Disclaimer: Ang storyang ito ay kathang-isip lamang. Ang lahat ng pangalan, tauhan, lugar, pangyayari at kung ano-ano pa man sa aklat na ito ay gawa lamang sa aking malikot na imahinasyon. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
***
CHAPTER 1
"Francis, tubig oh."
Inabot ko sa kaniyang ang hawak kong bottled water. Nakaupo siya sa bench sa may gilid, nasa grand stand kami ng St. Valentine High School. Galing pa ako sa canteen, inubos ko muna ang paninda kong brownies bago siya puntahan dito. Umiling siya at tinataas ang tubig na nasa tagiliran niya.
"No need, meron na ako." Uminom siya doon habang nanonood sa mga nagba-basketball, hindi niya ako nilingon. "Ano pang ginagawa mo d'yan?" Nagulat ako sa sinabi ng boyfriend ko, grade 10 na kami at dalawang taon ko na siyang kasintahan.
"Tapos na akong magbenta pero may kaunting natira, napagisipan ko na tumambay dito para panoorin kang magpractice. Kamusta naman ang practice mo?" I asked. Naghahanda sila para sa darating na Intramural.
"Gano'n pa din." He answered shortly.
Huminga ako ng malalim, mukhang ayaw niya akong kausapin. Naiintindihan ko naman iyon lalo na't kanina pa siyang umaga nagpa-practice, desidido siyang manalo.
"Maglalaro ka pa ba? Pawisang-pawisan ka na ah." Kinuha ko ang towel na nakasampay sa balikat niya at pinunsan ang pawis sa noo niya. "Punasan mo ang pawis mo, magkakasakit ka sa ginagawa mo e."
"Noted, thanks." Tanging sagot niya matapos ko siyang punasan, muli siyang lumapit sa kasama niya, kinuha niya ang bola at kaagad na shinoot sa rim.
Bumuntong-hininga ako. "Makulit masyado ang isang 'to." Umiling ako, habang pinapanood siyang maglaro.
Umalis ako doon at muling bumalik sa classroom. Kaunti na lang kaming natira dito, halos lahat ng kaklase namin ay practice. Kinuha ko ang lunch box sa bag ko para ialok ang natirang brownies.
Simula nang mawala si Mama nagsimula akong magbenta ng brownies. Nawalan kasi ng trabaho si Papa, napagbintangan siyang nagnakaw kahit inosente siya. Simula no'n hindi na siya natanggap sa mga kumpanyang pinag-applyan niya. Kaya wala siyang choice kung hindi magsimula ng negosyo, binenta niya ang bahay namin since napunta sa operasyon ni Mama ang mga inipon niya.
"Blessie, baka gusto mo nang brownies?" Alok ko sa kaklase ko, kaagad namang lumiwanag ang mukha niya.
"Bibigyan mo 'ko?" She asked, bakas ang saya sa mukha.
"Hindi, mawawalan ako ng baon 'pag nagkataon." I giggled, dahil sa reaksyon niya.
"15 pesos, ano?" Nakanguso siyang kinuha ang wallet niya. "Oh, pasalamat ka masarap 'yang tinda mo kung hindi!" Inabot niya ang bayad tsaka kumagat sa brownies.
"Salamat sa uulitin." Nakangiting sabi ko.
Inalok ko rin ang iba kong kaklase. Akala ko ay kailangan ko pang magalok ng ibang estudyante dahil baka hindi maubos ang paninda ko pero nagkamali ako. Muli akong nagtungo sa grand stand hindi para bisitahin si Francis kundi para sumali sa volleyball.
Natanaw ko agad si Francis sa kabilang court, tatlo kasi ang court. Nasa gitna ang mga basketball player, nasa gilid ang volleyball player at nasa kabilang gilid ang mga badminton player.
"At anong ginagawa ng magaling kong pinsan dito? Huwag mong sabihing, sasali ka sa volleyball?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Shelvet Maureen, kung ako sayo magbebenta na lang ako ng brownies para may pambaon ako."
Noon pa lang ay mainit na ang dugo sa akin ni Galilea, ang pinsan ko. Kapatid ni Mama ang Mama niya. Nakakapagtaka dahil wala naman akong ginagawang masama sa kaniya pero ganito ang pakikitungo niya sa akin. Narinig ko ang tawanan sa likuran niya. Nagulat ako nang makita ko ang mga kaibigan ko sina Andy at Paulina!
"Bakit kayo nandito? Balak n'yo rin bang sumali sa volleyball?" I asked wondering.
"Friends ko sila, bakit?" Singit ni Lea.
I stiffened. "F-Friends?" Bulong ko. "Akala ko ba ako ang kaibigan n'yo?" Hindi ko mapigilang tanong.
They laughed at what I said. "Hindi ba obvious, Shelby? Ginagamit ka lang namin para manatili sa section one pero dahil napunta kami sa section two. Wala ka nang kwenta!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y babagsak ako nang wala sa oras, hindi siya ang Paulina Lyrah Catania na nakilala ko. Mabait iyon at lagi kong kasama noon.
Nanggilid ang luha ko but still smiling. "A-ano bang sinasabi mo, Paula?" Nahihirapang tanong ko. Pinunasan ko ang luha na sunod-sunod na tumutulo sa pisngi ko.
Andy answered my question to Paula. "That's the truth, Shelby. Nakakainis lang kasi hindi pa kami napunta sa section one, sayang din ang ilang taong pakikipagplastikan namin sayo."
Napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang hagulgol. Nanuyo ang bibig ko, sinubukan kong magsalita ngunit walang lumalabas doon.
"Nagbabalak kang sumali sa volleyball? Oh come on, Shelby. Hindi ka makakapasa sa lampa mong iyan? Remember sumali ka din dati, papaluin mo na sana yung bola pero napa subsob ka sa simento." Tumawa silang tatlo, nakuha namin ang atensyon ng ilan. Lahat sila ay nakatingin sa amin may ilang natatawa, naaawa, at nagagalit.
Ngayon alam ko na ang dahilan. Dahil kapag lumalapit ako sa kanila parang lumalayo siya. Kapag inaaya ko silang maguli, sinasabi nilang busy sila. Kapag makikipagusap ako humahanap sila ng paraan para tapusin agad ang usapan. Parang sinasaksak ang puso ko, kapatid ang turing ko sa kanila pero para lang akong bagay sa kanila na puwede nilang itapon gustuhin man nila.
"Wala akong kinalaman d'yan sila na mismo ang nagsabi hindi ako." Tinaas ni Lea ang dalawang kamay niya na may ngisi sa labi. Lumapit siya sa akin nanatili ako sa posisyon ko hindi kumikibo, naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko. "Don't worryy dear cousin, may isa pang mawawala sayo." Nakangiti siyang lumayo sa akin.
I shook and bit my lip. Hindi ako nagsalita, walang sabi akong tumakbo paalis, palayo sa kanila. Patuloy na kumakawala ang mga luha sa mata. Tumigil ako sa isang madilim na classroom, matagal na itong inabando. Usap-usapan ay mayroong babaeng nakasuot ng puting bistida na nagpapakita dito. Hindi ko iyon inalintana nangibabaw sa akin ang lungkot. Sinara ko ang pinto dahilan upang mabalot ng dilim ang paligid.
Nagpatuloy ako sa paghagulgol. "A-Akala k-ko t-totoo at s-sincere sila sa a-a-akin." Huminga ako ng malalim, nanginginig ang katawan ko. "G-Ginagamit lang pala ako! Mga walang hiya sila nakuha pa nilang sabihin ang mga iyon sa harap ko, t@ngina!" Tinakpan ko ang mukha ko at muling umiyak.
Ilang sandali akong nanatili dito. Hirap akong tanawin ang nasa paligid ko, pinunasan ko ang luha sa mata ko at bumalik sa classroom namin.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou