CHAPTER 4
Malapit na ang Intramural kaya busy ang lahat sa pagpa-practice. Papunta akong grand stand, kailan ko ng idea para sa essay na gagawin ko. Hindi kasi ako sumali sa kahit anong sports kaya ang pinagawa ako ng essay, hindi lang ako pati mga kaklase kong hindi sumali.
Tungkol sa sports 'yung essay, hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan. Walang idea na pumapasok sa isip ko. Kaya kailangan ko ng inspiration, hindi ng gwapo, cringe!
Umupo ako sa bleachers sa may gilid hawak ang notebook ko. Pinanonood ko ang mga players sa ginagawa nila. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming gumawa ng essay, pamparami lang 'to ng gawain, nakakaumay. Hindi ako magaling gumawa ng essay lalo na kapag english ang language na gagamitin name-mental block ako.
"Sila na ba? Akala ko ba ang jowa ni Flint ay 'yung mamamatay tao daw?" Palihim kong sinulyapan ang dalawang babae sa likuran ko.
"Gaga ka! Anong mamamatay tao? Mabait daw 'yun, si ano yun e si... Shel... Shelvet! Tsaka masarap ng brownies na binebenta niya, mamamatay tao amputa. Chismis lang 'yan maniniwala ka dun kay Galilea e may pagkakiri ang isang 'yun. Ayun tignan mo kung kumapit kala mo aagawin." Hindi ako pamilyar sa kanila, kahit sa boses baka naging kaklase nila si Lea noon kaya kilala nila.
Pinagmasdan ko ang dalawa na nasa court, hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mata ko, mapait akong ngumiti nang pinupunasan ni Lea si Francis, habang nakakapit sa braso nito, ang g@go malaki ang ngiti sa labi. Kaya pala parang iniiwasan ako nung minsan, si Lea pala ang gusto niyang gumagawa nu'n, yung pagpunas at pagaalaga sa kan'ya, gago siya, mabilaukan sana siya!
"Sila na daw sabi ng mga kaklase nila, nakikita nga daw sila na magkasama umuwi e." Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na umalis doon, hindi ko kayang panoorin ang ginawa nila.
I continued to wipe my tears away. I'm not going to lie to myself masakit isipin na 'yung minahal mo ng sobra may iba na. Nakakaasar at the same time nakakagalit, hindi ko alam kung anong nagawa ko kay Lea para gawin n'ya ang mga bagay na ito sa akin.
"Aray!" Napahawak agad ako sa bandang pwetan ko, bahagya kong hinaplos iyon. "Kuya, tumingin ka naman sa dinadaanan mo para ka pa namang poste. Ang sakit huhu! Baka mabalian ako ng buto nito tapos kailangang operahan, wala akong pera para doon. Magingat ka naman, please lang! Mahirap lang ako, hindi ako rich. Hindi ko afford ang magpahospital!" Pinunasan ko ang luha ko na dahil sa pagda-drama ko kanina.
Nagangat ako ng tingin upang tignan siya. Nakatayo lang siya sa harap ko habang nakataas ang kilay. Hindi siya pamilyar sa akin naka-white t-shirt siya at black shorts. Bahagya akong nagulat nang ilahad niya ang kamay niya upang tulungan akong tumayo! Kinuha ko iyon at tumayo.
"Sorry," sambit niya, nakatitig lang sa 'kin. "Are you okay?" he asked worriedly.
I nodded and smiled awkwardly, nasa kabilang kamay ang notebook. Sandali kaming nagkatitigan parang wala siyang balak alisin ang tingin sa akin.
"M-Mauna na ako." Umalis ako kaagad, sandali ko siyang nilingon, patuloy pa rin sa paglalakad. Nakatanaw siya sa akin kaya kaagd akong humarap sa unahan at patakbong umalis.
Sino kaya 'yun? Muli kong naalala ang itsura niya. Hindi ako magaling mag-describe ng mukha ng tao pero hindi naman ako tanga para hindi ma-distinguish ang gwapo at hindi. Gwapo siya? Oo, sobra! Kung tatanungin ako kung sino sa kanila ni Francis ang mas gwapo, siya agad ang isasagot ko. Hindi dahil galit ako kay Francis, gwapo lang talaga siya! Ewan ko ba pero may parte sa akin na gusto siyang makita muli.
Mabilis na lumipas ang araw. Intrams na agad! Mabuti na lang at natapos ko agad ang essay na pinapagawa. Hirapan pa nga akong matapos iyon, badtrip! Ang hirap makabuo ng sentence lalo na kapag clueless ka sa ginagawa mo.
Nasa grand stand kami kasama si Blessie at isa kong kaklase. Kaming mga hindi kasali sa sports ay nakatoka para mabigay ng tubig at snacks sa mga players. Kada grade level may nakatoka sa ganito, kami ang naatasan para sa grade 10, umay nga! Kasali dapat ako sa volleyball kung hindi lang umepal si Lea.
Kada grade ay may kanya-kanyang muse, si Lea ang amin. Ang Intramural namin ay hindi katulad ng isa ibang school, kung ang iba school ang naglalaban-laban, ang amin ay by grade. Kada grade level din ay may kanya-kanyang yell, ang tagal nga naming nandoon si bleachers kanina. Ang iba naming katabi nagmobile legends na lang.
"Pakidala naman nito sa soccer players, du'n sa oval. Salamat!" Kinuha niya ang tray at umalis. May tagahatid kami ng tray kapag malayo, hassle kasi para sa mga players kung sila pa ang dadayo.
"Tubig po." Nagtigis ako ng tubig at inabot iyon sa player na bagong dating. Base sa suot nito masasabi kong basketball player ito, itim ang kulay ng jersey nila. "Salamat." Iniwan niya ang baso at bumalik sa court para magpatuloy sa paglalaro.
"Ren, gutom ka na?" Tumingin ako kay Blessie at umiling, sumimangot siya. "Gutom na ako, kanina pa tayo ditong umaga! Ang init, tirik na tirik ang araw bilib din naman ako sa mga players at nakayanan nilang maglaro. Ang lagkit na ng balat ko, arg!" Pinunasan niya ang braso niya gamit ang tissue.
"No choice tayo, gustuhin ko mang umalis hindi pwede." Sabi ko at inabot sa player ang baso ng tubig.
Mapapagalitan kami pagnagkataon. Usapan kasi namin na alas dose ang tapos ng duty namin e, 11:08 pa lang! Mayroon pa kaming ilang minuto para gawin ang trabaho namin. Ayaw ko na mag-Intrams kung ganito lang din naman ang mangyayari.
"Water please!" Bumuntong-hininga ako, kilala ko kung kaninong boses iyon. Hindi ko siya sinulyapan, nagtigis ako ng tubig at inabot sa kaniya.
Sinamaan ko siya ng tingin nang sadya niyang bitawan ang baso, parang nagslow mo ang lahat, nasaksihan ko nang mabuti kung paano natapon ang tubig sa sahig
"Ops, sorry. Dumulas kasi sa kamay ko." Kumuha siya ng tissue sa lamesa at pinunasan ang kamay niyang basa, iniwan niya ang ginamit na tissue sa lamesa namin!
Huminga ako nang malalim at kinuha ang plastic cup. Nilagay ko ito sa basurahan, baka magamit pa.
"Alam mo Galilea umalis ka na lang nanggugulo ka e." Wika ng isang kasama namin.
"Excuse me? Nauuhaw ako kaya pumunta ako dito."
"Anong nangyari dito?" Francis asked as he arrived. I averted my eyes as one of his hands wrapped around Lea's waist.
"Sila kasi babe, nauuhaw ako kaya pumunta ako dito tapos nabitawan ko lang 'yung cup nagalit na sila sa 'kin. Pagod ako sa game tapos ganito pa ang trato nila sa 'kin, bwisit!" Nagmamaarteng sagot niya.
I rolled my eyes. "Arte." Mahinang sabi ko.
Francis glared at me, tumirot ang puso ko. "Let's go, sa canteen na lang tayo bumili. Mas malinis pa." Hinila niya paalis si Lea papuntang canteen. Sandami ko silang sinundan tingin at napailing.
"Aba! Anong gusto mong iparating madumi ang tubig namin?" Pahabol na sigaw ni Blessie ngunit nakalayo na sila kaya hindi iyon narinig.
Hinawakan ko ang balikat niya at sinenyasan na magpatuloy dahil maraming player ang pumupunta sa amin. Hindi sila nauubos maya't maya ay mayroong nanghihingi ng tubig at tinapay.
"Mabuti na lang wala na kayo, hindi mo siya deserve." Nakaupo kami ni Blessie sa monoblock, nagpapahinga.
"K-Kasi mas deserve niya si Lea?" Nalungkot ako sa sinabi ko, dahil iyon ang sinabi niya sa akin bago kami mag-break.
Muli ko na namang naalala ang nangyari, nakakatrauma. Ayaw ko nang maulit ang bagay na 'yon, ayaw ko na muling pumasok sa isang relasyon.
"Sira! Syempre hindi! You deserve better 'no." Nagbigay 'yon ng galak sa puso ko, gumihit ang ngiti sa labi ko, hindi tumugon sa sinabi n'ya.
Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Nagpapasalamat pa rin ako sa kan'ya dahil sa loob ng halos tatlong taon naramdaman kong may nagmamahal sa 'kin, bukod sa parents ko.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou