko. lumingon ako at kitang kita ko ang super HD na mukha ni Zac. namilog ang mga mata ko dahil doon. ang lapit nya shit! yung eye color!

"n-naku wag na Zac! wala akong pangbili, kulang ang ipon ko para dito. masyadong mahal." paliwanag ko sa kanya pero kinuha nya na sa kamay ko ang sapatos at hinarap ang naglalaway na sales lady dahil sa presensya nya.

"miss I will buy this get the size of seven and half." walang emosyong saad ni Zac. ngumisi ang sales lady at nagpacute muna bago tumango sa kanya.

Naestatwa ako dahil hindi parin masyadong maprocess sa utak ko na bibilhin ni Zac yung sapatos para sa akin. Naramdaman ko nalang na hinatak nya ako sa counter.

"Zac wag na talaga! ang mahal nyan sobra!" natataranta ako dahil inabot ni Zac ang card sa cashier. napansin ko pa yung malanding ngisi ng babae habang ibinabalik yung card kay Zac.

Wala na! iiyak ko nalang talaga ang video games na dapat ipangbibili ko sa ipon ko! ang dami ko na dapat na nabili! grabe. sabi ko na nga ba eh! hindi magandang idea na sumama tong si Zac! nagkautang pa tuloy ako. kinagat ko lang ang labi ko sa sobrang hiya at frustration. hinarap ko si Zac. sya ang may dala ng paper bag.

"Zac bigyan mo ako ng two weeks bago ko mabayaran yung sapatos. kulang pa kasi yung ipon ko." seryoso ang pagakakasabi ko nun pero inignora lang ako ni Zac at naunang naglakad.

"where are we going next?" narinig kong tanong niya, ngumisi lang ako kahit naman kasi anong deny ko ay totoo parin na gustong gusto ko ang sapatos nayon pero luho na kasi yung matatawag at hindi yun pwede sa akin. pero syempre wala na akong magagawa.

Pumasok ulit kami sa sasakyan. may naisip akong lugar na pwede naming puntahan ni Zac.

"Let's go somewhere else." itinuro ko kay Zac ang daan patungo sa isang elevated area,nasa manila parin kami pero para itong hill top na kita ang skyscrappers at city lights ng buong maynila. nadiscover ko itong lugar few years ago lagi akong nagpupunta dito kapag gusto kong mapag-isa. I don't know what's with me kung bakit dinala ko rin dito si Zac.

Bumama kaming dalawa umupo ako sa hood ng sasakyan ni Zac ganon din ang ginawa niya. tumingin ako sa breathtaking view ng city lights at stars sa kalangitan. alas nueve na ng gabi at malamig nadin ang hangin.

Nilingon ko si Zac na ngayon ay nakatingala na sa langit. His eyes were sorrowful and now are inhently looking at the stars. I feel something strange inside me habang nakatingin ako sa kanya. Naisip ko si Mine maybe he was thinking of her. I know that his heart is vulnerable dahil comatose ang taong mahal nya sa ospital. inilayo ko ang aking mga mata kay Zac.

"you know what? I like the stars." mahina ang pagkakasabi ko. nanatili ang tingin namin sa langit.

"I mean they ligthing the darkness of the night." at I thankful them for that.

"stars are dead long time ago." nagulat pa ako ng bahagyang nagsalita si Zac.

"I know, but even though they were gone, the fact that they're still staying at the night sky and shinning beautifuly is cool enough." ngumisi ako sa paliwanag ko. I wonder if maiintindihan ako nitong si Zac. lol

"But I more like the blue sky mas light, mas maliwanag. dati kasi akoyo ng gabi. I was afraid of darkness. Im scared of the night. I only had the blue sky on that time Zac. for me night means nightmaire and the monsters were keep hunting me everytime I close my eyes for sleep. but nagbago yun nung nakilala ko si kuya. my only family. I learn how to appreciate the night, I fight with my demons and become stronger. kaya yang mga bituwin na yan? nagpapasalamat talaga ako dahil lumilitaw sila tuwing madilim na gabi. they are shinning brightly to every people who were lost in blackout."

Nilingon ko si Zac pagkatapos ko yun sabihin. I meet his grey eyes. humangin ng malamig at napahawak ako sa aking dibdib na ngayon ay sobra na ang paghuhurumentado.

When Love Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon