Kabanata 27: The names

14 0 0
                                    

Kabanata 27: The names


Maaga akong nagising dahil may usapan kami nila Light at Lux na pupunta sa Orph ngayon, si Gemma at Chippy ay sa ospital ang tungo. Hinati namin ang grupo since malapit na ang pasahan at kailangan na talaga mafinalise ang buong chapters ng thesis at reports namin.

Nauna ako sa kanila dahil ala sais palang ng umaga, seven pa ang usapan namin at dahil nga ayoko maging late. Balak ko rin itanong kay sister Maris ang mga bagay na nangyari fifteen years ago. Nung panahon na 4 years old palang ako at dinala dito, wala na kasi talaga akong maalala bago ako makarating dito at curious ako kung anong nangyari sa mga magulang ko. May dinadalaw naman kami ni kuya sina mama at papa sa sementeryo kapag november pero wala siyang binabangit na dahilan na pagkamatay ng mga magulang namin. I can handle it now right? tutal malaki naman na ako. Im here to ask what was the caused of our parents death.

Bumuntong hininga ako ng pumunta sa opisina ni Sister Marise. Kumatok ako saglit at binuksan ang pinto. Nakita ko si Sister Marise na umiinom ng kape sa kanyang lamesa katulad parin to ng dati. Puti ang dingding may mga bookshelves sa gilid at may bulaklak ng sampaguita sa santo na nakahang sa dingding. Malinis ang loob at maaliwalas. kumislap ang mga mata ni Sister Marise ng malita ako nginitian ko sya.

"Good Morning po." umupo ako sa harap nya at tinignan sya ng seryoso.

"Good morning din iha. napaaga ata ang dalaw mo?' tanong nya sa akin sa mababang tono. may halong pagtataka.

"Actually sinadya ko po may gusto po kasi akong itanong." umupo sya ng tuwid at tumingin sa akin ng seryoso.

"ano yun iha?" Kinabahan ako sa aking itatanong parang umurong yung dila ko at gusto ko nang magbackout. Pero andito na ako isa pa hindi ako matatahimik hangang hindi ko nalalaman yung totoong nangyari sa mga magulang ko.

"Gusto ko lang po malaman yung totoong nangyari sa parents ko. Kung paanong napunta ko ako dito." mahinang sinabi ko. Nakita kong bahagya syang nagulat at umayos ng upo.

"Ang totoo kasi nyan danielle. Dinala ka dito ng isang lalaki umiiyak ka noon at hinahanap mo ang mama at papa mo. Nalaman namin na namatay sa aksidente ang mga magulang mo at ikaw lang ang natirang survivor. Ang kapatid mo ay wala sa loob ng marecover ang sasakyan. Nakayakap sayo ang mama mo at bukas ang backseat. walang nakakaalam kung nasaan ang ate mo." Marahas na paghinga ang ginawa ko sa narinig ko ang sinabi ni Sister Marise.

"M-may ate po ako?" nanginig yung labi ko sa aking tanong. humawak ako ng mahigpit sa aking bag at patuloy na nakinig.

"Yes Iha, walang nakaka-alam kung bakit wala ang kapatid mo sa aksidente. tanging ikaw lang at ang parents mo. Bumanga ang sasakyan nyong pamilya sa isang zigzag na daan kamuntikan pa nga kayong mahulog sa bangin kundi lang sa malaking puno na nakaharang sa bumper ng sasakyan. Walang gamit doon maliban sa bag ng iyong ina ngunit kinuha na yun ng mga pulis at inimbestigahan. Nalaman din na patungo kayo sa bayan nang may makasalubong na truck kung saan naging dahilan ng aksidente. Lasing ang driver at mabilis magpatakbo. Himala nalang na nabuhay ka iha. Pasalamat tayo sa iyong mama at mahigpit ang pagkakayakap nya sayo na sadyang prinotektahan ka mula sa pagkabungo."

Kinagat ko ang aking labi, so my parents protected me from the collision. Maybe the reason why my mom died because she saved me. lalong nalungkot ang pakiramdam ko. Tumulo ang mga luha ko ngunit nakinig parin ako.

"tatlong buwan kang nacomatose iha at nung magising ka ay walang araw na hindi mo tinanong kung nasaan ang mama at papa mo. palagi kang umiiyak. Nang makalabas ka sa ospital ay dinala ka dito sa ampunan." Huminga ako ng malamim at nagtanong.

"Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng mga magulang ko? At ng a-ate ko?" nanginginig kong tanong kay Sister Marise dahil kung tama man ang kutob ko.

"Sarieh Pascua ang pangalan ng mama mo. Daniel Pascua naman ang pangalan ng ama mo sa pagkakatanda ko Mavis Pascua ang pangalan ng nakakatanda mong kapatid at Harriet Dannielle Pascua naman ang pangalan mo." ngumiti si Sister pagkabangit ng pangalan ko. Halos mamutla ako sa mga nalaman ko. Nagexcuse muna ako kay Sister at lumabas sa kanyang opisina. Pumunta ako sa malapit na parke at umupo sa isang bench doon hindi na nakaya ang paginginig ng aking mga tuhod.

Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ko. It's starting to drizzle at kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagsaksak naman na sobrang sakit sa dibdib ko. So I had a sister, how about kuya Rustle? bakit hindi nya sinabi sa akin ang totoong identity ng mga magulang ko? bakit pinaniwala nya akong sya ang totoong kuya ko? Why did he adopted me? Where is my sister? Is she still alive? Oh God feeling ko mauubusan na ako ng hininga sa lakas ng hagulgol ko. Naguguluhan ako pinigilan ko lamang na tawagan si kuya. Umiyak nalang ako ng tahimik. I wont tell him na alam ko na. I need some proof. Kailangan malaman ko yung totoo at kailangan ko ding hanapin si Ate Mavis. Bumuntong hininga ako at tumingin sa grey na kalangitan. I need to stop crying and start to dig for the truth. Pumikit ako at nagpara ng taxi at nagtungo sa ospital kung saan ako dinala after ng aksidente. I call Sister Marise for the details. I need to do it alone and really quick.

When Love Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon