Love And Affliction 16

90 17 5
                                    

CHAPTER 16

Kinabukasan, may kan'ya-kan'yang kaming dalang christmas decor. Napakasus, ang sabi magdala daw ng pangdecor pero bakit pinaglinis at pinagkabit pa kami? E, kami na nga ang nagdala...

Isang garland lang ang dinala ko. Aba, nagtitipid ako, bahala sila, marami naman kaming nagdala ng garland. Nagdala si Ethan ng mamahaling christmas lights, ayaw ko na sanang banggitin kung anong dinala ni Francis, kaso christmas tree 'yon! Malaking christmas tree, kung hindi ako nagkakamali mga around 5 thousand pataas ang presyo no'n.

Ang ilang mga kaklase kong rich ay nagdala ng ilang christmas decor galing pang ibang bansa! Jusko! Paano naman akong poor? Feel ko tuloy hindi ako belong dito.

Abala lahat sa pagaayos, paglilinis, at pagdadaldalan. Ganu'n din sa kabilang section, patay ang mga aircon at kabukas lahat ng pinto. Pabalik-palik ang mga estudyante sa CR para labhan ang mga bahasan na pinampupunas.

Ang mga janitor ay abala sa paglilinis ng hallway at ilang building. Sabi kasi ng head ng grade 10, dapat daw matuto kaming maglinis dahil matanda na. Marunong naman akong maglinis e, sila lang hindi, mga rich kasi.

Nagwawalis ako kasama si Blessie, inis na inis s'ya kasi 'yung mga nagwalis kanina hindi maayos, marami pa ring mga alikabok.

"Bwisit, nakakapikon na, ang tagal nilang nagwalis tapos hindi naman said!" Nagmamaktol s'ya habang marahas na kinukuha ang alikabok gamit ang tambo.

"Okay lang 'yan, wala naman tayong magagawa e, anak mayaman." Sagot ko habang nagwawalis sa tabi n'ya.

Dinakot n'ya ang naipong dumi sa gilid. "Hello? Rich din ako pero hindi ako kasing t@nga nila. Simpleng pagwawalis hindi alam, kababaeng mga tao."

I chuckled at tumigil sa pagwawalis. "Ibang rich ka naman, ikaw 'yung rich na maganda, mabait, cute, chubb--"

Pabagsak n'yang binitawan ang tambo na naglikha ng ingay, masamang tingin ang bininigay n'ya sa akin, bahagya akong napaatras. "Hoy, Renren. Makachubby ha? Nakakasakit ka." Nakahawak pa s'ya sa dibdib n'ya at kunwaring naiiyak na tumingin sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag, akala ko ay magagalit talaga s'ya, kinabahan tuloy ako. Nakakatakot pa naman s'ya magalit, para s'yang dragon, umuusok ang ilong at parang nagbubuga lagi ng apoy.

"Chubby is the new sexy ika nga. Tsaka hindi ka naman sobrang chubby, parang siopao." Pinisil ko ang pisngi n'ya gamit ang kaliwang kamay, sobrang lambot nito para talagang siopao!

"A-Aray, mashakit, alish!" Natatawa kong inalis ang kamay sa pisngi n'ya. Masama ang tingin n'ya sa akin habang hinihimas ang pisngi n'ya, nag-peace sign naman ako habang nakangiti nang malawak.

"Hoy! G@go ka ba? Bakit dito mo pinapagpag 'yan? Kita mong nagwawalis kami, bulag lang bulag? O sadyang tanga ka lang? Ihulog kita d'yan e!"

Nililinis kasi ng isa naming kaklase ang kisame na may agiw, gamit ang feather duster, nakatayo s'ya sa upuan. Tapos pinagpag n'ya yung feather duster sa sahig. Kaya napuno na naman ng alikabok ang sahig!

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Gusto ko ring nainis pero hindi na siguro kailangan dahil naguusok na ang ilong ni Blessie... sa galit.

"Kita mong naglilinis ako dito sa taas, tapos magwawalis kaagad kayo, sinong mas t@nga?" Wala ang adviser namin, abala sa pagdedecor ng teacher's room kaya malakas ang loob nilang magmura at magsigawa, harap-harapan.

Sobrang ingay ng room, hindi lang sina Blessie ang nag-aaway, halos lahat ay nagkakatalo.
Ganu'n din sa kabilang section, parang may riot.

Iniwan ko si Blessie nang makita ko si Ethan na sige ang pagma-mop ng sahig, tagaktak ang pawis. Nakabukas ang tatlong botones ng mabasa-basang uniporme dahilan para makita ang sando sa loob, magulo ang basang buhok. Para s'yang naligo sa pawis! Hindi ako lumapit sa kan'ya para punasan lumapit ako kasi may mali.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon