Kabanata 11: Grey eyes

37 1 0
                                    

Kabanata 11: grey eyes

regular ang pagluluto sa akin ni zac, nalaman ko na may spare key pala sya ng unit ko. nakipag-away pa ako kay kuya para lang doon. sinabi kong wala na akong privacy kung basta basta nalang sya makakapasok sa unit ko. pero pinagalitan lang ako ni kuya at inignora ang mga reklamo ko.

dalawang araw na simula ng hindi pagbalik ni zac ng mug ko. naisip ko kung crush nya din ba si harry styles at kahit bumabalik sya dito eh hindi man lang nya maisoli yung mug ko. favorite ko pa naman yun.

wala akong pasok ngayon sa school at naisipan kong gumawa ng pizza. hihi obssess akong nagresearch para sa recipe at procedures. syempre yung pinaka easiest and fastest way of making pizza ang pinag aralan ko.

makalat na sa kitchen ngayon at excited na ako sa kalalabasan. mashup hawaiian at cheesy pizza ang ginawa ko. gutom nadin ako at inaantay ko nalang sa oven ang pagkaluto ng pizza.

napatayo ako ng tumunog na hudyat na luto na ito. ngumisi ako ng maamoy ang niluto ko. halos magpaparty ako ng maluto ko ito ng tama. after 5 years! I can finally cook the love of my life! huehue

inilapag ko sa center table ang pizza at kumuha ng can coke sa rep. may chocolates din at isang piatos.

mageempake pa ako para sa layas namin nila janni at jassy mamaya.
kumuha ako ng slice at nanood ng national geographic channel. favorite ni jassy ang palabas na to. at dahil lagi nyang gustong panoorin ay nahawa nadin ako.

kalahati na ang pizza at nilipat lipat ko nalang ng channel dahil may horror movie na showing. nasulyapan ko ang orasan and it says one o'clock. himala at wala pa si zac. usually kasi ay twelve at nakapagluto na sya.

narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko iyon nilingon. sanay na ako na may alien na pumapasok sa bahay ko.

"what the hell!" sigaw ni zac sa likod ko.

inignora ko sya dahil intense na ang pinapanood ko. naghahabulan na ang serial killer at yung bida. tutok na tutok ako sa tv at hindi ko namalayan na pumunta na pala si zac sa gilid ko.

kinuha nya ang remote at walang pakundangang pinatay ang tv.

"bakit mo pinatay!" masama ang naging tingin ko sa kanya.

"what the heck happened to your kitchen?! parang binagyo! kababae mo pa namang tao pero napaka kalat mo!"
marami pa sya dinakdak at nakapamewang pa sa akin.

oww firstime kong makitang naiinis si zac. ngumisi lang ako ng hinablot ang kamay nya para makaupo sa gilid ko. nakita ko ang pagkabigla nya at muntik na masubsob. tatawa sana ako pero napigilan ng kumunot ang noo nya sa akin.

"tara kumain ka muna ng pizza. ginawa ko yan. wag ka mag alala aayusin ko yang kitchen mamaya."

kumuha ako ng isang slice at ibinigay sa kanya. tumayo ako upang kumuha ng coke pero choko drink nalang ang natira. kinuha ko to mula sa ref at inilapag sa harapan nya. binuksan ko ang tv at umalis para magligpit na ng kalat ko sa kusina. nagkalat ang mga boxes, yung dough at cheese pati sa sahig. ang daming hugasin at hindi ako halos mankanda ugaga sa paglilinis.

nahihiya ako kay zac. hindi ko sya papatulan at aawayin tutal mas marami na ang naitulong nya sa akin. sinulyapan ko sya at nakita kong busy sya sa panonood at kinakain ang gawa kong pizza.

pagod akong sumalampak sa sofa. grabe naman pala yung kalat na ginawa ko. oo nga at oa na ako pero hindi ako sanay maglinis at napagod talaga ako. sinulyapan ko si zac na nakaidlip na ata kakaantay sa akin. alas singko na at naalala ko na mageempake pa pala ako!

dumiretso ako sa kwarto at nagempake ng mga damit panligo at shorts sando cardigan at iba pang gamit. inayos ko yun sa isang bagpack.

nakaligo na ako at nagsuot ng black short, v-neck white shirt at keds may suot din akong cap na terno sa short ko. tinext ko na sila janny na ready na ako at sunduin na nila ako.

nakalimutan ko si zac na himbing padin na natutulog sa sofa. dala ang bag ay umupo ako at tinapik ang pisngi nya.

"zac, zac, gising na" mahina kong sabi sa kanya.

unti unting dumilat ang mata nya and I was stunned when I realise that his eyes are grey.

When Love Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon