CHAPTER 7
"Here's your order, Ma'am! Enjoy your creamy taho's chilled mango burst." Nakangiti kong inabot sa kanya ang order niya.
Sinuklian naman niya ako ng ngiti at inabot ang kanyang order. Umupo ako pagkaalis nila, kanina pa ako umaga dito wala kasi si Papa may importante daw siyang pupuntahan hindi naman niya sinabi kung tungkol saan, basta daw importante.
Sumasakit ang katawan ko, maghapon ba naman kaming magpractice ng cariñosa kahapon. Parang nadislocate ang mga buto ko dahil nang nagstretched ako ay pumutok ang mga ito. Sabado pa naman ngayon akala ko ay makakapagpahinga ako hindi rin pala.
Lalo na siguro kung sa cheerdance ako sumali baka ipaghagisan ako doon. Wala naman pati akong balak sumali doon lalo na't si Lea ang naglelead baka kung ano pang gawin sa 'kin nu'n. Knowing her may kademonyohan minsan.
"Isang large chilled strawberry brust, one medium original taho and two large hot mango taho."
Kinuha ko agad ang cooked silken tofu sa cooler box. Naglagay ako ng strawberry syrup sa ibabaw nito, imbis na sago ay strawberry bits ang nilagay ko.
Nang matapos ako'y nilagay ko ito sa cup holder. Inabot ko iyon sa isang dalagang umorder dahil kumukuha ng pambayad yung isa, wari ko'y mag-ina sila. Parehong maitsura dahil magkamukha ang dalawa. Base sa suot at mga pinamili nila masasabi kong mayaman ang mga ito. Marami silang hawak na paper bags, paniguradong nagshopping sila.
My face turned on a melancholy smile. Siguro kung buhay pa si Mama magsha-shopping din kami tulad nila. Baka sa mga oras na 'to masaya kaming naglalakad habang may hawak na paper bags.
Sinuklian ko ang nanay nang babae. Inayos ko naman ang lagay ng pera sa cash box, pinagsama-sama ang magkakapareho at hiniwalay ang barya sa papel. Madami-dami ang nabenta ko ngayon dahil malapit nang mapuno iyon.
Akmang uupo na ako nang mapansin kong may wallet na nakapatong sa unahan. It's a black leather channel wallet dahil may logo ng channel sa gitna. Hindi ko alam kung fake ba 'to o totoo dahil ang inaalala ko ay 'yung laman, baka mamaya nandoon 'yung ATM or any other important things. Kung hindi ako nagkakamali ang may may-ari doon ay 'yung babae kanina!
"Ate, pabantay naman may gagawin lang ako." Pakiusap ko sa babaeng katabi ng kiosk namin. Nang pumayag siya ay hindi ako nagdalawang isip na iwan ang kiosk upang hanapin ang dalawang babae kanina.
Safe naman ang mga pera doon dahil nakatago iyon at dala ko ang susi. Ang hindi lang safe ay ang mga paninda ko baka mamaya pagdating ko ay wala na ang mga iyon. Hindi ko alam kung saang direksyon sila dumaan dahil abala ako sa pagaayos ng cash box kanina noong umalis sila. Nawala siguro sa isip nung nanay ng babae 'yung wallet na pinatong niya sa
Sa sobrang dami ng mga binili nila hindi na siguro sila magkanda-ugaga. Wala akong choice kundi buksan ang wallet, alam kong mali ang ginawa ko pero naisip ko na baka may number, picture o pangalan doon. Nanlaki ang mata ko, puno ito ng makapal na puro isang libo at maraming mga cards sa gilid! Ang rich pala nila! Sigurado na akong hindi fake ang wallet na 'to.
Malaki ang naging ngiti ko. Nakita ko ang ID niya! 'Rebecca Reyes Dizon' banggit ko sa pangalan niya, parang pamilyar. Nagtungo agad ako sa pinakamalapit na guard at sinabi ang nangyari.
Kinuha niya ang two-way radio at nagsalita doon. Ilang sandali ang lumipas at may nagsalitang babae, binggit ang pangalan ni Mrs. Dizon at ang current location namin ni Kuya guard.
"Mag-antay lang tayo dito, nene." Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Mahigpit ang naging hawak ko sa wallet, natatakot mawala. Puno pa naman 'to ng libo-libong pera.
Ilang sandali ang lumipas at dumating ang dalawang babae, 'yung bumili sa akin kanina! Lumapit sila sa akin at nagpasalamat.
"Oh my gosh, I forgot, pinatong ko nga pala 'yun, akala ko naibalik ko na. Thank you so much, Miss!" Binaba niya ang hawak niya at niyakap ako.
