Kabanata 28: Protecting it
Pagkatapos ko magpunta sa ospital kung saan ako dinala ay nalaman kong masyado ng matagal ang panahon na lumipas. Maraming records ang ospital at kinakailangan ko pa ng tatlong araw para makakuha ng impormasyon na kailangan ko. Okay narin yun dahil masyado akong nabigla sa mga nalaman ko. Namamaga padin ang mga mata ko at tuwing naiisip ko na nagsinungaling sa akin si Kuya ay hindi ko mapigilang di maiyak.
Binuksan ko ang condo ko at nakita ko si Zac sa kitchen. Almost lunch na pala at nagugutom na ako, hindi ko sya pinansin at dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit. I need to stop Zac for what he's doing. Kukumbinsihin ko si kuya na patigilin na si Zac sa mga ginagawa nya sa akin. Hindi ko na kasi talaga maintindihan yung nararamdaman ko. Siguro dahil narin sa sunod sunod na pangyayari sa akin ngayon.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng makita ko si Zac sa may pintuan. Nakatayo sya dun at nakapamulsa nasa baba ang tingin nya and he looks so cute sa gesture na ganyan.
Dumaan ako sa gilid at hindi parin sya pinansin. Ang awkward lang kasi talaga at isa pa kapag kasama ko sya may kung ano akong narafefeel sa tyan ko. Naisip ko na dapat kausapin ko na si Zac ng diretso at kailangan kong ipaintindi sa kanya na kaya ko nang mag-isa.
Umupo ako sa dining area dahil nakahain na ang pagkain. Umupo din sya sa harap ko at kahit hindi ako nakatingin ay alam ko naman na sumusulyap sya sa akin. Pagkatapos maghugas ay tinawag ko si Zac at dinala sa balchony. Kulay grey ang langit just like his eyes pinaupo ko sya at nag umpisang magsalita.
"Uhm, this is awkward pero gusto ko lang sabihin na itigil mo na yung pagluluto sa akin." ngumiti ako para ipaalam sa kanya na hindi ako galit at ang talagang sadya ko ay malaman nyang kaya ko na ang sarili ko.
Tumitig sa akin si Zac at hindi ko iniwas ang tingin ko. Kahit kinakabahan ako ay kailangan ko pading magmukhang kalmado.
"Nagpapasalamat talaga ako sa mga nagawa mo sakin pero gusto ko talaga na maging independent. Wag ka mag-alala pag may kailangan ako kakatukin nalang kita o kaya tatawagan. I will make my own food promise. Dadalhan pa kita." seryoso akong nakatingin sa kanya. Hindi ko inexpect na magiging madali ang pakikipagusap ko. Well, nadeliver ko naman ang sentence ko na hindi nagstammer.
"I can't" narinig kong sinabi ni Zac at para syang nahihirapan. Kumunot ang noo nya at napapikit.
"I need to do this Zac, Please .." mas sineryoso ko ang mukha at nakita kong ngumuso sya.
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko. What the? Umiwas ako ng tingin. Hindi pwedeng lagi ganito nalang yung nararamdaman ko kapag magkakaharap kami. Lagi akong naiilang at feeling ko may kung anong humahalukay sa tyan ko. Bakit ba kasi ang gwapo ng mukha nitong si Zac? Disturbing na masyado at HD pa sya sa paningin ko ngayon. Parang nawala ako sa sarili ng itinaas ko ang kamay ko para pisilin yung pisngi nyang makinis.
"okay na?" nakangisi kong tanong sa kanya. Hawak parin ang pisngi nya. Pero nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko at inilapit ang mukha sa akin. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Nakatitig sa akin ang banyagang mga mata nya, naamoy ko na naman ang pabango nyang gustong gusto ko talaga. Ganon lang kami ng halos dalawang minuto. Lumayo naman si Zac sa akin at ngumisi.
"okay na." malawak ang ngiti nya ngayon dahilan para bumilog ang mga mata ko. Oh My Gosh. What was that for? Umalis na si Zac dahil may pasok padaw sya. Actually bahagya ko lang narinig na nagpaalam sya kasi hindi parin ako makamove on sa ginawa nya kanina.
Akala ko hahalikan nya na ako. Shit! Sobrang lakas padin ng pintig ng puso ko kahit ilang minuto nang nakaalis si Zac. Damn! Yung mga kulisap sa tyan ko ay nagwawala. Ano ba talaga ang nangyayari sakin? Inalis ko yun sa isipan ko at natulog. Oo matutulog ako dahil hindi kaya ang mga nangyayari at kailangan ko magisip ng mabuti para sa plano kong paghahanap kay ate Mavis.
BINABASA MO ANG
When Love Falls Inlove
RomanceRiver Mackenzie Flores is an ordinary girl who never believed in love or romance. She's from a broken family and that made her a nonbeliever. kung totoo ang pagmamahal bakit kailangan masaktan? bakit may mga taong nang-iiwan at bakit may mga taong...