Kabanata 15: Umuwi kana

26 1 0
                                    

Kabanata 15: Umuwi kana

Jassy

malakas ang ulan sa labas ng magising ako. apat na araw pa ang leave ko kaya gusto ko pa sana ipagpatuloy ang tulog ko ng maalala si kurt. mukhang ako lang naman yung natulog sa kama. umuwi kaya sya kagabi?

lumabas ako ng kwarto pagkatapos maligo at magbihis. nadatnan ko si janni na magisa sa sala at tulala.

"Good morning" mahinang bati ko. lumingon lamang sya sa akin at tumango.

"anyare sa mom mo?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"she's fine. she just did that para magpapansin kay papa." inis na sagot ni jan

I rolled my eyes. nung nasa ibang bansa kasi ang papa ni jan ay nanglalaki ang mama nya. nalaman yun ng pamilya nila at sinabi sa kanyang papa dahilan para umuwi ito. dahil doon ay nakipaghiwalay na ng tuluyan ang papa ni jan sa mama nya. naawa man ako sa kanya ay hindi padin mawawala ang inis ko sa nanay ni janni.

"anong balak mo?"

"icancel muna ang wedding." at nagkibit siya ng balikat.

tumango ako at tumayo. kinuha ko ang phone ko at nakita kong may isang mensahe si kurt doon.

babe<3
I'm home kanina pang umaga. see you later babe. love you.

napangiti ako sa text nya at nagreply na pumunta sya dito mamayang hapon. tatawagan ko si rik na pumunta din para mag movie marathon kami.

nakausap ko rik at sinabi nyang hindi muna sya pupunta dahil malakas ang ulan. naalala kong hindi nga pala gusto ni rik kapag umuulan.

bandang alas kwatro ng hapon ay dumating si kurt. hindi na masyadong umuulan. napansin kong balisa sya at nakakunoot ang noo. binati ko sya at nagumpisa kaming manood.

tahimik lang si jani sa gilid at ako lang ang tumatawa sa palabas. problema ba nitong dalawang to at nakasimangot. hinayaan ko lang sila. napansin ko ang kanina pa pagtetext ni kurt sa kanyang cellphone. hindi na nga sya halos nakakapanood. tinitigan ko sya at nagtanong.

"sino ba yang katext mo? kanina pa yan ah." mahinahon lang ang pagkakatanong ko at nagantay ng sagot nya.

"wala." sagot ni kurt na ngayon ay sumandal na sa sofa.

nagpaalam si janni na papasok na sa kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni kurt sa sala. nabubwisit na ako sa pagtext text nya. lumayo ako ng konti sa kanya at sumandal na lamang sa gilid ng sofa.

hindi nya ako nilingon at hangang sa matapos ang movie ay wala sa akin ang atensyon nya. inirapan ko sya at pinatay ang tv. bigla akong tumayo at padabog na umalis sa upuan.

"shit!" narinig kong mura nya at dali dali akong hinabol at hinablot ang braso ko.

"let go of me! kung magtetext ka lang naman pala buong araw edi sana hindi ka na pumunta dito! magsama kayo ng katext mo! bwisit!" sigaw ko sa kanya. hindi ko na napigilan ang banas ko. ano ba kasing meron sa cellphone nya hindi mabitawan kahit magkasama na kami.

"h-hindi babe, I-Im sorry. nagkaproblema lang sa opisina ni kuya." marahan nyang paliwanag.

feel ko maginarte ngayon kaya inirapan ko lang sya. may company ang kuya ni kurt at dahil nasa ibang bansa ang papa nila kaya sila muna ang namamahala. ang alam ko ay ang kuya nya talaga ang namamalakad doon. intern palang tong si kurt.

" reasons mo! nangbabae ka lang!" sigaw po padin sa kanya. this pass few days napapansin ko ang pagtext sa kanya ng mga unknown numbers hindi ko lang alam kung bakit sya nakakareceive nun.

hinawakan nya ako sa aking balikat. napansin ko ang naiinis nyang expression.

"ano? naiinis ka na sa akin?! ha? bwisit!" tinangal ko ang hawak nya sa akin.

dali dali akong pumasok sa kwarto at marahas na sinara ang pinto.


"umuwi ka na!" wala na akong narinig pa mula kay kurt and that thought makes me burst into tears.

When Love Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon