Love And Affliction 10

113 19 9
                                    

CHAPTER 10

Mabilis na lumipas ang araw, ngayon na ang math fair. May kan'ya-kan'yang dalang mga gamit ang estudyante, pang-camping. Walang nagdala ng school bags dahil hanggang bukas ang event na 'to.

Ngayong umaga gaganapin ang mathgaling contest katulad ng quiz bee, krypto, poster making, video making at marami pang iba, hindi ako gaanong pamilyar, dahil hindi naman ako mahilig sa math.

Kasalukuyan kaming nasa classroom, punong-puno ng mga gamit pang-camping.  May iba kasing nagdala pa ng mattress, at si Ethan 'yon. Maraming kaartehan ang isang 'to, paano laking mayaman.

Samantalang ako'y unan, kumot at makapal na panlatag lang. Nakakatamad kasi maglabit malayo pa naman ang bahay namin. Dalawang unan ang dinala ko, hindi kasi ako makatulog kapag walang sandayan.

Sinulyapan ko si Ethan sa gilid, nasa tabi ng outlet, nagce-cellphone. Pangiti-ngiti pa, napailing ako at tumabi sa dala niyang mattress kung saan siya nakaupo.

"Anong pinapanood mo? Panonood naman. Damot neto, parang hindi kaibigan e!" Reklamo ko nang ilayo niya ang cellphone niya kaya hindi ko nakita ang pinapanood.

Nanliit ang mata kong tinignan siya. Siguro may tinatago sa 'kin 'to! Aba, akala ko ba magkaibigan na kami? 'Di ba kapag kaibigan hindi nagtatago ng secrets?!

"Patingin!" Natanggal ang saksak ng charger niya sa outlet pagtayo niya, nilalayo ang cellphone sa 'kin. "Bastos 'to! Sabing patingin." Pagpupumilit ko.

"You're the bastos here, Maureen! Don't you know the word PRIVACY?" pagdidiin niya, pabagsak akong umupo, hindi siya pinapansin, kunwari nagtatampo.

Ilang sandali ang lumipas, hindi pa rin niya ako pinapansin! Pasimple ko siyang sinilip, abala pa rin siya sa pagkuting-ting sa cellphone niya. Palihim kong sinilip 'yon, hindi ko na siya inabala nang makita ko ang ginagawa niya. Nagrereview siya para sa sasalihan niyang quiz bee.

Nakwento niya sa 'kin dati na simula bata pa lang siya ay mathematics na ang favorite subject niya.

"Ethan?" Bulong ko sa gilid ng tainga niya.

"Wut?" He said without looking at me, still reading and memorizing the formulas.

"Favorite mo ang math 'di ba?" He nodded, still not looking at me. Ewan ko na lang kung hindi ka mapatingin sa susunod kong sasabihin.

"E, ako, kailan mo magiging favorite?" I giggled.

Gulat na gulat siyang napatingin sa akin, his jaw dropped, bumuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumabas doon. Niloloko ko lang naman s'ya, hindi niya siguro ineexpect na sasabihin ko 'yon. Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ng palda at kinuhaan siya ng litrato.

Malakas akong tumawa. "Ethan's epic pictures." Sabi ko habang gumagawa ng album sa gallery.

"Fvck lady, don't you dare spread that photo." Parang tuta akong tumango habang tawa nang tawa.

Alam kong pinagtitinginan na kami, lalo na 'yung mga nagkakagusto kay Ethan. Hindi maitatangging maraming nagkakagusto sa isang 'to lalo na't; He has an exquisite oblong face, down to his pointed nose, dark brown eyes that can make a woman fall in love with just one look, and his lovely kissable bow shape lip.

"Delete it." Mabilis akong umiling, he messed his hair with his palm, out of irritation and sighed. "F-Fine, just... just don't let others see it." Nakangiti akong tumango, ginulo naman niya ang buhok kong hanggang kili-kili. "Anyways, about what you said earli-"

Hindi ko siya pinatapos magsalita. "I'm just kidding lang kasi!" Tinago ko ang cellphone ko.

Nasa gymnasium na kami, nandito kami sa isang room kasama ko si Ethan at ibang grade 10. Ngayon na kasi gaganapin ang quiz bee, at bakit ako nandito? Ako kasi ang magiging scorer.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon