CHAPTER 9
"Ah, Ate Shelvet, p-pwede ka bang makausap?" Napatil ako sa paglalakad nang may lakaking humarang sa harap ko.
Base sa kanyang mukha, pangangatawan, at pagtawag sa akin ng 'ate' masasabi kong mas bata siya sa akin, mas matangkad lang siya. Edi ako na pandak!
Ngumiti ako. "Bakit, bata?" Masayang tanong ko, ang cute niya kasi lalo na't nakasalamin siya.
"O-Ouch, bata." Aniya at humawak pa sa dibdib, animo'y nasasaktan.
Napakamot ako sa ulo. "Ano bang kailangan mo, tanda?"
Hindi siya makapagsalita siguro'y naoffend siya sa sinabi ko. Nasaktan kasi siya noong sinabi kong bata tapos no'ng sinabi ko naman na tanda hindi na siya nagsalita. Ano ba dapat? Ang gulo!
"Ah, para sayo, Ate!" Inabot niya sa akin 'yung hawak niya box, ngayon ko lang napansin na may hawak siya. Patakbo siyang umalis sa harap ko.
Kunot ang noo kong pinagmasdan ang box. It was wrapped with paper hearts and tied with a ribbon, to keep the box from falling apart. Nakatingin lang ako sa box. Simula no'ng sinabi ni Lea na pinatay ko si Mama, halos lahat ay iniwasan ako. Nakakapagtaka na may nagbigay sa 'kin nito. Nanliit ang mata ko, hindi ko binuksan ang box, nagtungo ako sa room.
"Morning!" Bungad ni Ethan.
"Uhm, Morning." Inilapag ko ang box sa desk ko at umupo. Pinagmasdan niya ang box habang makataas ang kilay.
"What's that?" Tanong niya.
"Papel siguro?" I said sarcastically.
He rolled his eyes and began to unwrap the package. I tried to stop him, but he ignored. I used my hands to block my eyes, kinakabahan ako baka mamaya death threat ang laman no'n. Nilagay lang sa maayos na box para magmukhang hindi nakakatakot.
"What are you doing? You looked so stupid." Inalis ko ang kamay ko sa mukha at nanlilisik ang matang tinignan siya.
"Excuse me? Ako mukhang tanga? Ang sama mo naman." Nakangusong pagmamaktol ko. Tinignan ko ang box na hawak niya, nanlaki ang mata ko at kaagad na kinuha ang box. "Wow, chocolate!" Mukha akong tangang binubukatkat ang box, tama nga si Ethan.
Punong-puno ang box ng malalaking toblerone, cadbury, ferrero rocher, galaxy at marami pa, hindi ako pamilyar doon! Muli kong naalala 'yung lakaki, tinawag ko siyang tanda at pinagisipan ng masama, napakasama ng ugali ko! Hahanapin ko siya mamaya, gusto kong humingi ng tawad.
"Kanino naman galing 'yan?" Nainis na tanong ni Ethan. "Pumunta ka lang canteen, may chocolate ka na agad."
"Secret, bakit inggit ka 'no?" I teased. "
He smirked. "As if, marami kami nan sa bahay. Galing pang New York." Taas noong pagmamayabang niya.
Pasimple akong umirap. E, 'di s'ya na ang rich! Palibhasa lumaki sa ibang bansa kaya spoiled.
Kinuha niya ang research module niya at nagsimula maghighlight doon. Tumalikod naman ako sa kanya, ayaw ko siyang makita mayabang s'ya!Masama ang loob ko sa kanya! Nang matapos akong kumain ay nagreview ako ng topic sa research. May quiz kasi mamaya sa research, no open notes kaya need talaga magreview lalo na't statistics ang topic! May kabobohan pa naman ako sa research.
Napahilamos ako ng mukha, kumain na ako ng chocolate wala pa ring pumapasok sa utak ko. May butas na ata ang utak ko, lumalabas ang laman. Tumingin ako kay Ethan habang pinapaypay ang module sa 'kin. Ang bilis niyang maghighlight, nagbabasa ba siya?! May pumamasok kaya sa utak nito?
"Problem?" Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa.
Dumatinga ng teacher namin sa research. Tinago ko ang module, baka akalain niyang magchi-cheat ako i-zero pa ako.
"Good Afternoon, class. Before we start our quiz, may gustong iparating sa inyo si Ma'am Bautista. Malapit na daw ang math fair, maraming contest at event na magaganap. Sa gusto daw sumali magfill up kayo sa form na 'to at ipasa sa president n'yo." Nagexplain pa siya, pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming magquiz.
Napalunok ako nang makita ko ang unang tanong. Bahala na bagsak na kung bagsak ang mahalaga makapasa, grades doesn't matter, ika nga. It will not define my future naman e, ang mahalaga may maisagot.
"Anong score mo?" Kakatapos lang namin magcheck ng papers. Pinaghiwa-hiwalay kasi ni Sir ang pagc-check para daw maiwasan ang pagbabago ng sagot, as if naman magbabago ako. Nanngongopya ako minsan pero 'di nagbabago 'no!
"Fvcking 49, you?" He said without looking at me, sinusuri kung saan siya nagkamali. Grade conscious!
"Sayang isa na lang perfect na! 42 ako, hayst!" Bumuntong-hininga ako.
Ang hirap! Buti na lang naka-42 pa ako, 38 kasi ang pasado. Sayang! nakakasura, nakakainis, nakakabwisit. Walo ang mali ko, nagreview naman ako ah, saan ba ako nagkulang? Bakit lagi na lang akong nagkukulang? Wow, lalim ng pinaghuhugutan.
"Sasali ka?" Tanong ko. "Sa math fair?"
"Depende, are you going to join?" Balik tanong niya.
Tinupi ko ang test paper ko at sinilid sa bag. "Ewan, may entrance fee, 300 pesos, mahal."
"Yes?"
Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong yes?" Umiling siya at may binulong. "Hoy, ano 'yang binubulong-bulong mo d'yan?" Mataray na tanong ko. Anong 'yes' ang pinagsasabi nito?
He looked away. "N-Nothing... If you're worried about the entrance fee, don't worry. I gotchu!" Pagkalingon niya sa akin ay kinindatan ako.
I averted my gaze as my heart pounded. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko, mabilis ang takbo no'n. Nakakapagtaka sa simpleng pagkindat niya ang lakas ng epekto sa 'kin. Umiling ako, siguro dahil ililibre niya ako kaya bumilis ang tibok ng puso ko, tama!
"Naku, 'wag na 'no! Okay lang naman ako tsaka baka hindi ako payagan ni Papa kasi overnight." Dahilan ko.
He gave me a serious look. I gulped, scary! "Really?" Pagkukumpirma niya, nakataas ang kilay.
Nilaro ko ang kamay ko. "O-Oo! 'Di ako papayagan talaga." Pangungumbinsi ko.
Haniniya kasi ako, may pera naman ako kaso nanghihinayang akong gastusin. Ang hirap kaya magbenta! Tapos gagastosin ko ng ganu'n-ganu'n lang? Halos hindi na nga ako makabenta nu'ng minsan mabuti na lang at tinulungan n'ya ako at si Blessie.
"Talaga?" Pangungulit pa niya.
Sunod-sunod akong tumango na nakanganga. "Talagang-talaga."
"Weh?" I sighed.
Alam kong hindi titigil ang isang 'to. Kulit-kulitin n'ya ako hanggang sa pumayag. Akala mo lang masungit pero kapag nakasama mo, naku! Mas makulit pa siya sa makulit, parang laging sinisilihan ang pwet!
"Sasama ako, pero ako magbabayad, may pera naman ako." Pagsuko ko.
Nanliit ang mga mata niya. "E 'di ako ilibre mo may pera ka pala e."
My eyes widened. "Sakto lang pera ko para sa 'kin. May pera ka naman ah, bakit ka pa nagpapalibre? Tsaka ang yaman-yaman mo na 'no! Maawa ka naman sa isang katulad ko." I said exaggeratedly.
Bahagya niyang hinilot ang sentido niya gamit ang gitnang daliri, nakapikit pa siya. Halatang nabi-bwisit na sa kaingayan at mga palusot ko. Nagmulat siya at nagkatitigan kami, nanigas ako sa pwesto ko.
"You're so makulit. I told you, I got you." He controls his annoyance.
Sa huli ay pumayag ako na siya ang magbayad. Maigi na rin 'yon iipunin ko na lang ang perang ipambabayad, para may mahuhugot ako kapag may kailangang bayaran.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou