Love And Affliction 6

115 19 6
                                    

CHAPTER 6

Mabilis na lumipas ang araw. Naging malapit kami ni Ethan sa isa't isa, para na nga kaming magkapatid, hindi mapaghiwalay. Lagi siyang nakasunod sa 'kin palagi niyang dahilan bago pa lang siya at baka maligaw. Though, may point naman siya 'dun tsaka kapag magkasama kami hindi ako binebwisit ni Lea.

Nasa room kami ngayon, kaalis lang ni Ma'am. Sinabi niya na sa october 29 gaganapin ang science fair! Paniguradong buong araw kami excuse. Ganoon kasi ang nangyayari bawat taon pero nakadepende iyon kung sino ang maghahawak ng event. Sa ngayon ang mga group contests na pwedeng salihan ay;

Jingle Making - maximum of 20 members
Cheer Dance - maximum of 70 members
Folk Dance - maximum of 10 members
Science Modern Dance - maximum of 20 members

May ilan pang contents katulad ng quiz bee, poster making, slogan making, at iba pa. Hindi ako sasali sa pang-individual, mahirap na baka ako ang lowest du'n. Dati sumali ako sa quiz bee, hindi pa namin napag-aaralan 'yung topic, pot@!

"Anong sasalihan mo?" Tumingin ako kay Ethan sa gilid.

"Hindi ako sasali sa individual contests," Sagot ko.

"Sa group?" He asked again at humarap sa 'kin. Pinatong niya ang siko niya sa desk ko at pinatong ang baba sa palad, nakahalumbaba.

I shrugged. "Ewan, baka tumanggi sila. Sabihan na naman akong mamamatay tao." Simpleng sagot ko. Maraming beses na nila akong sinabihan ng gano'n, alam ko sa sarili kong hindi totoo pero apektado pa rin ako.

He raised his eyebrow. "Mamamatay tao?" I sighed and explained everything. Samut sari ang naging reaksyon niya, nangibabaw ang inis. Hindi siya nagsalita ng kung anong masama ngunit sinasabi ito ng kaniyang mukha.

"Why does everyone love to judge without knowing the fvcking entire story?" Bakas ang inis sa mukha niya. "I despise people like that," dugtong pa niya.

Tumawa ako. "Chill, masyado kang high blood. 'Wag kang affected hindi ikaw ang sinabihan." Umiling ako at ngumisi. "Napapansin ko rin na madalas kang nagmumura." Halos araw-araw kaming magkasama at sa t'wing maguusap kami ay hindi nawawala ang fvck, hella, fuvcking. Ilan lang 'yan ngunit ang madalas n'yang sabihin ay fuvk.

"Let's just fvcking say na it's part of my expressions." He winked at me and smirked.

I rolled my eyes. "Tss, ayan ka na naman." He laughed, he's teasing me again! Hindi ako nagsalita, humarap ako sa unahan. He tried to talk to me, but I did not respond. Gusto kong malaman kung anong gagawin n'ya kapag hindi ko siya pinapansin.

Pasimple ko siyang tinignan, gusto kong matawa sa itsura niyang hindi maipinta. "Hey, sorry na." Mabilis akong lumingon sa kanya at ngumiti.

He rolled his eyes and smiled back. Sandali kaming natahimik, nakalimutan na namin ang tungkol sa science fair. Gusto kong magsimula ng conversation pero hindi ko alam kung paano sisimulan! Hindi ako nagfi-first move! Kaya laking pasasalamat ko dahil nagsalita siya.

"Where the hell is your ex, by the way? You don't bring him up that often. Kwento ka naman, I'm so d@mn freaking bored. Entertain me, please!" Ngumuso siya at sunod-sunod na kumurap. Hindi ko akalaing may ganito siyang side, it made me smile. Ang gwapo na niya tapos cute pa, lintek! Nasaan ba ako ng magpaulan ng kagandahan at kacutetan?

"'Yung ex ko kamo? 'Wag mo na tanungin sumama na 'yun kay satanas." I burst out laughing ng sumagi sa isip ko ang mukha ni Lea, tumatawa, may pulang sungay, buntot, at hawak na tinidor. "Kidding! Baka isipin mo nababaliw na ako." Sumeryoso ako pagkatapos sabihin 'yun. "You're asking me about my ex? Hindi naman siya mahirap hanapin kapag nalaman mo kung sinong pinakasinungaling lalaki sa buong mundo, malalaman mo kung sino ang ex ko." I explained.

Ang ex ko ay parang t@nga, ang totoo t@nga talaga siya, manloloko pa! Nakatingin lang siya sa akin, walang reaksyon. Kumaway ako sa mukha niya doon siya kumurap.

He sighed heavily. "Boring," he murmured, sapat na upang marinig ko. "Sino nga kasi? Siguro hindi ka pa move on?"

"Gagu ka! Move on na kayo 'no!"

Since he cheated on me, I've already moved on. Lalo na't sila na ni Lea, wala na akong magagawa du'n. Sa kanya na rin nanggaling na hindi na niya ako mahal. Hindi naman ako t@nga para maghabol sa kanya.

Nakakatawang isipin na sa dinami-dami ng lugar, CR pa talaga ang napili nila.  I admit, nasaktan ako do'n but wala naman akong balak gumawa ng eskandalo para ipagkalat ang nakita ko. Let's just say na nasa tamang pag-iisip pa ako.

"I'm waiting." He's looking at me, naghihintay.

"Napaghahalataan ka ah. Parang interesado kang malaman ang kwento ng buhay ko." He rolled his eyes.

"Excuse me? You're not my type."

Napahagalpak ako ng tawa. "Tado ka! Ang ibig kong sabihin napaghahalataan kang chismoso!" Totoong gwapo siya, matalino, mabait, at halos perpekto pero hindi ko siya gusto 'no! Siya na lang ang lagi kong kasama, I can't afford to lose him dahil sa pisteng pag-ibig. "Lumapit ka dito." Sinunod niya ako, inakbayan ko siya sa balikat. Tinuro ko ang direksyon ni Francis. "'Yang lalaking 'yan ang ex ko." Humarap siya sa akin, kumukurap-kurap siya.

"I see." Mahinang sambit niya, his eyes are pale. Sandali kaming nabalot ng katahimikan. "Do you... do you still love him?" Inalis ko ang kamay ko sa balikat niya. Humarap ako sa kanya at ganu'n din siya sa akin.

I shook and sighed. "Sabing move on na nga ako." Sagot ko.

"So, bakit kayo nag-break?" Tanong pa niya. Hindi naman siya chismoso 'no?

"Dahil nga may bago na s'yang girlfriend." Ayaw kong sinabihin ang tunay na dahilan, sensitibo ang bagay na iyon at nararapat na kalimutan.

Naging maingat ako sa pagsagot sa mga katanungan niya. Hindi dahil napatawad ko na sila sa ginawa nila dahil sigurado akong mae-expelled sila kapag nalaman ng mga teachers ang nangyari. Pinsan ko si Lea, parehong dugo ang dumadaloy sa amin kaya kahit nagawa niya ang mga bagay na 'yon ay papalampasin ko. Ayaw kong masira ang kinabukasan niya dahil sa akin, kahit siya ang puno't dulo ng lahat.

Kinabukasan, inaya ako ni Ethan na sumali sa folk dance. Nasa tapat namin ang isang grupo, puro mga grade 10. Apat sila, dalawang babae at dalawang lalaki, ayon kay Ethan naghahanap pa sila ng isang pares.

"Can we join?" Tanong ni Ethan.

Sumagot ang babaeng nagngangalang Jules. "Sure, pero ikaw lang, hindi siya." Nakaturo ang babae sa akin.

Muling nagsalita si Ethan. "I said, can WE join?" Pagdidiin niya.

Sinundot ko ang braso niya. "Ikaw na lang sumali, tinatamad ako." Pagdadahilan ko.

Halata namang ayaw nila akong kasama. Mas makabubuti kung hindi na lang ako sasali at baka kung ano pang mangyari, makapaapekto sa performance namin.

"Ano? Sasali ka ba? Kung sasali ka dapat ikaw lang." Wika naman nung isa.

"Tsk!" Singhal niya at hinila ako paalis doon.
"Sasali tayo sa isang group." Aniya habang tinatahak namin ang daan paalis. Seryoso siyang naglalakad, kaya hindi na ako nagbalak pang magsalita. Parang bumalik ang Ethan na transferee.

Natanggap kami sa kabilang grupo, nawala ang nerbiyos ko. Mukhang mababait sila, bale walo kaming lahat apat na babae at apat na lalaki. Sa bawat grade ay may dalawang representative sa bawat competition pero ang mananalo ay tatlo lang, which is 1st, 2nd, at 3rd place. Kaya sa walong grupo tatlo lang ang may pagkakataong manalo.

Cariñosa ang napagpasyahan naming sayawin. Si Ethan ang kapartner ko, dahil sabay naman kaming sumali at sabi niya wala siyang balak maging partner ang iba, maliban sa akin. May kaartehang taglay talaga ang isang 'to pero mabuti na rin 'yon baka kasi makahanap siya ng bagong kaibigan. Alam kong nagiging selfish ako, natatakot lang akong mawalan ng kaibigan.

"Practice na tayo!" Sigaw ng isa naming kasama matapos i-play ang video na kokopyahin namin.

Napalunok ako, ngayon pa lang ihahanda ko na ang katawan ko. Mahirap ang steps na kokopyahin namin!

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon