Love And Affliction 3

133 19 5
                                    

CHAPTER 3

"Guys, may nakakita ba nung wallet ko?" Inangat ko ang ulo ko, tinignan ang kaklase kong naghahalungkat ng gamit niya. "Kanina pa nawawala send help naman. Paki tignan sa mga bag n'yo baka nandon." Muli kong pinatong ang ulo sa braso ko. Hindi ko na kailangang tignan, alam ko namang wala iyon sa bag ko.

Bumuntong-hininga ako, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Maraming mga nangyari these past few days, hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin ang mga nangyari. Masyadong mabilis hindi ko masabayan.

"Nawawala 'yung cellphone ko, fvck!" Boses iyon ni Francis. Karma niya iyan sa panglololokong ginawa niya!

"Ako rin nawawalan! 'Yung favorite kong ballpen, mahal 'yun galing pang New York!" Napailing ako, sunod-sunod ang nawawalan.

"Check n'yo nga mga bags n'yo! Nagkakawalaan na mga wala kayong paki-alam." Galit na sambit ni Francis.

Wala akong nagawa kundi i-check ang bag ko. Nanlaki ang mata ko, kumurap ako ng ilang beses. Napailing ako, paano napunta ang mga 'to sa bag ko? Nanginginig ang kamay ko habang nilalabas isa-isa ang mga nawawalang gamit ng mga kaklase ko. Isa na doon ang cellphone ni Francis!

"T@ngina, bakit na sayo 'yan?!" Gulat akong napatingin sa kaklase kong papunta sa direksyon ko! Everyone gasped, when they saw my hand carrying their missing items.

Kaagad akong umiling. "Hindi ko alam kung bakit nandyan ang mga 'yan." I denied.

Totoo naman, umalis ako kanina dahil inutusan ako ng teacher namin. Kaya hindi ko alam kung bakit may ibang laman ang bag ko! May naglagay ng mga 'yan sa bag ko. Hindi ko magagawang magnakaw!

"Anong hindi? Guys, si Shelvet ang kumuha ng mga gamit n'yo!"

Halo-halo ang naging reaksyon nila, hindi naniwala sa sinabi ko. Matatalim na tingin ang binigay nila sa 'kin. Nabaling ang tingin ko kay Francis, kitang-kita ko ang nagyeyelo n'yang mata, may bahid ng galit, naglakad siya papunga sa direksyon ko, bawat paghakbang niya papalapit sa 'kin ay nagpapabigat sa dibdib ko. Hindi ko magawang tignan ang mata n'ya, nanlilisik ang mga ito, umuusok ang ilong sa galit.

"F-Francis, maniwala ka hindi ko kinuha..." Inabot ko ang IPhone 11 niya, bagong-bago pa ito. Marahas niyang kinuha ang cellphone sa akin, hindi nawawala ang masama niyang tingin. Para niya akong pinapatay sa mga titig na iyon, nakakakilabot.

"Tsk, It was disgusting to have an ex-girlfriend who's a thief." Sa hindi malamang dahilan nanuyo ang lalamunan ko. I bit my lip, para pigilan ang luhang palit kumakawala.

Naging boyfriend ko siya ng halos tatlong taon at alam niyang hindi ko magagawa ang bagay na iyon, pero mas pinili niyang husgahan ako. Nagsimulang bumagsak ang luha ko, napahawak ako sa dibdib, mabilis ang tibok no'n dahilan upang mahirapan akong huminga, para akong hinihika. Nilibot ko ang paningin ko, lahat sila nakatingin sa akin, nandidiri na animo'y nakapatay ako ng tao.

Yeah right, mamamatay tao nga pala ako according to Lea.

"Mga tanga! Paano nangyaring si Ren ang nagkuha ng mga gamit n'yo e inutusan 'yan ni Ma'am kanina?" Lumapit sa akin si Blessie at inalo ako, patuloy pa rin sa pagiyak. "Where are your brains, stupids?" Dugtong pa niya.

"Shelvet, pumunta ka daw sa guidance." Lalo akong napaiyak, mas lalong bumilis ang naging tibok ng puso ko, patuloy sa pag-agos ang luha na animo'y gripo.

"Wala akong kinukuha, hindi ko alam kung bakit napunta iyon sa bag ko!" Sambit ko sa kaklase naming kadadating lang.

Tumingin ako kay Blessie, masama ang tingin nito sa mga kaklase namin. Hindi kami malapit sa isa't isa pero palagi siyang nandito para sa akin. Halos lahat sila ay itakwil ako at siya lang ang hindi.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon