Kabanata 10: eternal love
kumulog at kumidlat ng malakas kaya napaupo nalamang ako sa takot. nah, di ko kayang maligo sa ulan. matutulog nalang muna kaya ako? malakas ang hangin na may kasamang ulan kaya pumapasok na sa balcony ng condo ko ang tubig ulan. lumakad ako para iclose ang glass window ngunit kahit anong pihit ko ay hindi ito nagsasara.
pagdiko to naisara ay malamang papasok ang tubig at mababasa ang couch at carpet ko. madulas na ang tiles kaya mas nahirapan ako. isinuot ko ang hoodie ng aking jacket kalahati ng aking damit ay basang basa na. patuloy padin ako sa pagsara pero konting urong lang ang nangyayari. napalingon ako sa kaliwang balcony ng may marining na kanta.
it's a beautiful feeling,
what we got deep inside,
we got a flame that will last forever,
together you and i ..natulala lang ako dahil sobrang ganda ng kanta. i sense sincerity to the song. I like it. ngumisi ako ng may maalala.
nagmamadali akong lumabas ng condo para humingi ng tulong kay zac. kung kanina half lang ang basa sa akin ngayon ay halos one fourth nalang ang tuyo. hinayaan ko nalang tutal kailangan kong masara ang glass window na yun.
nagdoorbell ako ng halos sampung beses bago ko marinig ang pagtunog at pagbukas ng pintuan ni zac.
lumabas sya na naka tshirt na puti at nakajogging pants. naningkit ang mata nya ng makita ako. I think kagagaling nya lang sa pagtulog at nagising lang sya sa pangbubulahaw ko.
"h-hello" utal ko pang bati sa kanya
medyo nilalamig na ako dahil kanina pa ako nakasuot ng basa. tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakakunot na ang mga kilay.
"sorry sa istorbo zac. pero pwede mo ba akong tulungan na isara yung glass window ng balcony? malakas kasi ang ulan at --"
"tsss." narinig ko ang sinabi nya at sinara bigla ang pinto.
"w-wait!" habol ko pero nasara nya na yung pinto.
tiningnan ko ang itsura ko na basa ang medyas, ang puti kong short at ang itim na jacket na suot ko. magulo ang buhok at may ilang hibla ang tumutulo pa ang tubig. medyo nanginginig nadin ang ibabang labi ko tanda ng ginaw na kanina pa nanunuot sa akin.
nagdoorbell ulit ako pero hindi na nya binuksan pa yung pinto. kinalampag ko pa ang tinawag ang pangalan ni zac pero hindi padin nya binubuksan ulit. napabuntong hininga nalang ako at bumalik nalang sa unit ko.
kinagat ko ang labi ko dahil di padin nawawala ang panginginig. tumakbo ako ulit sa glass window at buong lakas na hinila pasara ngunit wala pading nangyari, konti padin ang nagalaw. nanginig ako sa hangin. crap! paano ko ba ito isasara.
napagewang pa ako ng muntik ng madulas. tinangal ko ang medyas at inilagay sa tabi. nakapamewang ako ngayon na nakatitig sa glass window na ayaw talaga sumara. kung kanina may konti pang basa, ngayon ay basang basa na ako.
naiinis na ako at malapit nang mapaiyak dahil sa frustrations. napaupo nalang ako sa gilid at nag-isip ng paraan kung paano ito masasara.
napapitlag ako ng may nagsalita.
"get out of here at magpalit ka na ng damit."
napalingon ako at nakita ko si zac na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. may dala syang toolbox at poker face pading nakatingin sa akin.
napatayo ako at lumapit sa kanya.
"zac! buti dumating ka! kanina ko pa yan sinasara kaso ayaw nya eh. hindi ko na nga alam ang gagawin."
nanginig ako sa lamig. pagkatapos ng lintanya ko. nagbuntong hininga lang sya at sinabihan akong magpalit na ng damit at sya na ang gagawa doon.
tumango lang ako at pumunta na sa cr para maligo. nakatapis lang ako ng tuwalya ng lumabas. nakita ko si zac na seryosong inaayos padin ang sliding door.
napatingin ako ng mtv ang channel ng tv at featured ang favorite boyband ko na One Direction. walang pakeelam na lumapit ako sa tv at nanood. nakatayo lang ako sa likod ng sofa at tutok na tutok sa pinapanood ko.
napalingon ako ng marinig ang malakas na pagsara ng glass window ng balcony
"wow! galing! salamat zac!" at nginitian ko pa sya.
umiwas sya ng tingin sa akin. at nag tsss pa.
"cover yourselft with clothes. para kang hindi babae!" sigaw nya sa akin.
napatingin ako sa suot ko. nakatuwalya lang pala ako! agad akong nagbihis ng terno pajama na spongebob. actually regalo to ni Light sa akin when she visited japan.
agad akong lumabas at nakita kong tinetesting ulit ni zac yung door kung maayos na. ngumisi ako at pumunta sa kitchen para magtimpla ng hot chocolate.
tumingin sya sa akin ng inabot ko ang mug. kumunoot ang noo nya at tinignan lang ang hawak ko.
"para sayo. malamig eh. eto tuwalya para sa nabasa sayo. umiinom ka naman ng hot choco diba?"
tahimik nya lang inabot ang mug at tuwalya.
all my life
im all yours
and there will never be another one cause im enternaly yours ..sabay kaming napatingin sa tv ng tumugtug ang kanta na kanina pa LSS sa utak ko. napatingin ako ng nagiba ang expression ng mukha ni zac at inilapag ang tuwalya at umalis ng walang salita.
"teka, y-yung harry styles mug ko."
wala na sya ng maalala ko ang favorite mug ko. huehue.
BINABASA MO ANG
When Love Falls Inlove
RomanceRiver Mackenzie Flores is an ordinary girl who never believed in love or romance. She's from a broken family and that made her a nonbeliever. kung totoo ang pagmamahal bakit kailangan masaktan? bakit may mga taong nang-iiwan at bakit may mga taong...