Her daughter murmured 'thank you' na nasa likod niya. Pilit akong ngumiti, masyadong awkward. Kumalas sa yakap si Mrs. Dizon.
"You're welcome po hehe. Ginawa ko lang po 'yung tama. Sige po... babye po." Aalis sana ako nang pigilan niya ako, hinawakan niya ang braso ko.
"Do you want something? As a token of appreciation for returning my wallet," she sincerely said.
Mabilis akong umiling. Ang pagsasauli ng gamit sa tunay na mag-ari ay dapat, ang paghingi ng kapalit ay 'di tama, iyon ang turo sa akin ni Mama.
"Nagugutom ka ba? Why don't you join us?" 'Yung anak niya. "Do you want money?"
Muli akong umiling. "Okay lang po ako..." parang naiiyak na sagot ko, kabado. Hindi ako sanay makipagusap sa hindi ko kilala. Hindi ko rin kailangan ng pera dahil naibibigay naman 'yon ni Papa, hindi siya nagkukulang sa akin! "Sige po may gagawin pa po ako."
Hindi ako lumingon no'ng tawagin nila ako. Mabilis akong bumalik sa kiosk namin. Nagpasalamat ako sa pinaghabilinan ko kanina.
Naglalakad ako papasok. Napatigil ako, kumunot ang noo ko nang makita si Lea, kausap si... Ethan? Nasa sulok sila, sa bandang likod ng malaking puno malapit sa building namin, sila lang dalawa. Hindi ko mapigilang hindi magtaka at mabahala at the same time. Nagtataka ako kung anong pinaguusapan nila at nababahala ako dahil baka kung anong sabihin ni Lea na masama tungkol sa akin.
"Fvck, I lik--" Nagulat ako nang tumingin sa direksyon ko si Lea, ganu'n din siya. Hindi natapos ni Ethan ang sasabihin niya, humarap siya sa akin, bakas ang gulat sa mukha at kinakabahan?
"Kanina ka pa?" Tanong ni Ethan sa 'kin.
Umiling ako. "Bakit kayo magkasama?" Tanong ko, kay Lea nakatingin.
"Nothing, let's go." Hinila niya ako paalis doon. Hinawakan niya ako sa pulsuhan ko. Napahawak ako sa dirty white macaroon backpack ko, gamit ang kaliwang kamay.
"Bakit basa ang kamay mo? Tsaka bakit kayo magkasama ni Lea? May gusto ka ba sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ko.
Ngayon ko lang sila nakitang magkasama, matagal-tagal ko nang nakasama si Ethan at ngayon ko lang siya nakitang kasama si Lea. Hindi kaya may something sa kanila? Pero sila na ni Francis, so niloloko niya lang si Francis?!
"Bago n'yo ako makita narinig kita, sabi mo 'Fvck, I lik' 'di ba I like you 'yun? So may gusto ka kay Lea?! E 'di mawawalan na ako ng kaibigan?" Gulat na tanong ko, gusto kong maiyak. Kapag naging sila ni Lea paniguradong iiwan niya ako kasi ayaw ni Lea sa 'kin. Ibig sabihin mawawalan na naman ako ng kaibigan?!
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil ako. "D@mn! D-Dont cry, it's not like that. You... you misunderstood it." he gently patted my back.
"Pero... pero," hindi ko alam ang sasabihin ko naba-blangko ang isip ko.
Pinakalma niya ako. "I don't like her, okay? You misunderstood it. I will never like her, ikaw pa rin ang kaibigan ko, hindi ka mawawalan ng kaibigan." He hugged me, in front of many students!
Inexplain niya sa 'kin kung bakit sila nag-usap, sinabi niya na gusto siyang makausap ni Lea. Hindi ko mapigilang hindi mamula, baka isipin niya may gusto ako sa kanya! Nagtungo kami sa room at tinulungan ako magbenta ng brownies.
"Ethan, sorry. Napaka-OA ko tapos iiyak pa sana ako kanina." Nakayuko ako.
"You don't have to say sorry. I told you ikaw lang kaibigan ko." He said and smiled sincerely.
Ngumiti ako pabalik. "E 'yung 'Fvck, I lik' anong ibig mont sabihin 'dun?" Hindi ko mapigilang tanong, may parte talaga sa 'kin na gustong malaman ang nais niyang iparating doon.
Napansin ko ang paglunok niya. "S-Sabi niya na... hindi daw ako nasasarapan sa brownies na binebenta mo. That's why, kaso naputol kaya na-misunderstood mo dapat ang sasabihin ko ay 'Fvck, I like it'."
I heavily sighed. Naging over acting ako doon, nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou