Love And Affliction 14

91 19 3
                                    

CHAPTER 14

Naglalakad ako pauwi bitbit ang mga pinamili ko, kakatapos lang mamalengke. Kadalasan ako ang gumagawa ng mga ganitong bagay, araw-araw kasi si Papang nagbubukas ng kiosk, para araw-araw may income.

Hindi s'ya kumukuha ng tauhan, nagiipon kasi s'ya para makapagtayo kami ng sarili naming shop. 'Yun din ang dahilan kung bakit kami lumipas sa mas maliit na bahay, para na rin makapagtipidtipid.

Nag-grocery ako ng mga kulang sa bahay at pagkatapos ay namalengke. Puro manok at baboy ang pinagbibili ko, kaunti lang ang isda, marami pa namang isda sa ref.

Malapit na akong makarating sa bahay nang biglang may kotseng puting Honda HR-V RS Navi ang tumigil sa tagiliran ko! Bahagyang napaawang ang bibig ko nang makilala ko kung sinong lumabas do'n.

He was dressed in a black LV shirt and black shorts, mula dito ay naamoy ko ang mabangong amoy n'ya, hindi ako pamilyar sa amoy na 'yon, mamahalin siguro.

"S-Sayo 'yan?" Tanong ko habang nakaturo sa kotse n'ya.

"No, it's my dad's." Binuksan ni Ethan ang pinto ng kotse. "Gusto mo sumakay... sa 'kin?" Pilyong sabi n'ya at ngumiti pa nang nakakaloko.

"Bastos." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad at iniwanan s'ya doon. Sinundan n'ya ako at pumatay sa tabi ko.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad, kinuha n'ya ang isang labit ko, hinayaan ko s'ya dahil mabigat ang dala ko. Mabuti na lang dumating s'ya, nagkaroon s'ya ng pakinabang. Kaunting hakbang na lang makarating na namin ang bahay ko.

"'Yung kotse nga pala?" Nang tumingin kasi ako sa likuran ay nanatiling nandoon ang kotse, hindi sumusunod sa amin.

"Don't mind that, I told Kuya Pido to wait for us there." Tumango-tango ako.

"Sandali, anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang address ko ha? Stalker ka 'no?!"

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Binitawan ko sa simento ang ilang labit ko at dinuro s'ya, na parang may ninakaw. Siguro palagi n'yang ginagawa 'yun, 'yung sundan ako. Nakakatakot, stalker s'ya? Paano na lang kapag nagbibihis ako sa kwarto ko? Baka nakasilip siya sa bintana. Grabe ang pago-over think ko, para akong napaparanoid!

"Feeling, first of all, I got your address from you; secondly, I am not a stalker. In fact, this is my first time here. Lastly, I came here to pick you up."

Napahiya ako sa sinabi n'ya, ako ng pala ang nagsabi sa kan'ya ng address ko para mahatid 'yung gamit ko noong math fair, bakit ko ba nakalimutan 'yon? Ang kapal pa ng mukha kong sabihan s'yang stalker, jusko po! Nakakahiya, sana naging papel na lang ako!

Hindi ako nagsalita hanggang makarating kami sa bahay, aminadong guilty. Masyado akong naging judgemental, sana pala tinanong ko muna s'ya kung bakit s'ya napadpad dito, hindi 'yung ura-urada, napahiya tuloy ako.

"Pasensya ka na, may kaliitan ang bahay namin."

Nahihiyang sabi ko. Binaba ko sa lamesa ang mga labit ko, kinuha ko naman ang labit n'ya at nilagay din sa lamesa. Inalis ko ang ilang nakakalat na gamit sa sofa at pinaupo s'ya doon. Habang inaayos ko ang mga pinamili ko ay pasulyap-sulyap ako sa kanya, palinga-linga s'ya mukhang sinusuri ang bahay namin.

Hindi kalakihan ang bahay namin kagaya ng sabi ko. Pagpasok mo ay sala agad ang bubungad sayo, sa kaliwang bahagi naman matatagpuan ang hapag, kusina, at CR. Sa dulong bahagi naman ng bahay namin ay may dalawang kwarto, sa kanan 'yung kwarto ni Papa at sa kaliwa 'yung akin.

Pinagtigis ko s'ya ng Del Monte 4 season, kasama sa pinamili ko. Wala na ang lamig nito kaya kumuha ako ng yelo sa freezer. Inabot ko ang baso sa kanya at pinatong naman n'ya 'yon sa lamesa.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon