CHAPTER 20
Nasanay na akong tuwing papasok ay may dala lagi si Ethan para sa 'kin. Palagi ko s'yang hindi pinapansin, may galit pa din sa dibdib ko. Ayaw kong mapagsalitaan s'ya ng hindi maganda.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, dalawang beses akong naging broken. Una kay Francis na magtatatlong taon ko nang boyfriend, pero dahil nagcheat s'ya nagbreak kami. Pangalawa kay Ethan... isang araw pa lang kami pero break na agad.
Hanggang ngayon wala pa rin akong balak kausapin s'ya. Akala ko nung una ay kakaiba s'ya, pero nagkamali ako, pare-pareho lang sila, pare-parehong manloloko. Kaya pala minsan ay nakikita kong magkausap si Lea at Ethan, kasi may plano sila, plano para sa 'kin.
Si Lea ang mastermind ng lahat, hindi ko magawang magalit sa kan'ya... ngayon. I'm in a lot of pain today, I don't have strength. This has been my worst year ever. Iiwas muna ako sa mga problema ngayon, ayaw ko nang madagdagan pa ang isipin ko.
Pumasok ako sa classroom, nandoon si Ethan as usual may dala na naman siya para sa 'kin. Dumiretso ako sa upuan ko at kinuha ang cellphone, kunwaring may kinukitingting.
Simple kong tinignan ang nilagay n'ya sa desk ko. It's a box, katulad ng binigay sa akin noon ng lalaki. Pero mas maganda 'to, puro bulaklak ang design, katulad ng sinuot kong dress noong pinakilala n'ya ako sa pamilya n'ya.
Binaba ko ang cellphone at nagdalawang isip kung bubuksan ang kahon. Sa huli ay napagpasyahan kong buksan. Bumungad sa akin ang iba't ibang imported chocolates, sa ibaba nito ay may maliit na note na may nakasulat na; I'm sorry, please, let me explain. I love you.
Napalunok ako, siguro sa ngayon kailangan ko nang tanggapin 'to, sayang naman. Niyamukos ko ang papel at tinapon sa sahig, sinarhan ko ang box at muling nagcellphone.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya, tahimik na yumuko s'ya para kunin ang papel na tinapon ko. Akmang kukunin n'ya ang box sa desk ko nang pigilan ko 'yon gamit ang isa kong kamay. Hindi ko s'ya nilingon, nasa cellphone ko ang paningin ko.
"Maureen, please, let me explain. I'm begging..."
This time tinignan ko s'ya. Namumugto ang mata n'ya, malamang sa malamang ay umiyak s'ya kagabi. Malaki ang eye bags n'ya, mukhang hindi nakatulog. Magulo ang buhok, parang hindi inayos.
"Ethan, pagod pa ako, 'wag ngayon."
He sighed at tumango. "Okay, then. I can wait, sabihin mo lang kung kail--"
Pinutol ko s'ya. "Hindi ko kailangan ng explanation mo. Ang ibig kong sabihin pagod ako kaya 'wag mo akong kulitin ngayon."
Ilang sandali ang lumipas at lumapit si Francis sa akin. Nasa kaliwang side ko s'ya, hindi s'ya mapakali, parang may gustong sabihin pero hindi magawa, nakatikom lang ang bibig n'ya.
"Ano na namang kailangan mo? Francis, kung balak mo uli ako saktan, please lang, pabayaan mo muna akong dibdibin ang mga sinabi mo kahapon."
Bumuntong-hininga s'ya. "Renren... I want to clarify some things."
Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya. Dahil bigla akong nainis, ayaw ko nang makarinig pa ng kung ano mula sa kanilang dalawa!
"Ano Francis, masaya ka na? Masaya ka nang nakikita akong nasasaktan? Tigilan n'yo muna akong dalawa, hayaan n'yo akong makapagisip-isip."
Nagpumilit pa s'ya kaya umalis ako sa classroom at sinabi ko kay Blessie na iexcuse ako kasi pupunta ako clinic. Pero ang totoo ay pumunta akong CR, wala akong choice kasi sa mga oras na 'to 'yun lang ang nakikita kong lugar na payapa at tahimik.
Lumipas ang oras at lunch time na. Palagi kong kasama sina Blessie at Lora kumain, pinakilala pa ako ni Blessie sa mga kaibigan n'ya.
"Kamusta ka naman, Ren?" Tanong ni Blessie at sumubo ng kanin na may ulam.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou